Chapter 15

4.4K 52 0
                                    

BELLE

"Get up! Get up!" Nagising ako sa alingaw-ngaw ng sigaw ni Harry. Pilit kong binuksan ang mata ko, at natanaw ko siyang naka bihis na. Agad ko namang tinignan ang orasan, alas siete na pala ng umaga.

Napabalingkwas ako at dumiretso sa cr. Matapos kong magtoothbrush at maghilamos ay lumabas din ako kaagad, nagsasapatos na siya.

"Sorry, late ako nagising. Papasok ka na ba? Ano ba oras pasok mo?"

"Umaalis ako ng seven."

"Hala, sorry talaga. Kumain kana?"

"Noy yet."

"Uhm saan ka kumakain?"

"Office, but since I already have my wife here with me at home then I'll be having my breakfast and dinner here." Napairap ako. Wag kang kiligin Belle. Wag, masama.

"Paano, hindi pa ako nakakaluto?" Nagkibit balikat lang ito. "Bumili ka nalang, mayaman ka naman eh. Barya lang yan sayo. Malelate kana kung aantayin mo pa ako magluto."

"If that means to taste you, then I'll wait forever." He smirked. "To taste your goodness rather." Napa-angat yung kilay ko. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.

Ano kaya kinakain ng taong yun? Nakakita ako ng hotdog, kaya nilabas ko iyon.

"Smells great." Napairap ako. Inayos ko yung lamesa. Hinago ko na yung priniprito kong hotdog pati itlog at hinain sakanya.

"Ayan kain kana."

"Hindi uso sayo ang rice?" Ay oonga! Tanga ko naman.

"Di ko kasi makita kung nasaan eh." Tumayo siya.

"It's here." Turo niya sa akin at agad din bumalik sa kinauupuan niya. What to do, what to do?

"Paano ba?" Nakayuko kong tanong. He smiled. Yes, hindi ako marunong magluto ng kanin. I can cook, but not rice. 'Di ako marunong mag saing.

"Let's not just eat rice. Lika na kain na tayo." Umupo na rin ako at kumain. Napatingin ako sa wall clock, mag-aalas otso na.

"Uy malelate kana." Natatarantang sabi ko. Ngumiti lang siya.

"It's Sunday today." Napatingin naman ako sakanya. "Sunday's a family day. I'm staying with you." Pilit kong sineryoso ang muka ko kahit na pilit itong kusang ngumingiti.

"Bakit ka nakapang-alis?"

"We're going somewhere."

"I have nothing to wear." Nagulantang ako ng may mag doorbell. Kumindat siya sakin bago tumayo at nagtungo sa pintuan.

Pagbalik niya'y dala-dala na niya ang isang paper bag at inabot sa akin. As usual, damit ang laman.

"Go fix yourself, I'll fix everything in here." Sabi niya sakin ng matapos akong kumain.

"No. Ako na. Mabilis lang 'to." Pagsisimula kong maglipit.

"But matagal kang maligo."

"Mabilis lang."

"Ako. Na. Dito." Sabi niya ng ma awtoridad, kaya walang sabi sabi ay nagtungo na ako sa kwarto niya dala-dala ang paper bag.

Pagkatapos kong maligo't magbihis, inaasahan kong nasa loob na rin siya ng kwarto ngunit wala siya. Lumabas ako at nakitang hanggang ngayo'y naghuhugas parin siya. Natawa ako.

"Ang tagal naman niyan." Sabi ko habang sumilip sa mga hinuhugasan niya.

"Paano, hotdog at itlog lang niluto mo nakagamit ka ng dawang kawali, dalawang kaldero, dalawang sandok, strainer at dalawang bowl. Tapos dadalawa lang tayong kumain, halos limang plato't kutsara ang nagamit." Natatawa niyang sabi. "Paano ka ba magluto?" Dagdag pa niya. Napakagat ako ng kuko.

"Ano kasi, nilaga ko muna ung hotdog at itlog kaya dalawang kaldero. Tapos prinito ko, kaya dalwang kawali. Tapos ayun basta. Sabi naman sayo ako na maghuhugas eh. Ako na jan."

"Ayan tapos na. Let's go." Sabi niya habang tinatanggal ang apron at nagpupunas ng kamay.

"Saan ako mag i-stay pag nasa office ka?" Tanong ko sakanya habang nasa elevator kami pababa sa basement.

"Saan mo ba gusto? Gusto mong sumama sakin?" Natatawa niyang sabi. "Ang higpit ah, bantay sarado." Pagbibiro niya.

"Iniisip ko lang kasi, what if emergency tapos ako lang mag-isa sa loob ng unit mo. Paano ako makakalabas?"

"I'll give you the password of the door."

"Akala ko scan lang yun, gamit kamay mo."

"Pwede ding password, I'll show you later. Bakit mo natanong? May balak ka na bang umalis?"

"Bawal ba akong umalis?"

"Pwede basta sasabihin mo. You'll let me know kung saan ka pupunta and kung babalik ka pa. Don't worry, I'll provide your own driver and body guard, na nakastandby lang sa lobby."

"Hmm ok."

"Harry hindi ako nagsusuot ng mga ganito." Bulong ko sakanya habang nakatingkayad. "T-shirt at pants na lang bilihin natin."

"We'll get mamaya."

"Hindi ako nagdredress." Bulong ko ulit sakanya.

"We'll get all this." Napairap nalang ako. Edi ikaw magsuot niyan. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko kung magkano lahat ng pinamili niyang damit at sapatos sa akin. Hinawakan ko ang braso niya at kinurot, tumingin siya sa akin at pinandilatan ko siya. Napatingin samin ang kahera, nginitian lang niya ito.

"Anong gagawin ko sa mga damit at sapatos na yan?" Galit kong tanong sakanya. "Sabi ko wag mo ng kunin, bakit hindi ka nakinig?" Hindi siya umiimik. "Ikaw magsuot ng lahat ng yan." Hindi pa rin siya umimik, pumasok siya sa boutique ng Hermes. Hinili ko siya, para pigilang pumasok. Pero sinamaan niya ako ng tingin na para bang sinaway na bata. Pumili siya ng tatlong bag kasama ang partner nitong wallet, dalawang belt, at iba't-ibang kulay na bangles. Hindi na siya nagtanong-tanong pa, diretso niya itong binayaran.

Sunod siyang pumasok sa boutique ng Victoria Secret. Kumuha siya ng cart, kumuha siya ng mga sabon, pabango at lotion. Pumunta siya sa section ng mga panty at bra. "Kumuha kana." Hindi naman ako agad nakagalaw. "Ako parin ba pipili?" Seryoso niyang tanong kaya't nagsimula na akong pumili.

"Tapos na." Nahihiya kong sabi.

"Bakit yan lang?" Naiinis niyang sabi. Nagsimula siya kumuha ng kumuha ng panty at bra.

"Ano yan?"

"Lingerie."

"E bakit may ganyan?"

"Gusto ko." Sagot lang niya at patuloy siya kumuha ng lingerie na may iba't-ibang design. "Kumuha ka ng kahit anong gusto mo pati pantulog." Lumakad ako't kumuha ng mga pantulog, mga lazy wears. Matapos ay binayaran na niya lahat. "Saan ka bibili ng pants at shirts?" Tanong niya sakin.

"Wag na, masyado ng marami." Hindi ko na alam kung magkano na lahat ng napamili niya para sa akin. Isa lang alam ko, labis labis na.

"Saan nga?" Medyo pagalit niyang tanong. Hindi ako umimik kaya't pumasok siya sa Aeropostale. "Kumuha kana." Kumuha ako ng mga t-shirt na simple lang, v-neck pero hindi masyadong mababa. "Anong waistline mo?" Tanong niya sa akin habang hawak ang mga pants na napili niya.

"26" sagot ko sakanya.

"Tara na." Kulbit niya sa akin na may dala-dalang mga pants at tshirt. Dumeretso na kami sa cashier. "Wait. Wait." Sabi niya ng ipapunch na ng kahera yung mga kinuha kong v-neck na shirts. "We will not going to take all the v-neck shirts." Napatingin ako sakanya, pero kahit gusto ko ang mga yun ay wala akong magagawa. Nakakahiya naman kung magrereklamo ako, eh siya naman ang magbabayad.

"Herbert, bring everything in my place. Then ask anyone to fix everthing in my walkin closet. The other side was empty, make it all fit in there." Utos niya sa assistant niya.

"Ok sir." Sagot nito na agad ding naglakad, nakasunod naman sakanya ang apat na body guards na siyang may dala-dala ng mga pinamili namin. Ay! Niya pala.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon