Chapter 60

2.4K 34 0
                                    

HARRY

"Harry! Raeyna!" Nakita ko si Manang na tumatakbo.

"Dada!" Sabi sakin ng batang babae na maputi, hazel ang kulay ng mga mata at kulay brown ang buhok.

"Dada!" Sabi rin sakin ng batang lalaki na maputi, blue ang kulay ng mga mata at brown ang buhok.

Kumapit sila sa magkabilaang binti ko. Napatingin ako kay Manang na ngayon ay parang naestatwang nakatayo sa pintuan ng mansion namin.

"Jusko!" Sabi nito habang dali-daling lumapit sakin. "Harry, ikaw na ba yan?" Sabi nito habang kinukuha ang mga bata. Ngumiti lang ako.

"Bakit ka andito Manang?" Tanong ko sakanya at napalunok ito.

"Manang!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Raeyna. Nakapusod ang buhok nito patas na may mga iilang humaharang sa kanya muka nananatiling natural na brown at kulot ito. Nakapantalon ito, naka-shirt at naka tsinelas. Maputi pa rin siya at nananatiling simple.

Natigilan siya ng makita ako. Hindi ko mapigilang ngumiti.

"You ready honey?" Napawi ang ngiti ko nang lumabas si Brayden at lapitan si Raeyna. Napatingin siya saking gawi at halata sakanyang muka ang pagkagulat.

"Da" Tumingin kay Brayden ang batang babae at tumingin mali sakin. "Da"

"Dada?" Nagtatakang sabi naman ng batang lalaki. Hinila na sila ni manang at ipinasok sa loob ng bahay. Pumasok na rin si Brayden at Raeyna sa loob.

Bumunting hininga ako at tuluyan ng pumasok sa bahay.

"Anak you're here!" Masayang salubong sakin ni mommy. Iniwas ko ang muka ko ng hawakan niya ito. Diretso akong umakyat sa hagdan.

"Ya! Paki taas naman mga bagahe ko." Sigaw ko. Umakyat ako at sumunod sakin si mommy. Pagpasok ko sa pintuan ay pumasok rin siya.

"Kumusta ka anak? You're looking great!" Binagsak ko ang katawan ko sa kama. "You look so fine now." Sabi niya sakin at bumangon ako at tinignan siya.

"You haven't told me." Seryosong sabi ko sakanya at napalunok naman siya.

"What anak?" Nagpilit siya ng ngiti.

"Ma alam mo naman diba!" Inis kong sabi at hinagis ang necktie ko sa sahig. "Nagsinungaling ka sakin." Yumuko lang siya.

"Anak wala kaming nagawa. Pati ang mga magulang ni Belle. Nagpakasal sila, nagpakasal na lang sila basta ng walang pasabi. Sinabi nila nung tapos na at kasal na sila. Nagalit kami. Lalong-lalo na ang pamilya ni Belle knowing na kinasal kayo at ngayon sa kapatid mo naman. Nagalit kami sa kapatid mo, pero wala ng nagawa ang galit naman anak. Nakita mo naman diba, may kambal ka ng pamankin." Hinawak ni mommy ang kamay ko.

"Sobrang saya kong bumalik ng dito ma!" Hinilot ko ang sintido ko. "Dala-dala ang plano at pag-asa na magkakaayos na kami ulit ni Raeyna!" Niyakap ako ni mommy.

"Anak ko 'yung dalawang 'yun e!" Sigaw ko ng nagpipigil ng iyak.

"No na anak." Umiiling-iling si mommy. "Maayos na ang lahat, hayaan na natin para maging masaya kayo sa isa't-isa."

"Sila lang magiging masaya mommy!" Sigaw ko sakanya. "Paano naman ako? Anak ko 'yung kambal na 'yun ma, maniwala ka." Umiyak lang si mommy habang yakap-yakap ako.

"Hindi anak." Umiling -iling siya habang nakatitig sakin at nagpupunas ng luha. "Anak 'yun ng kapatid mo."

"Tangina naman!" Tumayo ako at lumabas. Binalibag ko ang pinto.

"Pare paano ka ba nakakasiguro na anak mo 'yun?" Tanong ni Kyler sa akin. Itinungga ko ang hawak kong inumin.

"Anak ko 'yun pare alam ko. Sakin 'yon nanggaling."

"Pare diba sinabi na sayo noon ni Raeyna nung maghiwalay kayo na hindi nabuo yung sinasabi mo?" Umiling-iling ako. Hindi ako naniniwala.

"Putang-ina! Baog ba ako?! Baog ba siya?!" Inis kong sabi. "Araw-araw kong kinaginang pinuputakan siya simula nung napagdesisyunan kong uuwi kami dito!"

"Chill pre." Sabi naman ni Tristan at tinapik-tapik ako.

"Dalawang bwan na ganon, putangina imposibleng walang nabuo!" Kita ko ang pag-iling ni Felix.

"January nanganak si Raeyna pre." Kwinelyohan ko si Felix. Inawat ako ni Tristan at Kyler.

"Alam mo?" Sabay-sabay nilang sabi. Binaba ko siya at huminga ng malalim.

"Chill tayo pre." Sabi ni Kyler at tumango ako.

"Putangina ka Felix, alam mo naman pala, bakit hindi mo sinabi?" Kalmadong tanong ko na nanggigigil.

"Hindi naman tayo nakakapag-usap usap pre." Sabi naman ni Tyler.

"Magtatatlong taon ka na simula nung umalis dito diba?" Tanong naman ni Kyler at tumango ako.

"Bengga!" Sabi ni Tristan.

"Magdadalawang taon na yung bata." Sabi naman ni Felix. Nagpapalit-palit ang tingin ko sakanila.

"Kung January siya nanganak," Nagbilang ako gamit ang kamay ko.

"Tangina May or April nabuo pare." Sabi ni Kyler.

"Putangina sayo nga pare!" Sabi naman ni Tristan.

"Anong plano mo?" Serysong tanong ni Felix.

"Babawiin ko kung anong sakin." Itinungga ko ang natitirang iniinom ko at dinampot ang jacket. Tumalikod na ako at umalis.

Bumusina sako at agad akong pinagbuksan ng guard. Alas dose na ng gabi. Pinasok ko ang sasakyan at ipinarada sa mismong harap ng pintuan. Sinadya kong ibalandra iyon.

Pagpasok ko ay wala ng tao at tahimik na ang buong bahay, mangilang-ngilang ilaw nalang ang nakabukas. Umakyat ako at nadaan ang kwarto ni Brayden. Napatigil ako.

Putangina gusto ko silang pasukin at hilain si Raeyna palabas. Napa-iling ako at tuluyan ng naglakad patungo sa aking silid. Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame.

Putangina ano kayang ginagawa nila ngayon.

Lumabas ako ng kwarto. Pumunta ako sa katabing kwarto ng kwarto ko kung saan ay walang gumgamit dati. Binuksan ko ito at hindi naka locked.

Pumasok ako at binuksan ang ilaw, tulig ang magkapatid. May tigisa silang kama na maliit, ang isa ay pink at ang isa ay blue. May naka-ukit na pangalan nila.

Hari...Reyna...

Hinala ko ang upuan at umupo sa pagitan nila. Tinitigan ko sila habang natutulog. Mga ilang munuto ay nakaramdam ako ng antok. I kissed them on their forehead. Napabunyong hininga ako ng tumalikod para lumabas na. Dahan-dahan kong sinaradi ang pinto.

"Anong ginawa mo jan?" Tinignan ko siya. Naka night gown ito. Kita ang pag-aalala sa kanyan muka.

"Just visited my son and daughter." I smiled at her. Kita ko ang kaba sa kanyang mga muka. Tinabig niya ako sa pintuan at binuksan ang pinto. Pumasok siya at binuksan ang ilaw. Sinarado rin niya agad ng makitang mahimbing na natutulog ang dalawa.

Hinawakan ko siya sa braso at pumalag ito.

"Umamin ka sakin Raeyna." Tumingin ito sa malayo. "Anak ba natin yang kambal?" Mahina ngunit gigil kong sabi.

"Anak namin siya ni Brayden!" Bulyaw nito sakin ng mahina.

"Then bakit january ka nanganak? Raeyna kasama kita hanggang June. Imposibleng anak sila ni Brayden!" Tumingin ito sa malayo at pilit tinatanggal ang hawak ko. "Bakit hindi mo nalang ako hinintay bumalik?"

"Binatawan mo ako!"

"Akala ko may babalikan pa ako Raeyna. Hindi pa naman tayo tapos diba?"

"Matagal na tayo tapos Harry! Magtatalong taon na!" Binitawan ko na siya at pumasok na ako ng kwarto.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon