C24: What's the status?

4K 158 8
                                    

"Yung Dad mo naiinggit." Bulong ni Mom sa akin. Nakayakap sya mula sa likod ko't nakasiksik yung mukha nya sa leeg ko. May limang minuto na din sya sa posisyon nyang ito.. kung kanina'y hindi ako mapakali, komportable na ngayon at bahagyang nakasandal sa kanya.

Nakabihis na sila at naka ayos na ang mga gamit. Aalis na din sila kapag natanggap na ni Dad yung tawag na hinihintay nya. Speaking of Dad.. may sampong hakbang ang layo nya sa amin at may tila asiwang ekspresyon sa mukha. Yung parang pinagnakawan sya ng empleyado nya ng milyon milyon.

"You think?" Nagdududa't halatang hindi naniniwalang tanong ko. Hindi kumbinsido. Magkaibang magkaiba naman kasi yung sinasabi ni Mom sa nasasaksihan ng mga mata ko. "Then why does he have that expression on his face?"

Natatawang lumayo sa akin si Mommy.. maang na nilingon ko lang sya. Para syang si Kuya, bigla bigla na lang tumatawa. "He is. Believe me.." May kasama pang tango na sabi nya na para bang makakatulong iyon para makumbinsi nya ako.

Sa halip na tablahin agad ay nilingon ko muna si Dad, ganun pa din ito, hinarap ulit si Mom at nagkibit balikat sa kanya. "I don't think so, Mom."

Napailing iling si Mommy sa akin, ayaw sumuko, ipinatong yung isang kamay nya sa balikat ko.

"Nasanay lang ang father mo to look mean and intimidating that it somehow stucked on his face and now he got all his facial expressions messed up." May malungkot na ngiti sa labing nilingon nya si Dad. "The business world done a lot of number on him."

Saglit akong natigilan sa narinig.. pinagmasdan ko yung tuwid na tuwid na posture ni Dad. Kahit dito'y ramdam ko yung pagiging formal nya.. palagi syang parang nasa office, palagi syang parang may kaharap na business associates.

"Why don't you give your Dad a hug later?"

Bahagya akong nagulat sa tanong ni Mom na iyon na medyo parang tunog request.

"I, I'll see."

Wala pang ilang segundo'y may tumunog na na ringtone sa paligid. Kay Dad iyon, sa cellphone nya, iyon na yata yung tawag na hinihintay nila.

Ilang minuto din ang itinagal ng tawag na iyon bago iyon ibaba ni Dad, saglit pa munang napabuntong hininga bago inilagay sa suot nyang suit yung cellphone nya't lumapit sa amin pagkatapos. Ilang ulit nagpapalit palit ang tingin nya saming dalawa bago iyon huminto kay Mom.

"We're good to go."

Pagkatapos nun ay nauna na syang lumabas ng bahay, nakaayos naman na yung mga gamit nila sa kotse, yung tawag na lang talaga na iyon yung hinihintay.

Nakayakap ang isang kamay sa akin ni Mom na sumunod kami kay Dad.

Pagtapat sa kotse'y hinalikan ako ni Mom sa noo't niyakap ng mahigpit, kasabay nun ay bumubulong sya ng mga paalala at bilin sa akin. Mag iingat daw ako't kakain sa oras bago sya tuluyang sumakay sa sasakyan.

Nang makita kong pasakay na din si Dad sa kotse'y bigla akong nataranta't wala sa loob na natawag ito.

"Dad!"

Tumigil sya't salubong ang mga kilay na hinarap ako at bago pa bumukas ang bibig nya para magtanong kung bakit ay patakbong yumakap na ako sa kanya na siyang lubos na ikinagulat nya.

We don't do this.

Our family don't do this.

Alam namin na mahal namin ang isa't isa pero mayroong ilangan. We never said I love you's and I miss you's. We don't kiss and hug. Rarely present sa mga ocassions.. even christmas and new years and birthdays pero andoon yung pag unawa sa isa't isa.

A Thing Called KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon