C39: A Friend

3.2K 113 2
                                    


Ayoko talaga sa maingay na tao, ayokong ayoko talaga. Siguro dahil nasanay na ako sa tahimik na lugar. Sa kwarto ko. Mag isa lang. Pero gusto ko yung katahimikan na yun. Hinahanap hanap ko.

Ayoko din sa madaming tao, siguro dahil nasanay na din ako. Hanggang makakaya iniiwasan ko yun dahil pag madaming tao mas malaki ang chance na maging maingay ang isang paligid. The more, the noisier. Not merrier, definitely not.

At ayokong magsayang ng oras sa mga taong puro salita lang. Bakit ka pa mag iingay kung wala din naman palang sense yung sasabihin mo? Nakakastress lang yun.

Pero mas ayoko pag pinagsama sama yung mga yan.

Mga taong maiingay na puro salita lang.

Hindi ko alam kung sinong may kasalanan pero natagpuan ko na lang ang sarili ko kanina na hawak ng dalawang babaeng maiingay na puro salita lang sa magkabila kong kamay. Hindi sila nakikinig, salita lang ng salita.

Hinihila nila ako papuntang canteen. Sa table nila. No, hindi sila part ng 'fans club' ko. Hindi pa sila part ng fans club ko ng lagay na yun.

Nakailang ulit akong nagsabi ng ayoko bago nila ako binitawan. More than ten. Humirit sila ng next time pero pagtitig lang ang ginawa ko't tumalikod na sa kanila.

Nakakabilib kung paano naging ganito ang sitwasyon ko ngayon at hindi ako natutuwa doon.

'Bakit hindi nila napapansin na hindi ako natutuwa? Obvious na obvious naman na hindi ako natutuwa.'

Nailing na nagpatuloy ako sa paglalakad ko papuntang breathing spot ko.

Bago tuluyang pumasok ay tinignan ko muna kung may tao ba sa paligid ko.. ayokong mawala sa akin yung tanging lugar kung saan payapa ang lahat dito sa school na ito. Matutuwa ako kung ang mawawala ay yung kabaliwan ng mga schoolmates ko.

Napahawak sa isang puno doon at huminga ng malalim. Pagkatapos ay nagsimula na akong pumasok sa loob. Hinahawi yung mga halaman na nakaharang and finally lumitaw na din yung malaking puno na iyon na nagbibigay ng lilim sa buong paligid.

Muntik na akong mapangiti sa katahimikang bumungad sa akin at nakakakaba yun sa totoo lang. Ganun kalala yung naging epekto sa akin ng mga schoomates ko. Isipin pa lang yun ay sumasakit na ang ulo ko.

Ng tuluyan na akong nakalapit ay nagulat ako sa nakita.

The fact na may babaeng natutulog dito ay nakakagulat na. Pero yung fact na si Katerine yun ay mas lalong nakakagulat.

Nasa tabi nya yung bag nya.

Mukhang wala talaga syang planong magpakita sa klase namin.

Dumilat sya.

Naramdaman sigurong di na sya nag iisa. Nanlaki ang mga mata nya ng makita ako at balak sanang tumayo para umalis.. siguradong aalis sya pero pinigil ko sya.

"You.. you can stay. Malaki naman yung katawan ng puno. Hindi mo makikita yung kabila. Doon ako.. sa di mo makikita." Sabay turo ko pa.

Bahagya syang nagulat, ang dahilan ay hindi ko alam. Siguro dahil sa sinabi ko mismo o yung way ng pagkakasabi ko nun na medyo utal utal.

Nag alinlangan sya saglit pero bangdang huli'y tumango din. Pinag iisipan ko naman kung dapat pa ba akong magsalita pero tinigil ko na lang. Baka tulad ko'y katahimikan din ang gusto nya. Pagtakas sa kaguluhan sa labas.

Pumunta ako sa kabila ng puno. Sumandal doon at pumikit. Yung mga ibon sa taas namin ay umaawit, humuhuni. Yung sariwang hangin dumadampi sa balat ko. Payapa ang paligid.

Finally naging payapa na din ang pakiramdam ko and as weirdly as it sounds.. nakatulong sa kapayapaang iyon yung katotohanan na andito si Katerine ngayon.

A Thing Called KarmaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang