C40: Don't ask me why

3.4K 144 6
                                    

Nang makapagpalit ng damit ay nag tuloy tuloy na agad ako sa kusina. Pasimpleng tumitingin sa kanan at kaliwa, harap at likod ko para makapag mission abort na agad ako kung sakali mang may mga lookers si Aling Openg na nakapaligid.

Wala.

Awesome.

Clear to approach the target.

Napangisi ako doon ng bahagya.

'Roger that.'

Pero bago ko pa mahawakan yung handle ng freezer ay may malamig at hindi natutuwang tinig na akong narinig.

"Anong ginagawa mo dito?!"

O_O

Singbilis ng pagsulpot nya ay sya ring bilis ng paglingon ko sa kanya.

Sumandal sya sa table, naka crossed arms at nakataas pa yung isang kilay. Seryoso yung mukha nya pero hindi ko sya magawang seryosohin sa lagay nyang yun.

"Anong ginagawa mo dito?" Ulit pa nya.

Ako ang dapat nagtatanong nun sa kanya sa totoo lang. Tuesday pa lang ngayon kaya dapat nasa condo sya.

'Tss isusumbong kita kila Mom, nag cu-cutting work ka.'

Tinalikudan ko sya't ipinagpatuloy na yung pakay ko sa ref.

Pagkalapag ko nun sa table ay bigla na lang yun nawala. Hindi magic. Kitang kita ko yung pandadayang ginawa ng kuya ko.

"So. Ano ngang ginagawa mo dito?" Hindi nagpapatinag na tanong nya sa question of the day nyang iyon.

-___-

'Tss ikaw ang anong tawag dyan sa ginagawa mo?'

Hinablot ko pabalik yung ice cream pero mabilis na naitaas na nya yun.

Tss. Bakit may mga ganitong nilalang sa mundo? Ilang katulad pa ni kuya ang nagpapahirap sa mga katulad ko sa mundong ito?

"Kakain ako ng ice cream." Sagot ko na. "Hindi ba obvious?" Dagdag ko pa.

Naiiling na naglakad sya papalapit sa akin syaka ako pinadasog para buksan yung ref at ibalik sa loob nun yung ice cream.

'What the hell?'

"Exam nyo ngayon ah? Bakit ka andito?" Seryoso ulit na tanong nya. Salubong ang kilay na hinawakan ko yung ref para buksan yun pero pinitik lang nya yung kamay ko.

"Naman eh! Kanina ka pa ah." Asar na tukoy ko sa ginagawa nya. Oo umay na umay na ako sa kakornihan nya pero sa totoo lang mas bagay yun sa kanya kaysa dito sa ginagawa nya ngayon.

"Kasi ayaw mong sumagot ng matino."

"Tss yung tanong mo yung hindi matino." Kinabig ko ulit yung ref para kuhanin yung ice cream sa loob pero pinitik na naman nya yung kamay ko. Nakakakalso ng panga na isipin yung kamay nyang iyon na doble ang laki kung ikukumpara sa kamay ko plus yung force pa nun na tumama sa akin.

"Hayzz! ano ba?" Sabay tulak ko na sa kanya para buksan yung ref.

Sucessful ko yung nabuksan pero bago pa makapasok yung kamay ko't makuha yung pakay ko dun ay tinabig na nya yun pasara.

'Arrrrgggg What the hell do you want?!'

"Sumagot ka nga muna kasi."

"Tss oo na! Tapos na akong mag exam. Yan, masaya ka na?" Hindi ko na hinintay yung sagot nya't binuksan ko na ulit yung ref pero tinabig na naman nya yun at this time ay tuluyan na nyang hinarang yung katawan nya dun.

Naiinis, naasar, at nabwibwisit na tinitigan ko sya.

"Paanong nangyaring tapos ka ng mag exam kung kasisimula pa nga lang ng exam nyo ngayong araw? And I can perfectly remember Lanie saying that she'll be busy until friday handing exams to her 'students'. Tuesday pa lang ngayon Eve." Parang ewan na paninita nya. Confidently, na para bang andoon yung alas sa sinabi nyang iyon at sapat na yun para masabing 'guilty as charged' ako at handa na syang iposas ako't ikulong.

A Thing Called KarmaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora