C41: Evacuate the area

3.2K 129 13
                                    

- Sagot ka na namin. Sumama ka lang Eve. Farewell party na din natin to samin nila Joshua. Please.. -

Ilang minuto ko ng tinititigan yung text message na yan. Umaasang matatakot yun sa akin at babalik sya sa 'type message' ng cellphone ng nakakatuwang sender padasog pa pabalik sa utak ng sender na iyon at tuluyan na lang ma stuck sa brain cells nya't maligaw na doon hanggang sa makalimutan na nya ng tuluyan at hindi na maitala pa sa kasaysayan.

Dahil kahit anong delete ang gawin ko dun ay siguradong hindi na yun mabubura sa cellphone at isip ni Lester, at sigurado din akong kanina pa sya naghihintay ng reply sa text nyang iyan.

'Tatlong oras na syang naghihintay ng reply.'

Sumasakit ang ulong pabagsak akong nahiga sa kama ko.

Kauuwi lang namin ngayon ni Kuya galing ng Palawan, wala pang isang oras ang nailalagi ko dito sa bahay at sa totoo lang pakiramdam ko'y nasa outer space pa yung kaluluwa ko. Yung utak ko'y naka airplane mode pa din hanggang ngayon, na medyo kabababa pa lang din galing ng outer space sakay ng spaceship ni kokey kanina.

Kailangan ko munang makarecover dahil sa totoo lang kahit ano man ang marinig ko ngayon ay puro 'blah blah blah' lang ang natratranslate ng utak ko't naka stuck na din yung 'evacuate the area' na command ng utak ko sa katawan ko.

Isa ding dahilan ay dahil sa pagkakaalala ko'y sa Tagaytay ang venue ng Science club ngayon. Mountain climbing yung pinaka goal. Tamang formula para tuluyang sumabog ang equation ko't sapat ng dahilan para magkulong ako sa cabinet ko buong maghapon.

Baliw lang, inuulit ko, baliw lang ang papayag doon.

So anong ginagawa ko sa loob ng van na ito ngayon?

'Damn'

Sa kaliwa ko'y si Princess at si Olivia naman sa kanan. Kumpleto ang members ng science club maliban kay Ma'am Pascual dahil taliwas sa bali-balitang sagot nya yung yearly gala ng mga members ng science club ay independent ito't trip lang ng mga members.

'Tss mantri-trip lang, nandadamay pa.'

Bakit as in BAKIT ba kasi ako pumayag?! Side effect ba ito ng isang linggong bakasyon na yun kasama si Kuya na sa totoo lang ay mas nakakastress pa kung ikukumpara sa siyam na buwan na inilagi ko sa school?

'Damn! Anong ginagawa ko dito?!'

Saglit na natatarantang sumilip ako sa bintana't hindi alintana na nadadapurak ko na si Princess para lamang manlumo sa nakita. Wala na talagang pag asa dahil nakalagpas na kami sa arch na may nakasulat na 'Maraming Salamat!' at 'Welcome' na ngayon yung nakikita ko.

Isang halik sa pisngi ko yung nakapag alis ng tingin ko sa bintana na yun.

Salubong ang kilay na hinarap ko si Princess.

"Hahaha ang cute mo kasi. First time mo?"

Pinaningkitan ko sya ng mata. Sinong sinto sinto ang bigla bigla na lang nanghahalik dahil lang sa cute ang isang tao?

'Peste!'

Salubong ang kilay na pinunasan ko yung pisngi ko gamit yung laylayan ng jacket na suot ko pero wala pang 2 seconds ay dinampian na naman nya yun ng halik. Rinig na rinig yung malagkit na 'smack' na nagawa nun dahil na din sa lipstick nyang hindi ko alam kung ano ang purpose sa mundo bukod sa maging pasakit sa buhay ko.

Dahil nga hindi pa ako nakaka recover ay pirmis na 'evacuate the area' lang ang sulosyon na kayang isipin ng utak ko sa lahat ng problema ko ngayon tulad na lang ng sitwasyon ko ngayon.

Kaya against man sa 5% na natitirang common sense sa katawan ko'y tumayo ako at tulad nga ng inaasahan ng 5% na yun ay may hindi nga magandang nangyari sa akin.

A Thing Called KarmaWhere stories live. Discover now