*15*

3.2K 86 2
                                    

Amethyst's POV

Kumakain ako ng breakfast kasabay si Adam habang pinapanood kami ng mga maids niya. Hindi ko maiwasang mailang dahil lahat sila naghihintay ng iuutos sa kanila. Napasulyap na nanaman ako sa kanila,at mukhang napansin naman yun ni Adam.


"You can go.Tatawagin na lang namin kayo if we need anything."Nagmamadali naman silang lahat lumayo. Ng masiguradong wala na sila humarap sa akin si Adam.

"Baby, I need to talk with you about something."Tumango ako indicating na nakikinig ako.


"I hired security for you. Sasama siya sayo papasok and she's also going to be your driver."Natigilan ako sa pagkain at tumingin sa kanya.

"What why? Is it necessary?"Kumunot naman ang noo niya at napailing pa na parang may masama akong nasabi.


"Of course. For your safety, I don't trust Sue anymore at naniniwala akong kaya niyang gawin ang lahat para lang mapaghiwalay tayo."Parang hindi pa siya makapaniwala sa tinanong ko. Nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Please baby, you need to understand. Alam kong ayaw mo ng ganito but I can't risk anything. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo."He grabbed my right hand at hinalikan ito. Ngumiti na lang ako at tumango.


Sabay naman kaming napatingin sa may pinto at pumasok si George at may kasama itong matangkad na babae na medyo malaki ang pangangatawan. And by the looks of it mukhang siya ang security na sinasabi ni Adam. 


Pero nagulat ako ng may kasunod pa itong dalawa. Nagtatanong akong napatingin kay Adam at tumayo naman ito.


"Tatlo na lang ang kinuha ko I know you probably need more but they're the best from our country."Paliwanag sa akin ni Adam at mabilis naman akong napailing.

"This is too much, besides nasa office lang naman ako. Hindi naman ako lalabas."Pagtanggi ko. Sobra na ang tatlo okay lang if may isang sumusunod sa akin saan man ako magpunta but tatlo?


"No it's not enough. We're talking about your safety Amethyst. Hindi biro yun we need the best in order to protect you." Hindi na lang ako nagsalita at nginitian siya. Humarap naman ako sa mga bagong dating at binigyan sila ng isang ngiti.

"Ms. Amethyst meet Aria, Spencer and Danielle. They're one of the best agents here in the Philippines and in Japan."They all bowed their heads pero agad ko silang pinigilan.


"It was nice meeting you. Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa gagawin niyo. I just need to get my bag then we'll head to the office."Humalik ako sa pisngi ni Adam at mabilis na umakyat para makuha ang bag ko mula sa kwarto niya.


***********

Hinatid din ako ni Adam papaunta sa office bago siya pumasok at ito ako ngayon. Trying to work habang may dalawang malalaking babae ang nakatayo sa office ko.


Aria is standing by my door habang si Spencer ay nasa tabi ko, si Danielle ay naiwan sa may main entrance ng floor na ito.


Hindi ko magawang gumalaw ng maayos dahil sa sobrang tahimik kahit na alam kong may kasama ako. And Spencer's eyes never left me. Lagi lang siyang nakatingin sa akin.


"Hey, lets go grab some lunch."Pagyaya ko at tatayo na sana para kunin ang bag ko ng biglang..

"Mr. Padilla gave strict orders na hindi daw po kayo pwedeng lumabas sa building na ito except if kasama siya or alam niya. Kami na po ang bahala sa lunch niyo."Naiinis akong umupo at kinuha ang phone ko.


Tatawagan ko na sana si Adam ng maunahan niya ako.


"Hey, I know you want to have your lunch but you can't go out lalo na ngayon. Papunta na ako diyan. I'll pick you up we need to go."Mabilis niyang sabi

"Why? May kailangan pa akong apusin. 8 pa ang out ko."Nagtataka kong tanong. Narinig ko ang pagmumura niya sa kabilang linya.


"Listen to me mamaya na akong magpapaliwanag. Aria and the others already know what to do. Sundin mo na lang sila.Please, be safe. I love you." Hindi na ako nakasagot dahil mabilis niya ng binaba ang tawag.


"Ms. We have to go. Mr. Padilla will just meet us there."Hinila na nila ako at hindi ko ng nagawa pang magtanong.



Adam's POV

Mabilis kong sinabihan si George na kailangan naming makalayo ni Amethyst ngayon din. Dahil sa binalita niyang pagpasok ni Sue sa bahay. She attacked one of my maids with a gun buti na lang at hindi ito napuruhan.


Kailangan ko muna siyang mailayo until hindi pa nadadakip si Sue.


"Mr. Padilla, Ms. Amethyst's condo just exploded just now damay na rin ang iba pang units. Hindi pa alam ang dahilan but I'm certain Ms. Sue has something to do with this."Napamura na lang ako.


"Get me to Amethyst, Fast!"Utos ko kaya mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse.



Strong (K.N)Where stories live. Discover now