*22*

2.8K 76 0
                                    


A/N:I'm back guys matagal na walang update dahil sa dami ng nangyayari around me. But babawi ako sa mga updates ko I'll try to make every chapter longer than what I usually do but I don't think hahaba siya ng mahaba talaga. Narealize ko kasing masyado siyang maiigsi.



Amethyst's POV

Hindi ako mapakaling nakaupo dito sa back seat ng kotse nila Sab, hindi sumagot kanina si Adam ng tumawag ako. Siguro nasa meeting pa kaya hindi ako nakapagpaalam sa kanya. I know na once na tumawag siya at malaman niyang umalis ako mula sa mga tauhan niya sa bahay malalagot ako.

Lalo na ngayon na masyado siyang protective sa akin,hindi na ako magugulat na once na makauwi siya galing Hong Kong ay may parusa ng naghihintay sa akin. Now that I thought about it parang mas gusto ko pang galitin siya lalo para lang malaman kung anong gagawin niya.


Napailing ako sa mga iniisip ko, when did my mind became this dirty?


"Paano mo napapayag ang isang Adam Padilla bes? Kanina lang nung kausap ko yun para alamin kung saan ka nakatira eh ang dami-dami pang tanong." Tanong sa akin ni Sabrina mula sa kinauupuan niya sa front seat.


Napatingin ako saglit sa lalakeng nasa tabi niya, I still can't believe anything that is happening right now. Specially Andrei being here, hindi ko malaman kung paano sila nagkaayos at kung mula kalian pa dahil ni misan hindi nabanggit ni Sab. At nakakagulat pa na nagkaayos sila after the thing that happened between the three of them galit na galit siya ng umalis ng bansa and as far as I know bago ako bumalik ng Pinas ay may iba siyang boyfriend.


"Well hindi ko masasabing pumayag siya, more like hindi niya alam." Nag-aalangan kong sagot. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya bago malakas na tumawa.

"Oh my gosh, now I cant wait for his reaction once he found out about this. Adam will surely loose his mind pagtawag niya mamaya sa bahay niyo. Medyo bad girl ka na bes ah." She teased kaya napailing na lang ako dahil alam kong may pagkatama naman sa mga sinasabi niya.


Andrei dropped us of in an Italian restaurant at sinabihang susunduin niya na lang kami once we're done eating. Tiningnan ko lang si Sab when she kissed him. Sinamahan kami ng waiter sa table na halos nasa corner na which is very good actually. Dahil I learned the hard way na kapag may ari ka pala ng isa sa mga nangungunang company sa buong Asia ay pagkakaguluhan ka. Akala ko artista lang ang ganun.

Ng maka-order na kami tiningnan ako ni Sab bago ngumiti ng pagkalaki-laki.


"Okay now that I'm here, spill. Tell me everything that happened ever since you got back. Dahil kahit hindi mo sabihin alam ko na may communication pa rin kayo nung umalis ka sa bahay niya almost two years ago." Pagsisimula niya. Napailing na naman ako. Wala talaga akong maitatago dito, kaya ganun na lang ang gulat ko ng hindi ko man lang napansin na may tinatago siya sa akin.

"Well kahit nung nasa states pa ako hindi ko nasabi sayo na after about a week ng lumayo ako nagparamdam siya ulit. I always get updates about him and presents too kaya parang hindi naman kami nag hiwalay. It's like a long distance relationship yun nga lang hindi siya ang talagang nakakausap ko kundi ang secretary niya." Nagpatuloy pa ako sa pagkwekwento habang kumakain kami hanggang sa nalaman niya na ang lahat.

Strong (K.N)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin