Chapter 49: Reunion

2.2K 24 1
                                    

**CHAPTER FORTY-NINE**

"OMO! MAAAAAAAAAY!" sabi ni Via sabay yakap sa'kin nang nagkita kaming dalawa sa mall.

Hindi pa rin umaalis papunta ng US ang isang 'to.

Pero kahit nandito kami pareho sa Pinas, wala kami masyadong time mag-bonding.

Busy din kasi kami sa kanya-kanyang buhay namin.

It's our girls day out today. Hinihintay na lang namin sina Cristy, Angie at Chin.

"Wow himala! Hindi late si May ngayon!" sabi ni Cristy.

Okay. Three down, two more to go. Mwahaha! Asan na kaya mga baliw na dalawang iyon?

"GIIIIIRLALUUUUUSSSS!"

Aba, speaking of the two loka-lokas. Dumating na rin sila sa wakas.

"Late kayo!" ani Via.

"At dahil late kayo, sagot niyo lunch natin." sabi ko naman.

Inirapan lang kami nina Chin at Angie.

"Wow naman. Kararating lang namin, ganyan agad bati niyo sa'min?" sabi naman ni Chin.

"Mga patay gutom talaga oh." ani Angie.

Nagtawanan naman kaming lima.

Pero di pa rin nagbago 'yung sinabi naming sila ni Angie at Chin ang maglilibre ng lunch. Mwahaha!

"Uy narinig niyo ba yung balita?" pambungad ni Cristy.

"Anong balita?" tanong ko.

"May reunion ang batch natin next week." sagot niya.

Pumalakpak sina Chin, Via at Angie.

Sht. Reunion?

Ibig sabihin, andun rin si Mark?

"Oh? Ba't parang di ka ata excited sa news ni Cristy, May?" tanong sa'kin ni Via.

"Asus. Naiilang ka ba dahil kay Mark?"

"Cristy talaga oh!" ani Chin.

Prangka talaga 'tong si Cristy oh. Di pa rin nagbabago.

"Maswerte ka't kayo pa rin ni Rey. Ikaw ba, pag-nagkasama kayo ng ex mo kasama mga kaibigan niyo, di ka ba maiilang?" sabi ko.

"Syempre maiilang." sabi ni Cristy. "Pero syempre life goes on. Isipin mo na lang na nagpunta ka sa reunion, hindi dahil kay Mark. Di mo ba namimiss ang buong batch natin?"

"Tama si Cristy. Pupunta tayo sa reunion para magsaya!" ani Angie.

Aish. Reunion? I like the idea. Pero sana naman maging maayos ang lahat.

---

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jim sa'kin while pulling over his car.

"O-Oo naman." sabi ko sa kanya.

"Kung naiilang ka, huwag na lang tayong pumunta." aniya.

Nasa tapat na kami ng Kasachi.

Bakit kasi dito pa nila hineld ang reunion namin? Pwede naman sa ibang lugar lang di ba?

Umiling ako. "Okay lang ako no. Tsaka miss ko na rin ang batch natin." sabi ko.

"Are you sure?"

I nodded. "Of course. C'mon, let's go na?"

Talagang ni-rent ng buong batch ang Kasachi tonight.

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon