Chapter 16: Opposites Attract

4.4K 44 1
                                    




**CHAPTER SIXTEEN**





Nakarating na rin kami sa Kasachi ni Mark.




Papasok na sana ako sa loob nang bigla akong hinila ni Mark at pinaupo sa bench na nasa tabi niya lang.




Nagkatitigan kami ng ilang sandali nang naisipan kong maunang magsalita.


Nakakabingi kasi 'tong katahimikan.






"Mark, sinabi ko na kay Patrick na layuan niya na ako." - mahina kong sabi sa kanya.





Hindi pa rin siya nagsasalita. Pipi ba tong lalaki na to?




Di ko ata keri tong silent treatment eklavoo niya.


Halos 15 minutes na kaming hindi nag-iimikan, kaya kinuha ko 'yung kamay niya tsaka hinawakan ang pisngi niya para tumingin siya sa'kin.






"Uy Mark, ayos ka lang ba?" nagtataka kong tanong sa kanya.





Tumango lang siya. "Mahal mo pa rin ba siya?" nanlaki naman 'yung mata ko sa tanong niya.

Bago pa ako makapagsalita, may dinagdag pa siya. "No need to answer my question,obvious naman eh." nanlalamig nitong sabi.



Ano daw? Obvious ang alin? Ba't ang lamig niya yatang magsalita ngayon?


Nakakain ba to ng milyon-milyong yelo?!






Teka...







Nagseselos ba tong mokong na to?





Ayieee! Ano ba naman yan, nakakakilig. Brr.




Napangiti lang ako sa mga naiisip ko at tumingin ako balik sa kanya na parang batang binigyan ng ice cream. Tinusok-tusok ko siya sa pisngi habang tinutukso.





"Uyyyy! Nagseselos ka? Uyy! Selos siya! Uyyyy!"





Agad niya naman tinapik yung kamay ko sa pisngi niya at inirapan ako.






"Aray! Ang sakit nun ah! Pero okay lang! Kasi nagseselos ka naman! Uyyyyy! Selos!" -makulit kong panunukso sa boyfriend kong pikon.





Nakakaaliw talaga tignan yung mukha niya pag nagseselos. Ang cute! Parang bata!






Kaya lang nakakabwisit minsan kasi masyadong suplado ang lalaking to.





"Pag di ka pa tumigil diyan, aalis na ako dito. Sige ka!" pagbabanta niya sa'kin.




Tumawa naman ako ng malakas sabay akbay sa kanya na parang magkumpare lang kami.

"Sus naman! Joke lang 'yun! Di mo ba alam yung Joke?!" sabi ko sa kanya.




Inirapan niya na naman ako.




Sarap batukan 'tong lalaking to, grabe.

Kung di ko lang to mahal. Nakow!



"Hoy, pwede ba, 'wag ka nang magselos, K? Wala ka naman talagang dapat ikaselos eh. Kasi past na yun! Past is past nga di ba? Ikaw na present ko ngayon and hopefully, my future." ano ba yan, pati ako nakokornihan na sa sarili ko.




Tinignan ko lang siya, seryoso pa rin ito pero halatang nagpupumigil tumawa.




Sus, daming arte nito. Libre namang tumawa.




Nagsalita ulit ako, "Uy ano ba? 'Wag ka na nga diyan magselos, kasi ikaw naman mahal ko eh, ikaw kaya baby ko."




'
Nak ng?!




Okay na sana e, kaso bakit ko pa kasi nasabi yung 'baby' na yun. Eeek.




Ang sagwa! Ang corny!



Nakakahiya!





Wala pa naman kaming terms of endearment or ano pang churva na tawagang yan.


Pero kahit na! Nakakahiya talaga. -_-




Napalunok na lang ako sa sinabi ko, halatang namumula ako kasi ramdam ko ang init ng pisngi ko.



Bigla namang tumawa ang mokong.


"Hahahahahaha! Baby?!"



Bakit ba?!



Sa dinami-dami kong sinabi, yun lang yung natandaan niya! Ibang klase!



Ako naman yung umirap sa kanya.


Nakakainis naman kasi....



Siya na nga tong nilalambing, tapos ako pa tong pinagtatawanan! Ugh!


Tatayo na sana ako at aalis nang pinigilan niya ako.





"'To naman oh, joke nga lang eh. Di mo ba alam yung Joke?!" aniya.





"So ganon? Copycat lang? Ganun lang yun?" naiinis kong tanong sa kanya.




"Ang cute mo talaga! Hmm, talaga? Ako lang mahal mo?" -pa-tweetums niyang tanong sa'kin. tse, di naman bagay.



"Sabi ngang OO eh. 'Kaw lang mahal ko!"





"Weh? Sige nga, kiss mo nga ako?" bigla naman akong nagulat sa sinabi niya.




Binatukan ko siya ng malakas sanhi ng pagka-aray niya.


WHAT?! Kiss daw?! Nababaliw na ba siya?!!


Ano naman yung right niya para humingi ng kiss?!





Uy, tenge boyfriend mo siya May.. engot mo. - sabi ng disturbong boses sa isipan ko.


Paano ba to?! Di pa ako ready sa mga ganitong bagay! TULONG!!



"Ayaw mo?" - biglang tanong ni Mark na kinagulat ko naman.


"H-ha??"





"Ah, kung ayaw mo, e di wag...." sabi niya na parang nagtatampo.




Napanatag naman yung sarili ko dun. Buti na lang di siya mapilit.









"Kung ayaw mo, e di ako na lang."







O______________O






HUWHATDAH?!





Nananaginip ba ako?!









Parang ilang sandali lang ay halos 15 inches apart pa yung mukha namin, pero ngayon...




...negative 1000000000000000000 inches na.....






Hinalikan ako ni Mark.









O____O











Pero ba't ganito? Di ba dapat magalit ako kasi ninakawan niya ako ng halik?



Pero bakit nanlalambot mga tuhod ko?



Ba't parang biglang uminit buong katawan ko?




Ba't parang may mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko....






SYET! Ang lambot ng labi niya.








"HUY! MAY!"


O____________O





Biglang sigaw ni Mark.

Napatalon ako literally sa sobrang gulat.




"H-hha?! A-ano?" taranta kong tanong.




"Tulala ka for a minute. At ang pula l-pula mo pa?" mapagbiro niyang tanong na mas lalo ko pang kinainis.



Hinampas-hampas ko ang braso niya sabay batok sa ulo niya. Sarap niya talagang sapakin! Nakikipagbiro pa siya sa mga ganitong sitwasyon! "U-uy! A-ano ba! Tama na! Aray! Tama na nga sabi!" sabi niya habang hinahampas ko siya.




Ilang sandali lang ay tumigil na ako.

Napagod din ako sa kahahampas sa kanya.



Wawa naman siya, ang pula na nang braso. Kasalanan niya naman to eh.



He deserved it! Amfufu.




"Nasarapan ka ba?" heto na naman siya, nang-aasar na naman! Kainis.





Hahampasin ko ulit sana siya nang bigla niyang pinigilan ang kamay ko.




Nginitian lang ako ng gwapu, este gagu.





"May, ba't ganun?" aniya.



Ano daw?


"May, ba't ang tagal mong dumilat kanina at yung nguso mo pointed pa rin kahit na two seconds lang naman yung tinagal ng kiss." natatawa niyang sabi sakin.




BWISET! Sarap batukan neto! At talagang may accurate measurement pa ha?!



Pinagtitripan niya ba ako?




Pero aminin, nagustuhan mo rin yung halik niya kahit two seconds lang tinagal, di ba?



Parang feeling mo walang katapusan...




Huwaaaa! Erase erase!




"Tae ka talaga, f-first kiss ko kaya yun! Kainis ka!" -sabi ko sa kanya sabay palo ng malakas sa braso niyang namumula.





"Aray! Aray! Tama na, please! Nasasaktan ako."



Buti nga sa kanya. Ble!



Pinigilan niya ulit kamay ko para di ko na siya mahampas.




"Sorry na, okay? Peace?" - sabi niya while flashing those puppy eyes.




Inirapan ko lang siya pero di naglaon ay tumawa na rin ako.



Nahawa ata si Mark sa tawa ko, kaya 'yun nga! Tumawa na rin ang loko.


In short, nagtawanan kaming dalawa na parang mga sira ulo.



Ilang sandali lang ay tumigil na kami.

Masakit na kasi sa tiyan pag napatagal yung tawa mo.



"So, wala na tayong problema?" - sabi ni Mark na nakangiti pa rin sa'kin.



Bigla naman akong napaisip...


May problem pa ba kami?



T__________T




Syempre ang dami pa. Una, hindi pa legal tong relasyon namin. Pangalawa, bawal pa talaga akong magka-boyfriend, pangatlo....

Si Jim at Angie.



I need to clarify things with them.



Tumango lang ako kay Mark tsaka nagsalita. "Si Jim at si Angie. I need to apologize to those two."



Nginitian niya lang ako, "Andun sa loob si Jim, kausapin mo na siya. Si Angie naman, kanina pa nakauwi."



Nginitian ko lang siya tsaka pumasok sa loob ng Kasachi.



Nakita kong nakaupo lang malapit sa cashier si Jim, kasama niya yung iba pa naming classmates.


Napabuntong-hininga muna ako tsaka lumapit sa kanya.



"Jim, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya.




"Sige, dun tayo." sabi niya habang naglalakad sa empty chairs na malapit sa entrance ng tambayan.



"Ano ba yun?" tanong niya nang nakaupo na kaming dalawa.




"Jim, I'm sorry. Di ko na nasabi kasi-" di ko na natapos ang sinabi ko kasi bigla itong pinutol ni Jim.




"Okay lang. Alam ko namang mangyayari rin to eh."



"Sorry talaga. I didn't mean na paasahin ka." nakayuko kong sabi kay Jim, nahihiya na kasi ako.



"Ano ba, okay lang sabi eh. Kulit neto. Basta, kung saan ka masaya, dun ako." sabay ngiti niya sakin.




Pero yung ngiti niya, halatang pilit. T___T




"Thank you Jim ha?"





"Basta pag niloko ka niya, sabihin mo agad sa'kin ha?" sabi niya tsaka siya nagpaalam na umalis.





Napakamaintindihin talaga tong si Jim.

Ni hindi man lang siya nagalit na kami na ni Mark.


Ewan ko nga ba kung bakit mas matimbang pa rin tong si Mark para sa'kin.



Alam mo yung unang kita mo pa lang kay Mark, e parang may connection na kayo?


Nge, ano to bluetooth?


Basta..


Pero ramdam ko 'yun eh. Di ko nga lang mapaliwanag.



Siya na yata tong tinatawag nilang first love ko.

OO, siya nga..


Si Mark nga first love ko. Ahihi!



"MAY!" nagulat naman ako nang bigla akong tinawag ni Mark.



Daydreaming na naman ba peg ko this time? Naku, bad habit ko na yan!


"Ba't kanina ka pa diyan nakangiti?" tanong niya sa'kin.




"W-Wala! Anong nakangiti?" pagtatanggi ko.



"Bakit? Kinikilig ka ba sa usapan niyo ni Jim?" nanlalamig niyang sabi sakin.




Ano ba tong taong to? Nagseselos na naman ba to? Pft.


"Uyy, nagseselos ka na naman ba?"



"Pinagsasabi mo? Tara na nga, hatid na kita." sabi niya sa'kin habang kinukuha yung bag ko, tsaka hinila niya ako palabas ng Kasachi.



Nakasakay na kami ng tricycle.


Tahimik lang kaming dalawa. Walang may umiimik.



May problema pa ba akong di nabibigyang solusyon?



Nasabi ko na kay Patrick yung dapat kong sabihin.



Nakahingi naman ako ng tawad kay Jim.




Tawad? Tsk, muntik ko nang makalimutan si Angie.


Hindi ko pa pala na-clarify sa kanya ang lahat.


Need ko na siyang ma-contact, as in now na para mapanatag naman kaluluwa ko kahit papano.

Text ko na lang siya mamaya pag uwi.






Naputol naman yung pagmumunimuni ko nang hinawakan ni Mark yung kamay ko at inintertwine niya ito sa kamay niya tsaka pinatong yung ulo niya sa balikat ko.



Heto na ang kuryente, handa nang maglasik ng lagim! Unti-unting dumadaloy sa katawan ko mula sa kamay na hawak-hawak niya papunta sa puso kong kanina pang gustong sumabog sa lakas at bilis ng tibok nito.



Sana ganito na lang kami lagi.




Nakarating na rin ako sa bahay. Unang bagay na pumasok sa isip ko ay ang paghingi ko ng tawad kay Angie, kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext ko siya.



"Gie, I'm sorry talaga. T_T"- text ko sa kanya.



After a few minutes ay naka-reply na siya.


"Sorry late reply, nag-dinner pa ako. Ha? Sorry for what?" tanong niya




"Kasi, yung tungkol kay Mark? Gie, sorry na talaga. :("reply ko.




"Ano ka ba, ok lang no! Yun lang pala eh."




"Di ka ba galit? Di ba crush mo siya?"


"E, crush lang naman yun eh. Nirerespeto ko naman nararamdaman niyo no. Bagay nga kayo eh." pambobolang text ni Angie.



Nakahinga naman ako ng maluwag.

Buti na lang di galit si Angie, ayoko kasing may nakakaaway ako. Lalo na pag kaibigan ko yung galit sa'kin.

Pero ano raw sabi niya?



Bagay daw kami ni Mark?


Natawa naman ako dun.

Paano ba naman kasi, sobrang baligtad namin.



Sa looks pa lang, at lalo na sa ugali.


Moreno siya, maputi naman ako.


Matangkad siya, ang pandak ko naman.



Buto't balat yun, at heto ako, ang healthy sobra, sobrang chubby.


Mahilig akong mag-aral, siya naman ay ubod ng tamad.



Mahilig akong magbasa, samantalang siya, puro Dota ang inaatupag.



Palagi yun naglalakwatsa, habang ako naman, bantay-sarado sa bahay.



Hay! Basta etcetera and all of the above.



Di ko nga maintindihan kung bakit na-attract pa rin ako sa kumag na yun eh.



Sabi nga nila di ba, Opposites attract.

Hmm?



Sa tingin ko nga.



Opposites Attract (COMPLETED) TagalogDonde viven las historias. Descúbrelo ahora