Chapter 12: Doubts

4K 46 1
                                    


**CHAPTER TWELVE**

Nang nakaupo na ako sa tabi ni Jim, agad niya naman akong binigyan ng panyo.

Teka, pero bakit?

Hinawakan ko ang mga mata ko, di naman ako umiiyak ah?


Nakatingin lang ako sa panyo niya.


"Para kang bata, halika nga." sabi niya sabay punas ng pawis sa mukha ko.

Ay shemsss.

Hay Jim, you always have your ways para pakiligin ako.

Ikaw na lang kaya Jim?


Ikaw naman talaga dati pa eh, kaso biglang sumulpot yung asungot na Mark na 'yun, kaya heto ako ngayon, gulong-gulo ang isipan.


"Gusto mong kumain?" - tanong niya.


"Huwag na, busog pa ako. eh." sagot ko naman sa kanya.

Ilang minuto rin kami dun nakatitig sa isa't isa, na parang kami lang 'yung tao sa loob ng Kasachi.


Ayeee, para naman akong matutunaw neto eh. Nubayaaan!


Nahinto lang 'yung moment namin ni Jim nang sumulpot si Dan.


"Aray naman! Ang daming langgam dito!" aniya na parang nanunukso.

"Ramdam ko nga Dan. Kanina pa nga ako kinakagat dito eh." Tsk, at nakisali pa tong si Jacob.


Mga loko-lokong 'to talaga. Di ko tuloy mapigilang kiligin! Leshe.

"Uy, di naman kaya matunaw kayong dalawa sa kakatitig niyo sa isa't isa?" at heto, sumali na rin si Via.


"Wala ka ba talagang alam, kung di makealam ng buhay ng may buhay?!" nagulat naman kaming lahat sa mga binitawang salita ni Jim.

Ba't 'yun nasabi ni Jim?

Napaka-offensive naman nun sa part ni Via. Kitang-kita ko sa mukha ni Via na parang nainis siya sa sinabi ni Jim.

Poker face naman sina Dan at Jacob.

First time kong narinig si Jim na magsalita ng ganun.

Tiningnan ko lang si Via at nag-mouthed ng "sorry."

Tumango lang siya tsaka nagsalita, "Umm guys, I need to go. May lakad pa kasi kami ng parents ko later." sabi niya sa'min.

Nagbeso-beso kaming dalawa tsaka naman siya umalis.


"Hindi 'yun cool, pre!" -sabi ni Jacob kay Jim nung makalabas na si Via.

"H-Ha? Joke lang yun, ano ka ba. Sineryoso niya ba sinabi ko?" pagtatakang tanong ni Jim sa'min.


Mukhang na-guiguilty yung mukha niya.

Wala ni isa ang sumagot sa tanong ni Jim kaya iniba niya na lang ang topic.

Halos isang oras din ang tinagal ng kuwentuhan namin ni Jim.

Sa tagal ng pag-uusap namin, di ko namalayang alas cinco na pala ng hapon.

"Jim, kailangan ko ng umuwi." - sabi ko sa kanya.

"Ah sige, sabay na tayo. Uuwi na rin ako."

For the first time, sasabayan ako ni Jim pauwi. Miracles do happen rin pala no?

Pero bakit ganito? Di ba dapat maging masaya ako dahil sabay kaming uuwi ni Jim?


Pero bakit parang wala akong ganang sumama sa kanya?

Marahil siguro sa sinabi niya kanina kay Via.

Alam kong joke niya lang 'yun, pero sana bago niya man lang bitawan ang mga salitang 'yun, ay isipin niya muna kung makakasakit ba siya ng damdamin ng ibang tao.


Babae pa naman si Via.


And worse is, she's my bestfriend.

Agad naman kaming nagpaalam ni Jim kina Dan at Jacob, tsaka lumabas ng Kasachi.

Nakalimutan kong nasa labas pala si Mark.


Hanggang ngayon nandito pa rin siya.

Nakikipagtawanan lang siya sa iba naming kaklase. Bigla ko namang naalala na ngayon ko pala siya dapat kakausapin tungkol sa panliligaw niya, pero paano ko siya makakausap niya'n kung di niya naman ako pinapansin?


Ahh hello Mark?


Nandito kaya ako sa harap mo? Wala ka man lang bang sasabihin?

Parang mapipikon na ako dito kaya nagmadali na lang akong umalis.


Hinila ko si Jim sa braso tsaka pumara ng tricycle, at saka kami sumakay.

I'm beginning to have doubts whether sincere ba talaga si Mark when he said na gusto niya ako.


Nakauwi na rin ako ng bahay sa wakas.

Humiga lang ako ng ilang minuto sa kama, at di ko na pala namalayang nakatulog na ako.


Opposites Attract (COMPLETED) TagalogDonde viven las historias. Descúbrelo ahora