Chapter 17: Cheerdance

4.6K 41 2
                                    




**CHAPTER SEVENTEEN**




Three months na rin ang lumipas, at heto ako, subsob sa pag-aaral.



This week ma kasi exams namin.



Buti na lang last day na ng exams bukas, pero ngayon pa ako nawalan ng ganang mag-aral.



-_________-




Biology pa naman at Filipino ang last two exams. Amfufu.



E, ang hirap kaya ng Biology. Sobrang daming terms ang dapat saulohin. >.<


E ano ba pake ko sa osteichthyes, chondricthyes amfufu na 'yan. Di ko naman magagamit yan sa future life ko di ba?



Simpleng bangus naman yun at pating, ba't pa kasi kailangang gawin komplikado ang buhay aber?

-_____-




So yun nga, idagdag mo pa 'tong Filipino na to.



Madali ngang pag-aralan ang subject pero ubod naman ng bitter yung guro namin dito kaya kahit fried chicken lang to, e dapat pagtuonan ko pa rin ng pansin.



Masyadong napakataas kasi ng expectations ni Ma'am Fe sa'kin, yung Filipino teacher namin.


Nabanggit ko na siya sa previous chapters ko dati.


Ewan ko nga dun kung bakit ako na lang lagi yung nakikita niya sa klase.

Siguro'y nasasanay lang siya na lagi akong nakakakuha ng 95+ na grade sa subject niya, kaya pag bumaba yung grade ko ng 94, e napapagalitan ako nito.

Daig pa nga magulang ko kung makapagsermon e. Nakakaloka!




Pero okay na rin to. Dalawang subjects lang naman ang natitira eh.



After kasi ng exams, may one week kaming bakasyon, malapit na kasi undas.



At after nung one week naming bakasyon, e ang saya-saya pa rin kasi I'm sure wala masyadong klase neto since parating na yung Intramurals ng school which means, todo practice na naman ng cheerdance syempre!



Natigil na lang ako sa kakaisip nang narinig kong nag-ring ang cellphone ko.


Tinignan ko kung sino ang tumatawag.


Sino pa nga ba? E, di siya.




Oo, tama yung iniisip niyo. Siya nga. :">




"Oh bheib?" sagot ko.




Chaka, baka nagtatanong kayo kung bakit bheib na yung tawag ko kay Mark.



Kasi nga a few of weeks ago, napagpasyahan naming magkaroon na kami ng tawagan.




Suggest niya nga 'bhe' nung una e, pero ayoko kasi yun din ang dating tawagan namin ni Patrick nung kami pa.



Tapos suggest ko naman 'gah', e pinagtawanan niya lang ako. Ang baduy daw eh. (Short cut for Ilonggo term of "palangga or langga" which means love)



Tapos sabi niya, 'hon' na lang daw, short for honey.



Di naman ako sumang-ayon kasi nga masyadong common.

Yung mga kapatid ko nga e, yun yung tawag nila sa kani-kanilang gf/bf.



Hanggang sa maubos na namin ang lahat ng mga corny at baduy na terms of endearment, wala pa rin kami maisip.



Muntik na nga kaming mag-away e, pero syempre, haba ng patience ko.


Kaya ako na lang yung umintindi't nagparaya. chos. Joke, siya pala.



So sabi ko nga, naging 'bheib' yung tawagan namin kasi yun ang last suggestion niya, um-OO na lang ako kasi nga naiinip na ako at wala naman akong maisip na iba.




"Oh bheib? Ba't parang nagulat ka na tumawag ako?" sabi niya sa kabilang linya.




"Wala naman. Unli call ka ba?"




"Hindi." wow, ang tipid niyang kausap ha?





"E, ba't ka nga tumawag? Pwede mamaya na lang tayo mag-uusap? Nag-aaral pa ako. Uy, ikaw din. Mag-aral ka na diyan! Ang tamad-tamad mo talaga!"






"Oo na. Mamaya na, tinatamad pa ako eh. Napatawag ako dahil miss na kita."



Weh? Miss niya ako? Di nga? Eeeh!


Sige na nga, ako na tong kinikilig. :">




"H-ha? Syempre. Miss na rin kita."





"Sabi ko na nga bang miss mo rin ako eh. Sige na bheib, mamaya na lang tayo ulit mag-usap, baka maubos tong load ko eh. Aral ka diyan ng mabuti ha? Mwah! Bye love you!"




"Sige, love you too bheib."




At in-end niya na ang call.


Ang lakas naman ng loob nitong magsabing mag-aral ako ng mabuti, e siya nga tong dapat mag-aral eh.

Puro mababa grades niya, buti na lang hindi bagsak.

Hay! Kahit ano kasi ang gawin ko, forever tamad na tong boyfriend ko.
-____-





Pero syempre, di pa rin maalis ang ngiti sa mukha ko kasi tumawag siya at sinabi niya pang miss niya na ako.



Na-inspire tuloy akong mag-aral. Weee.





*two weeks after*


Papunta na ang lahat ng Second year students sa Kasachi.



Katatapos lang ng practice namin for our cheerdance competition this coming November 27th.



Less than three weeks na lang. Hay. Nakakakaba. -___-




Mananalo kaya kami? Or forever stick to the status quo na lang lagi?


Sana naman manalo kami. Kahit matalo kami ng dalawang higher years, wag lang ng mga freshmen.


Nakakahiya kasi pag natalo kami dun.



Mafi-feel mo talaga pressure ngayon unlike last year nung first year kami.


Okay lang na matalo, pero iba na ngayon, kailangan paghandaan to namin para hindi kami maging last runner up. -______-





"Uy, girlfriend ko pala tong si Krisha!"



( > o >)



Isang napakafamiliar na boses ang narinig ko. Agad naman akong napatingin sa direksiyon kung saan ko narinig ang boses.



O_________O



Si Mark ba yun?




Anong pinagsasabi niya?


At ba't siya nakikipagharutan kay Krisha??!!




E ba't kasi hindi na lang ako yung landiin niya?!! Ba't kailangan ibang babae pa?!



At tama ba yung narinig ko?? Tinawag niyang girlfriend si Krisha?

Amfufung Mark na yan! NAKAKAIMBYERNAAAAA!!





Pigilan niyo 'ko at baka masabunutan ko ang dalawang to! >____<




Tinignan ko lang ng masama si Mark, pero di niya ako nakita.




Di ko na keri to!



Kaya binilisan ko yung lakad ko at nagpasyang umuwi na lang.

Nawalan na ako ng ganang makitambay kasama ng unggoy na yun. Baka masuntok ko lang yun sa mukha eh!





Bwichet, ba't ang chaket chaket?



T________________T



Ang sakit talaga. First time kong masaktan nang ganito.


Napaka-insensitive niya naman para sabihin yun, di niya ba ako nakita sa harapan niya?


E kahit na di niya ako nakita, dapat hindi niya pa rin yun sinabi!


Pucha! Ano ba naman kasi ang pumasok sa isipan niya at nasabi niya yun?!


Di ko na talaga mapapalagpas to, kailangan ko nang umalis bago pa tumulo mga luha ko.




Sasakay na sana ako ng tricycle,



Pero bigla niya akong tinawag.


"Bheib!!!"



Bheib'bibin niya yung mukha niya! Ulol!



Ano naman kelangan ng isang to? Kainis! mukhang sasabog na talaga ako. UGHSS





"HOY MAY! Di mo ba ako narinig?"



Gagu! Ang lapit-lapit mo kaya! Siguradong narinig kita! Pero ayokong makipag-usap sa'yo kaya I'm going to pretend like no one's standing beside me. Hmpf.


Oo tama, wala akong naririnig. Unggoy lang siguro yun sa puno, pwede ring asong nasagasaan o di kaya langgam na natapakan ko.



"MAY! ANO BA?!"




Wala pa rin akong naririnig. lalalalalalallalala ohlalalala ohh ------



"Ay mamaw!!!"



Napasigaw naman ako bigla nang kiniliti niya ang tagiliran ko.


Sinusubukan niyang kilitiin ako, pero sorry na lang siya kasi hindi ako nakikiliti diyan. Akala niya haaa.



"Oy miss! Ano ba??! Sasakay ka ba?!!!" galit na sabi ni manong driver.



Syet, kanina pa palang naghihintay si manong. Bwiset kasi tong Mark na to e. >m<



"Ahh, ehh, manong driver sorry po ha? Hindi na pala ako sasakay." nahihiya kong sagot sa driver.



Jusko! Mukhang galit ata tong driver na to, ni wala man lang sinabi at bigla na lang pinaharurot ang tricycle niya.


"Hala mo! Nagalit mo yata ang driver bheib."
pananakot na sabi ni Mark sa'kin.




Gusto niya ba ng bukol sa ulo? O di kaya black eye?! Sabihin niya lang! Kasi di ako magdadalawang-isip na ibigay sa kanya ang mga iyon!



Nakakabadtrip e! Alam niya namang napahiya na ako tapos may guts pa siyang pagtripan ako.



Pero hindi eh.



Calm down ka lang May. Chill! Dapat makita niyang hindi ka affected. Dapat cool ka lang.



Huminga muna ako ng malalim tsaka humarap sa kanya.



"Oh? Bheib? You need something?" kalmado kong tanong sa kanya.




"H-ha? E, uuwi ka na?"






"Ah hindi, hindi. Sasakay na nga sana ako ng tricycle di ba?!" sabi ko in a sarcastic tone.




"Ito naman. O siya, hatid na kita."




Ayoko munang magpahatid sa kanya, naiinis pa talaga ako at sobrang sakit pa ang nararamdaman ko.


Di ko pa siya kayang kausapin ngayon. Ang laking sampal sa mukha nung sinabi niya kanina.




"Ha? Wag na. Ako na lang." pagtanggi ko sa alok niya.





"Ah sige. Ingat ka ha."



>____________<




So ganon?

Yun lang yung sasabihin niya?


Nahiya naman ang encyclopedia sa kapal ng mukha niya.



Bwiset ka talaga Mark! Wala man lang explanation? Wala man lang sorry?

Grabe na talaga to! Ganun na ba siya kamanhid para di maramdaman na nagtatampo ako?!




"Ge, bye" di ko na hinayaang makapagsalita siya kaya agad na akong pumara ng tricycle at saka umalis.



**

Nang makauwi ako sa bahay, agad akong nagkulong sa kwarto at dun umiyak.



Kanina ko pang pinipigilan 'tong mga luhang to.

Nakakainis na talaga! Sarap nilang sapaking dalawa. Nagawa pa nilang maglandian behind my back?


Nang gabing iyon, di na ako sumagot sa mga tawag at text ni Mark.

Gusto ko lang mapag-isa, ayoko munang marinig boses niya, wala ako sa mood upang makipagkuwentuhan sa kanya.



Every time makikita ko kasi pangalan niya na uma-appear sa phone ko, naalala ko na lang bigla ang sinabi niya kanina.



"Uy, girlfriend ko pala tong si Krisha!"




"Uy, girlfriend ko pala tong si Krisha!"




"Uy, girlfriend ko pala tong si Krisha!"




"Uy, girlfriend ko pala tong si Krisha!"








TT_______________TT





Pilit ko namang iniintindi kung ano ang reason niya kung bakit niya yun nasabi, pero wala talagang pumapasok sa utak ko na magandang dahilan e, lahat puro masasama.



Siguro para sa kanya biro lang yun, pero grabe ha. Ang sakit talaga, ni hindi niya man lang inalala feelings ko.



Sa dinami-daming pwede gawing joke, bakit yun pa?



Isa pa tong si Krisha, alam niya namang kami na ni Mark pero nakikipag-FC pa rin sa boyfriend ko!


Feel na feel pa nung bruha. E kung isumbong ko kaya siya sa boyfriend niya?!



Oo, may boyfriend na si Krisha.

E, kung umasta kasi tong babaeng to parang single lang e.


Alam na rin pala ng buong klase ang relasyon namin ni Mark, pero sila lang yung nakakaalam, yung ibang year levels at mga guro sa school, unaware pa.




**



Kinaumagahan ay kinausap ako ni Mark sa school.




"May, bheib, is something wrong? Ba't di ka man lang sumasagot sa mga tawag at text ko last night?"



Naku May, relax ka lang. Don't let your anger dominate yourself today. Just pretend like there's nothing wrong. All you have to do is give this kumag what he deserves.



Ignorance and silent treatment.



"What? I didn't hear you? Mamaya na lang tayo mag-usap pwede? Can't you see I'm busy making these pompoms?"


Parang natatawa naman ako sa katarayan churva ko. Di ako sanay eh. Palagi na lang kasi ako yung 'good one' sa'ming dalawa.



Pinagpatuloy ko na lang yung paggawa ko ng pompoms para sa cheerdance namin.

Di ko na siya pinansin the whole day kahit na panay yung pangungulit niya sa'kin.



"Uy bheib, galit ka ba? Ano ba yung nagawa ko?" heto na ata yung overused sentence niya for today.




Buti naman at napansin niyang galit ako.



Pwes, magdusa siya! *evil laugh*



***


"Hey May, what's up with you and Mark? LQ ba?" Tanong ni Via sa'kin during our lunch break sa cafeteria.



"Ganun ba talaga ka-obvious na may away kami?"



"Duh, kaya nga tinatanong kita e. Malamang! Ano ba kasi yung pinag-awayan niyo?"



"Talaga? Ewan ko." malamig kong sabi sa kanya.



"Hey, ano ba yung pinag-awayan niyo?"



Err, kahit kelan talaga, palagi na lang to na-iintriga si Via pagdating sa lovelife ko.



"Anong ANO, baka SINO."




"Ha? SINO? What are you talking about?"



"Wala! Kumain ka na lang diyan pwede?"



"Hey, I won't stop bothering you unless you tell me what's wrong!"




"Ang kulit mo naman Vi eh."




"Bakit? Di mo na ba ako pinagkakatiwalaan?! Hmppf!"




"Nu ba to, tampo agad?"




"Sabihin mo na nga!"




"K! It's not that I don't trust you, ayoko lang talagang pag-usapan yung tungkol sa kanya."




"Ok, if you don't really wanna tell me. That's fine."



Hay! Buti naman at di na to nangulit.




"Unless gusto mong solohin yang problema mo, sige ka, baka masiraan ka ng ulo. Ako pa naman yung BESTFRIEND mo."




( _ _ ")



Ehh? Ganon? Paguilty effect talaga?

At talagang in-emphasize pa yung BESTFRIEND na word, e noh?
-_____-




"Sige na nga! Ang kulit mo talaga!"





"Haha! Sabi ko na nga ba di mo 'ko matiis eh. C'mon, spill it out already!"
sabi ni Via habang nag-bebeautiful eyes.


Kelangan ba talagang gawin yun? 'Tong si Via talaga, isip bata. Tsk




"Sige, kalma ka lang ok?"




"Bilisan mo na kasi!"




"Nagsasalita na nga ako e, wag ka munang umepal okay? Patapusin mo kaya ako, pwede lang?
"




"Taray mo. Sige na, di na kita puputulin. Promise!"



"Kasi nga, kahapon, after nung practice natin, narinig ko na nagsalita si Mark na something like 'Uy, girlfriend ko pala oh' basta ganun."



Tiningnan ko si Via para makita kung ano ang magiging reaction niya, pero wala eh. Sobrang blanko.

-________-





"Hey! Nakikinig ka ba?"




"Of course! Sabi mo kasi wag na akong umepal di ba?"




"Pilosopo mo talaga!"





"Kidding! E, hindi kita maintindihan eh. Ano naman masama dun?"




"Yun nga e, walang masama sa sinabi niya unless he was referring to me, pero iba yung tinutukoy niya habang sinasabi niya yun eh."



"HA?! WHO???!"




"Ay, OA lang kung makapagreact?"





"Sino nga?! Pinuputol mo naman yung excitement eh!"





"Si Krisha."




"WHAT?!!! SI KRI..."





Di ko na hinayaang makatapos si Via kasi napansin ko na kanina pa kaming pinagtitinginan ng mga tao sa paligid at nakita ko rin si Krisha na kapapasok pa lang ng cafeteria.




"Via naman e! Watch your mouth, pinagtitinginan na tayo oh."




"Opps! Sorry. So, have you and Mark talked about this na?"





"Wala pa eh."







"Tange ka ba? Ba't di mo pa sinabi sa kanya?"




"Ayoko pang makipag-usap sa kanya, naiinis lang ako eh."




"What if he was just joking that time? Sige na, you two better talk about this before pa lumala ang problema."




"Joking? Ganun? So para sa kanya, joke ba yun?! Sipain ko pa siya e!"




"Di mo ba narinig sinabi ko? I said, mag-usap na kayong dalawa bago pa lumala ang problema!"






Na-convince na rin ako ni Via na kausapin si Mark.



Ewan ko ba dun sa bestfriend ko, mukhang si Mark pa ata kinakampihan eh. Psh.



After ng dismissal namin, agad ko namang pinuntahan si Mark para kausapin.


"Let's talk" sabi ko sa kanya.



"Buti naman at kinausap mo na ako. Ano ba kasi problema bheib?"




"I heard you yesterday."




"H-ha?"



Mukhang naguguluhan na ata siya sa pinagsasabi ko.

Unaware ba talaga siya sa ginawa niya? Ba't ganito siya kung makapagreact??



"You heard me. Narinig kita kahapon, you told everyone around you n-na girl, g-girlfriend mo si Krisha."



I cannot take this emotions anymore. Nauutal na ako, gusto ko na talagang pumiyok at umiyak.


Pero hindi...



Hindi niya dapat ako makitang umiiyak.



"What?! Bheib naman, I was only joking. Narinig mo yun?!"




"Hindi! Hindi ko narinig. Kasasabi ko nga di ba? Kaya siguro di ko narinig."




Dinaan ko na lang sa biro at pagiging sarcastic ang usapan namin ni Mark. Ito lang kasi ang way ko para hindi ako umiyak.



"Bheib I'm serious. Look, sorry na, ok? I was just messing around with Krisha, and with our other classmates. I didn't know na seseryosohin mo yun!"



"Gago ka ba? Paano naging messing around yun ha? At bakit kailangan may matching AKBAY pa ang pagkakasabi mo nun ha?!"




Di ko na matiis na pagtaasan siya ng boses. Sobrang naiinis na talaga ako. Kung umasta kasi tong mokong to, parang ako pa yung may kasalanan.



Di ko na rin namalayan na nanggigilid na pala mga luha sa mga mata ko.



"Sorry na bheib, please? Sorry na? Wait, umiiyak ka ba?"



Tumalikod ako sandali at agad na pinunasan ang mga luha sa mata ko.



"Bheib, May, Sorry na. Di ko naman kasi alam na narinig mo yun. Wag ka na diyan umiyak."



"Hindi ako umiiyak." sabi ko sa kanya habang nakatalikod pa rin.




Ganito talaga ako. Lagi ko na lang dine-deny na OKAY lang ako kahit alam kong HINDI naman.

Kaya ako nasasaktan ng ganito eh.




Pinilit ako ni Mark na humarap sa kanya pero nagmatigas pa rin ako. Bwisit kasi tong mga luhang to eh, ayaw magpapigil.



TT__________TT





"Ano bang dapat kong gawin para patawarin mo ako?" sabi niya sa'kin habang pinipilit pa ring humarap sa kanya.



Sa lakas pa naman ng kamay niya, di na ako nakawala kaya no choice ako, humarap na lang ako sa kanya kahit na patuloy pa ring tumutulo mga luha ko.



"May, I'm sorry. Please patawarin mo na ako. Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo?"





"W-wag ka nang. W-Wag ka nang lumapit kay K-Krisha."
nauutal kong sagot.




"Ha? E, di naman yun maiiwasan bheib lalo na ngayong-"




"Lalo nang ano?!!"
di ko na pinatapos ang sinabi niya.



Simpleng OO lang naman yung hinihingi ko sa kanya eh. Bakit ba di niya magawang iwasan ang babaeng yun? Kainis talaga!



"Lalo nang, lalo nang kami yung-"




"ANO NGA?!! BA'T KA PA KASI NAGPAPABITIN DIYAN! KANINA PA KITA TINATANONG AH! SUMAGOT KA NA LANG!" ayan na, di na talaga nakaya ng powers ko.

Lumabas na ang masamang espiritu sa katawan ko. D:<




"May naman eh, wag kang sumigaw."



Bwiset! Ba't di niya pa kasi ako diretsuhin!



"ANO NGA!? PAULIT-ULIT?!"




"Okay! Stop screaming OK?! Hindi ko pwedeng iwasan si Krisha lalo na ngayo't kami yung napagtaasan ng trainor natin sa cheerdance na gumanap sa role nina Troy at Gabriela sa sayaw."





O_______________O

WHAT??!!!





Bakit siya pa? Alam kong si Krisha ang gaganap bilang Gabriela sa cheerdance theme naming High School Musical.


Pero bakit kailangan si Mark pa ang gumanap bilang Troy?! Pwede namang iba ah!




Marami pa namang mas magaling sumayaw kesa sa kanya ah! Tsaka di pwede yun! Maputi si Troy! E, hindi naman maputi si Mark eh! Ano ba naman to! Nakakainis na talaga!



Pati ba naman sa cheerdance namin, sila pa rin ang magkasama?




TT___________TT





It hurts you know...







It really really hurts.



T_______________T




"May! Narinig mo ba ako? Sabi ko ako at si- "




"Oo! Narinig ko! Di mo na kailangang ulit-ulitin pa sa harap ko."




"Bheib naman, sorry na. Di na ako nakatanggi kasi nga para naman to sa batch natin eh. Gagawin ko lang to para sa competition. I was just being professional here."




Tama nga naman si Mark. T___T



Pero bakit nga?? Bakit siya pa HUUUUU!





"E, ba't ikaw? Madami pa naman diyan ah?"




"Wala na silang choice. We all have our own roles sa sayaw. My previous role was not that important, kaya pwedeng i-set aside yun. Hindi na yun pwedeng ibahin. I'm sorry bheib."






Ugh. May magagawa pa ba ako dito? I don't have the authority to tell him not to accept that role, pero kailangan talaga namin to. Lalo na ngayong malapit na ang competition.





T__________T









"Ah ok." nanlalamig kong sabi sa kanya.





"Wag ka nang magalit. Selosa mo talaga! Kaya kita labs eh."




"Ahh."




"Grabe! Suplada naman neto! Heto na lang, promise, di ako kailanman makikipaglandian kay Krisha. I will just dance with her. Yun lang. Kung gugustuhin ko nga, kaw na lang yung gumanap bilang Gabriela eh, kaya lang masyado ka atang malaki."







O_____________O

Binatukan ko si Mark.




"Aray! Joke lang! Sabi ko nga, di ka pwede maging Gabriela kasi nga, kasi ano, mas maganda ka pa sa kanya."




BOLERO, echoserong frog! UGH . >____<



"Bati na tayo ha? Wag ka nang magalit. Pangako ko talaga sa'yo, hindi na ako aakbay, makikipagtawanan, makikipag-usap o kahit ano pa diyan kay Krisha. Patapusin lang natin tong cheerdance, and I promise I will avoid her. OK?"



Tumango na lang ako, kasi wala naman akong magagawa. Nandiyan na yan eh. Malapit lang naman ang competition. Konting tiis na lang May!

Wag mo na lang silang tignan pag sumasayaw sila. HAAAAY! >.<







****



Bukas na ang cheerdance competition, at ngayon na ang last practice namin.


Kinakabahan na ang lahat para bukas.



Pero ako? Sus, wala yan. Mas masaya pa nga ako eh kasi sa wakas, matatapos na rin ang competition. Di ko na kailangang makita si Mark at Krisha na magkasamang sumayaw.

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon