#2

96 2 0
                                    

Dear Ate,

Hello Ate, may guy po na lagi akong kachat, andami naming napag-uusapan pero pag nagkikita na kami sa school ang aloof niya, parang di ako kilala. Gusto ko sanang tanungin kong ano ba yung samin at kung bakit ganun siya towards me sa personal, pero paano po? Salamat po in advance.


Oh! Hi sayo, unang una sa lahat, hindi dahil lagi mong kachat ay may something na, alisin mo yun sa mindset mo. Dahil may mga taong kilala ka lang talaga sa chat. Paano? Wag mo na lang itanong, baka kaya din siya ganun kasi lagi mo ineentertain kapag chinachat ka niya. Bakit dimo rin kaya subukang dedmahin siya pag nagchat siya, malay mo dun siya matauhan, mukang magkakilala naman kayo sa personal eh, malay mo dun ka na niya pansinin kapag naging distant ka rin. Lalo mong pinapansin, mas lumalakas loob niya na ika'y dedmahin. Kapag iniwasan mo, tiyak siya'y mapapaisip din.

Dear Ate,Where stories live. Discover now