Dear ate,
Nagcompute po kami ng grade namin for Semi-finals sa major subject namin at nakakapanghina yung result, majority of the class have the same grade. Nakakapangsuko po na kahit yung magagaling na sa klase namin mababa na yung grade, what more pa po sakin na average student lang. Nakakaiyak po, gusto ko na lang sumuko.
Hi sayo. Hanggang dipa tapos ang sem, may pag-asa pa. Hindi ka pababayaan ni God, kaya tuloy mo lang ang laban. Aral pa, konting push pa. Tapusin mo yang subject mo, whatever the result is, ang mahalaga nageffort ka, hindi mo sinukuan hanggang dulo at hindi ka nagcheat. Gusto yan ni Lord, makita lang Niya na ganyan ka, you never know what's His plans, reasons and ways behind it. One more thing, don't try to compare yourself to your classmates kasi that would be a degrading action for you. Instead, make it a motivation to study harder and well. Kaya mo yan, umiyak ka, Lumapit ka sa Kanya, yakapin mo Siya at magsimula ka ulit. God bless you, I'll pray for you.
YOU ARE READING
Dear Ate,
Non-FictionMga katanungan tungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay na may kasagutan. Mga kasagutang maaring karamihan ay makakarelate. At mga katanungang wala pang sagot dahil itatanong niyo pa lang, open to sa lahat, just feel free to ask me thru personal messa...