Kabanata 5

12.4K 380 11
                                    

Kabanata 5




Jean's P.O.V


Nagising ako nang may maramdaman akong may dumidila sa kamay ko.


"Hmm..."


Pagtingin ko ay iyong pusang itim pala 'yon. Binuhat ko ito at itinapat ang mukha sa mukha ko saka kinausap. "Hoy pusa. Sino ang amo mo, ha? Ginising mo pa ako."


"Meow~" Napanguso ako. Sinagot ako? Haist, naloloka na ako. Tsk. Nakakaloka sa school na 'to.


"Anong ginagawa mo rito?"


Nagulat ako nang tumakbo iyong pusa palayo. Loko 'yon, ah, hindi man lang nagpaalam. Tumayo na ako at nagpag-pag saka tiningnan kung sino iyog nagsalita. Oh, ito 'yong lalaking nakabungguan ko nong first day.


"Why? Masama ba ritong pumunta, ha?" sagot ko sa tanong niya, habang tinataasan siya ng isang kilay.


Ngumiti siya ng tipid. "Hindi naman. Pero kailangan mong mag-ingat sa loob ng school na 'to. Hindi ka pwedeng pumunta kung saan-saan."


Mag-ingat?


"Meow~"


Lumingon ako sa likod at nakita ko 'yong pusa. Pero umalis din agad. Mang-iiwan 'tong pusang to.


"Bakit naman kailangang mag-ingat, ha?" tanong ko. Pero pagharap ko, nasan na 'yon? Bwiset. May itatanong pa ako e'. Ang bilis talaga nung lalaking 'yon kahit kailan. Hindi ko pa natatanong pangalan niya e'.


Umalis na ako sa rooftop at pumunta sa library. Okay, kailangan kong mag-imbistiga. Detective mode muna.


Naghahanap ako ng libro na may information tungkol sa school na 'to. Nang may nakakuha ng atensyon ko. Isang libro tungkol sa bampira? Uhm. Bakit merong ganito rito? Dahil curious ay kinuha ko ito. Pumwesto ako sa pinakalikod, hehe.


Saka binasa...


"Noong 1320 pinanganak ang hari ng mga bampira na si Van Smith. Sinasabi na siya ang pinakamalakas na bampira sa buong mundo--"


Hindi ko pa natatapos iyong binabasa ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko sa kung saan.


"Jean!" Paglingon ko sa kanan, si Tracy lang pala.


Dali-dali kong ibinalik iyong libro sa pinag kuhanan ko. Haist, hindi ko pa tapos basahin e'. Babalikan ko na lang next time.


Lumapit na ako kay Tracy. "Why?"


"Tara. Canteen tayo. Wala akong kasama, buti na lang at nakita kita rito."


"Okay."


Habang naglalakad papuntang canteen ay panay ang salita ni Tracy. Madaldal din ang isang 'to ah.


"Oo nga pala. Sabi mo binasa mo iyong book of rules. Bakit hindi mo kilala si Loki? Buti na lang at niligtas ka ni Dwight. Ayaw kasi Loki na kinokwestyon siya e'. Maarte, hihi. Pati ang alam ko ay mainit ang dugo ni Loki kay Dwight kasi basagulero si Dwight, alam mo na President siya e'. Shh, ka lang. Nakapagcutting ka tuloy. Saka alam mo bang pagkahila sa'yo ni Dwight, ay umalis na rin si Loki ng walang paalam grabe ang weird ah."


"Ahh. Hehe, nakatulog kasi ako. Kaya hindi ko na nabasa. Yeah, thanks to Dwight. Pagkalabas namin iniwan niya naman agad ako e'. Ang creepy nong Loki, grabe." Pinakita ko pa sa kaniya na kinikilabutan ako.


"Ah. Yes, creepy talaga siya. Wait, ano nga palang ginagawa mo sa library?"


"N-Nagbabasa?"


"Ay. Oo nga naman." Tumawa pa siya with matching hampas sa balikat ko, nakahinga naman ako ng maluwag.


Nang nasa canteen na kami ay umorder na agad si Tracy. Siya na lang daw ang o-order. Nang dumating na si Tracy ay kumain na kami. Pero habang nakain ay nagkokwento si Tracy. Oh, gosh. Ang daldal niyang nerd.



"Blah blah blah blah saka alam mo bang blah blah blah blah~" kuwento lang siya nang kuwento habang ako ay tumatango lang sa mga sinasabi niya.


Nang biglang may sumipa sa table namin kaya tumapon iyong mga pagkain. As in, tapon lahat sa sahig, 'yong iba tumalsik pa sa akin at kay Tracy.


"What the?!" galit na sigaw ko. Bastos e'!


"Sa wakas ay nakita rin kita," sabi ng isang nakakairitang boses. Parang lata, tss. Pagharap ko sa nagsalita ay muntik na akong humagalpak ng tawa.  Hahaha, mukha siyang clown the F, ang kapal ng make up niya.


"Anong Pft-- kailangan mo?" Hirap na hirap pa akong magpigil ng tawa.


"Anong nakakatawa, ha?!" malakas na sigaw niya. Nahalata niya pala. Mukha mo. Lol!


Tsk. Center of attraction na kami gawa ng sigaw niya. Naramdaman ko namang humawak si Tracy sa akin.


"Tara na Jean. Si Nathalie 'yan. Ang Queen Bee nitong school," bulong ni Tracy. Queen Bee? Sabagay kamukha niya si Jollibee na hinaluhan ni Mcdo. Nakakatawa.


"Anong binubulong mo riyan, nerd?" naiinis na sabi ni Ms. Bubuyog.


"W-Wala," kinakabahang sagot ni Tracy.


"At ikaw babae ka!" Tinuro niya ako. "Ang--" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang bell.


Tiningnan ko siya saka binelatan. Nakita kong namumula na iyong mukha niya sa galit or blush on niya lang 'yon? Ang pangit niya parin.


Hinila ko na si Tracy papuntang room.


"Pft! Ang pangit niya," tawang tawang sabi ko. Totoo naman kasi!


Alam kong ang sama namin pero--basta! Para sa akin kapag ganoon ang make up ng isang babae ay panget na siya.


Nag-apir kami ni Tracy saka pumunta na sa pwesto namin.


What a day. Promise babalikan ko yung librong tungkol sa bampira. Sa ngayon kailangan ko munang mag-aral.

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon