Kabanata 9

11.4K 305 10
                                    

Kabanata 9



Jean's P.O.V



Nandito pa ako ngayon sa bahay. Na-late ako ng gising. Tumawag sa akin ang mommy ni Tracy at thank God dahil gising na raw si Tracy, pupuntahan ko siya mamayang uwian. Excited na akong makausap siya.


Kumakain ako ng breakfast kasama si Dad. Gabi na rin siya nakauwe kahapon e', ano kayang kaso ang hawak niya ngayon? Hindi niya ba nabalitaan iyong pagsabog sa school namin?


Hindi niya rin alam yung tungkol don sa babaeng namat-- iyong babae! Hindi ko siya nasundan. Buhay ba siya? O, multo? Bakit niya ako pinapasunod sa kaniya? Sana makita ko ulit siya. Kahit buhay siya o multo lang. Sa ngayon, hindi ko muna iisipin ang babaeng 'yon. Dahil may isa pa akong iniisip.


Kagabi, pakiramdam ko may nagmamasid sakin, katulad nung nangyare noon. Iyong mga matang nakatitig sa akin. Nararamdaman ko na naman, it's giving me chills in my spine and I hate it.


Lahat ng mga nangyayare ay bago lang sa akin. Nangyare ang mga ito, simula noong pumasok ako sa school na pinapasukan ko ngayon. Saka ko lang naisip. Anong ibig sabihin ng BH? 'Yan ang name ng school namin e'. Broken Hearted? Lol!


Tama ba talagang dito ako pumasok?


"Sweetie, tara na malelate ka na. Hintayin na lang kita sa kotse." Nawala ako sa pagiisip ng marinig ko ang boses ni Dad. Oo nga, malelate na ako.



"Okay po."


Tinapos ko na agad ang pagkain ko at sumunod na kay dad sa kotse.


***


"Dad, bakit gabi ka na umuwe kahapon?"


"Ah. May inasikaso lang ako," sabi ni Dad habang nagdadrive. May inasikaso? Ano naman 'yon? Gusto ko sanang itanong kung ano 'yon kaso huwag na lang baka makaabala pa ako.


"Ah, e', Dad wala ka bang nababalitaang nangyayare sa school namin?"


"Wala. Bakit meron ba dapat?" Kumunot ang noo niya saka lumingon sa akin saglit.


"Wala po. Hehe." Umiwas ako ng tingin. Gusto ko sanang sabihin na meron, kaso meron sa akin na nagsasabi na huwag. Kaya hindi ko na lang sinabi. Sasabihin ko rin naman ang mga nanyayare sa loob ng school sa kanya kapag hindi na siya busy.


Pagkatapos niyon, hindi na ako nagsalita. Tumingin na lang ako sa labas, sakto pang sa may park kami napadaan nakakita ako ng isang bata at isang babae na kumakain ng ice cream. A mother and a child.


Mommy. Simula nong bata'y hindi ko pa nakikita ang mommy ko. Sabi ni Dad, iniwan niya raw kami. That's why I hate my mom. Kung hindi niya kami iniwan edi sana buo parin ang pamilya ko. Sana naramdaman ko rin ang pagmamahal ng isang ina. Tss. Okay, cut the drama. Kuntento na ako sa pagmamahal ni Dad. I don't need my Mom.


Nang nasa gate na kami ng school ay nagpaalam na ako kay dad saka pumasok na sa school. Nakakapagtaka lang dahil parang ang saya ng lahat? Huh? May nangyareng pagsabog kahapon pero masaya parin sila? Tss.


Habang naglalakad ay nakita kong madaming tao sa may bulletin board. Dahil curious ako ay pumunta ako dun at nakisingit hanggang sa mapapunta ako sa harapan.


FESTIVAL of BH


Iyan ang bumungad sa akin. Festival? Meron palang ganun dito. Binasa ko ang nakasulat. Nakalagay rito na bukas na ang Festival at tatlong araw itong gaganapin. Lahat dapat ng studyante ay may sport na sasalihan para sa unang araw. Tsk. Kainis bakit kailangan lahat dapat may salihan?!


Umalis agad ako ron dahil sobrang sikip. Dumeretso ako sa room.


Nadatnan kong may hawak na papel ang mga kaklase ko. Binigyan naman ako ni Ms. Santos ng isa at hindi na pinansin ang pagkalate ko. Pumunta na ako sa upuan ko at binasa ang nakasulat. Nakalagay sa papel ang mga sport na sasalihan. Sinulat ko muna ang pangalan ko at binilugan ang gusto kong salihan. Well, kahit ayokong sumali ay hindi pwede. Kaya sasali ako. Matagal tagal na din na hindi ako nakakapaglaro nito.


Archery. Yup, archery ang sasalihan ko. Favorite kong sport 'yan. Kaya lang hindi na ako nakakapaglaro dahil sa wala ng oras.


Ipinasa ko na iyong papel kay ma'am. Nakita kong ngumiti siya sa akin. Ang creepy niya talaga. At dahil wala naman yatang gagawin kaya matutulog na muna ako. Puyat ako e'. Oo nga pala umalis si Ms. Santos pagkatapos niyang makuha iyong mga papel.


Kung magtatanong kayo kung nasaan si Dwight. Hindi ko alam. Sa Rooftop ang last naming pagkikita.


Matutulog na sana ako nang tumunog 'yong cp ko. Merong nagtext.


Nakalagay ron na 'wag daw muna akong pumunta ng hospital dahil magpapahinga muna raw si Tracy. Number ito ng mommy ni Tracy. Nag-okay na lang ako. Pero nakakapag taka, bakit? Bibisitahin lang naman e.


Haist matutulog na nga lang muna ako.


"Hello students of BH! I just want to inform all of you that tomorrow is the Sports day! Pumunta kayo ngayon sa room ng sport na napili niyo para magpalista at para na rin mailagay kung sino ang makakalaban niyo. First day is the Sports Day! Second day is the Booth day! And last is Third day! The Ball Night! That's all. Good luck, enjoy, and happy festival BH!!"



Nagising ako dahil sa ingay ng speaker. Narinig ko naman lahat. Bukas agad? Pati Ball night? Meroong ganon? The hell.


Lumingon-lingon ako at nakita kong lumalabas na iyong mga kaklase ko at sigurado akong pupunta na sila sa mga room ng sport na gusto nilang salihan. Tumayo na ako at hinanap ang room ng archery nang makita ko na ay nagpalagay na ako ng name ko at umalis din agad. Hindi na ako magpapractice, bahala na bukas.


Umuwe na ako agad. Matutulog ulit ako. Bukas pagkatapos ng game dadalawin ko na si Tracy. And, thank God at hindi ko nararamdaman ngayon iyong creepy pair of eyes.


Sa kwarto ay nahiga na agad ako. Late na namang uuwe si Dad. Though, sanay na ako.



Bahala na bukas.


***


Someone's P.O.V


"Nakakulong na ba silang dalawa at nakatali na ba ng mahigpit?"


"Opo, madam."


"Good."


Magsisimula na bukas ang full moon kailangang hindi sila makaalis sa palasyong ito. Dahil kung hindi, baka may masamang mangyare.


Ang dalawa kong prinsipe. Kahit hindi ko kayo tunay na anak. Kayo parin ang prinsipe ko. Sana mapatawad niyo ako dahil isa ako sa dahilan nitong paghihirap niyo. Gayondin ang aking munting prinsesa. Sana mapatawad mo ako.

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon