Kabanata 41
Tracy's P.O.V
"Lance! Ano na?" mahina kong bulong kay Lance na ngayon ay nasa tabi ko, naaamoy ko ang dugo niya, matamis. Ang sagot sa kung bakit hindi kami nagwawala kapag may kasama kaming tao o ano pa, 'yon ay dahil sa may iniinom kami. Pamatid uhaw, pekeng dugo na may halong kung ano. Simula raw kasi noong hinalo ang mga bampira sa mga tao, naandyan na ang mga Vampire Hunter na kagaya nila JD na nag
mamatyag, kaya nakaisip ang mga matatalinong bampira na gunawa nito. Kay Loki ko lang nalaman 'yan, oh, si Loki. Wala paring balita sa kaniya hanggang ngayon.Hindi ako pinansin ni Lance, itong mangkukulam na ito. Mangkukulam parin ba ang tawag kapag lalaki? Tss, sakit sa ulo.
"Tracy." Agad akong napatingin kay JD. Naandito kami sa kusina, kumakain. Tapos na akong uminom kaya sila na lang.
"Bakit?"
"Puntahan mo nga si Heart, check her condition. Si Ace kasi, ayos na ang katawan niya, si Heart na lang talaga." Tumango lang ako saka naglakad na paakyat. Pero bago ako makalayo, lumingon ako, at nakita ko si Lance na nakatingin sa akin pero agad ding tumungo. What's with him?
Pagpasok ko sa kwarto ni Heart ay lumingon agad ako sa paligid. She's really a bubbly girl. Ilang beses na akong nakapasok sa kwarto niya pero hindi rin ako nagtatagal.
Lumapit ako sa may drawer niya, tumingin muna ako kay Heart na natutulog, kitang kita ang mga sugat niya. Dahan-dahan kong binuksan iyong unang drawer. Mga papel? Binuklat ko at tiningnan ang mga 'yon. Hmm, wala namang importante, panay drawing lang.
Ibabalik ko na sana sa kinalalagyan nito kanina ang mga papel pero may nakaagaw ng pansin ko. Sa pinakailalaim nito, may notebook na pula. Ibinaba ko yung mga papel at kinuha ko ito, dugo ang disenyo.
Umupo ako sa kama, sa tabi ni Heart.
"Ano kayang nakasulat dito? Sorry, Heart, patingnan lang." Binuksan ko ang unang pahina at agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko.
No matter how much a vampire look like a human, they can never be a human. They are monster that a Vampire hunter need to execute.
What?!
Napatingin ako kay Heart. Mukha talaga siyang anghel. Pero. Ano 'to Heart? Bakit?
Binuklat ko ulit sa pangalawang pahina. Kulay pula ang tinta ng nakasulat dito.
I envy them. I will kill all of them.
That's it. Ibinalik ko na iyong notebook sa drawer saka lumabas ng kwarto ni Heart. Dumretso ako sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama ko saka ibinaon ang mukha ko sa unan, bumuhos agad ang pinipigilan kong luha kanina.
Tao ako na naging bampira, alam ko ang nararamdaman ng tao at ng bampira. Alam ko ring may rason kung bakit 'yon isinulat ni Heart pero, diba? Magkakaibigan na kami.
We don't need to fight each other cause the right term is we need to fight together.
I wish, hindi ituloy ni Heart ang nakasulat sa notebook na 'yon.
Saka ko lang naisip, sasabihin ko ba ang nalaman ko sa kanila? O hindi. I guess, mas mabuti kung hindi. Para walang gulo, para kay Jean.
***
Zion's P.O.V
"Lord Zion." Tiningnan ko si Zerah.
"Zerah, anong gusto mong sabihin?"
"May natuklasan po ako, meroon pong ginagawang plano ang mga tao, ganoon na rin ang mga mangkukulam at ang ibang bampira ay sumanib sa kanila," sabi niya.
"Para saan?"
"Maghiganti, Lord Zion. Madaming namatay roon sa ginawa niyo sa eskwelahan. Gusto nila kayong pabagsakin, gusto nilang pabagsakin ang naksulat sa libro ng mga bampira o ang propesiya ang the destruction."
The destruction, damn. Bakit ako? Inang buwan, bakit nga ba ako?
"Ah, ganoon ba." Napatingin ako sa buwan. Half moon.
"Lord Zion, kailangan mo na siyang kagatin para lumakas ka. Mababago pa natin ang nakatadhana," bakas ang lungkot sa boses niya.
"Tapos na akong maghiganti Zerah para kay ama at ina at alam kong mali ang ginawa ko pero hindi na natin maibabalik ang nangyare na. Ang kailangan ko ngayon ay ang maprotektahan siya." Natigilan siya.
"It hurts like hell, when the person you love envy you now," mahinang sabi ko.
"Siya na naman, bakit hindi mo na lang kasi ituloy na basahin ang libro, kay tagal kong hinintay na mapagsilbihan ka pero, mukhang konting oras lamang ang maibibigay mo." Ramdam kong pumula ang mga mata niya habang sinasabi 'yon. Ngumiti lang ako sa kaniya saka nagsimula ng maglakad paalis at iwan siya.
Hindi maaari, kailangang masunod ang nakatdhana talaga. Mamatay rin ako kagaya ng ama ko, sigurado ako riyan.
Tumingin ako kay Jean na natutulog, dito pala ako dinala ng mga paa ko. Sobrang amo ng mukha niya.
Lumapit ako sa kaniya, dahan dahan dahil baka magising siya, saka siya dinampian ng magaang halik sa labi. Matagal pero magaan.
Patawad sa gulong idinawit kita. Mahal kita, aking reyna, sobra...
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampireNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...