Kabanata 36

5.1K 120 1
                                    

Kabanata 36




Tracy's P.O.V


"Kamusta sila?" Tukoy ko kanila Ace at Heart na ngayon ay nasa kwarto nila at nagpapahinga. Silang dalawa ang talaga namang napuruhan dahil sa pagsabog. Tao sila, that's why.


Huminga ng malalim si Jewel saka ako sinagot. "Okay na sila, kailangan na lang nila ng pahinga."


Kahapon, maraming bampira, tao at mangkukulam ang namatay, lahat ay nagulat sa pangyayareng 'yon. Pero ang nangyareng 'yon ay hindi na inilabas at ibinalita sa mga tao. Pinoprotektahan parin nila ang BH, magaling talaga ang principal. Sa ngayon, inaayos na ang mga pinsalang natamo ng paaralan. Oo nga pala, si Loki. Napabuntong hininga ako, humiwalay siya sa amin kahapon at ngayon ay hindi parin siya nagpapakita. Nasa maayos kaya siyang kalagayan? Tapos si Jean, kinuha siya nong lalaki. Wala man lang kaming nagawa, nakakainis.


"Anyway, ikaw JD. Isa kang bampira? Hmm," nakatingin kay JD na sabi ni Jewel. Tumango si JD saka siya tumingin samin. Aamin na ba siya? "Yeah, bampira ako." Nakumpirma ko na rin ang hinala ko.


"Paanong nangyare 'yon?" Tiningnan ko siyang maigi, at nakita kong nagaalangan pa siya.


"Noong nilusob ng mga bampira ang lugar namin, aksidente akong nakagat ng isa sa kanila. At alam kong alam niyo na kung ano ang sumunod na nangyare." So, ayun pala ang nangyare.


Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit si Jewel. "By the way, kilala niyo ba 'yong lalaking kumuha kay Jean?"


"No, who is he?" Parang kilala niya kasi.


"He's Zion. The result of the collaboration of Dwight and Prince." simpleng sabi niya.


"What?!" halos sabay na sigaw namin ni JD.


"Uh-huh."


"Oh my." Nanghihinang napatungo ako. Great. Hinayaan lang naman naming ibigay sa kaniya si Jean.


"Don't worry, hindi niya sasaktan si Jean..." Nakahinga ako ng maluwag.


"Hindi pa." Napatigil ako.


"What do you mean?" seryosong sabi ni JD.


"Ang dating Reyna..."


"Anong meroon sa dating reyna?" tanong ko.


"Namatay ang dating Reyna dahil sa tita ni Jean na si Mira, ang mangkukulam na pinatay ni Zion kahapon. May gusto si Mira sa Hari, kaya para magtagumpay siya na mapasakaniya ito, isinumpa niya ang reyna na kapag malapit na itong manganak ay mamatay ito..." paliwanag niya.


"Revenge," naibulalas ko. Gusto niyang makapaghiganti? Naalala ko, sabi ni Jewel noon, na kasama niya ang Reyna ngayon sa kulungan. Balak ba ni Zion na patayin ang lahi nila Jean. Kahit na mate siya nito?


"Tama ang iniisip mo Tracy, isa na lang ang kulang sa tingin ko, at 'yon ang Dad ni Jean. Pagkatapos niyon, doon niya na sisimulan ang paghihiganti." Napahawak ako sa bibig ko.


Jean...


"Nasa isip ni Zion ang paghihiganti dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina at ama. Ganun na rin ang pagsumpa rin sa kaniya."


"Bakit naging reyna si Tita Maesha?" napatingin ako kay JD. Oo nga, bakit?


"Mabait ang hari, hindi niya dinamay sa pagkamuhi sila Jean, ngunit nalaman niyang may sumpa rin siya at mamamatay rin siya. Kaya naisipan niyang kuhanin si Maesha at gawing ina ng mga anak niya. Gawing reyna."


"Paano mo nalaman ang mga 'yan?" Nakakapagtaka kasi.


"Iyong librong sinasabi ni Loki noon na nawala, aksidenteng nabasa ko 'yon sa kastilyo. Ngunit hindi ko natapos. Ang librong 'yon ay nagsasaad ng mga pangyayare noon at mangyayare sa hinaharap," napabuntong hininga si Jewel.


"Alam mo kung nasaan ang kastilyo?" tanong ni JD.

"Oo..."


"Nice! Now we just need a plan." sabi ko, plano na naman. Sana naman matapos na ang kaguluhang ito.


"S-Sino kayo?" Sabay-sabay kaming tatlo nila Jewel na napatingin sa hagdan. There he is. Mr. Lance.


"Hello, Lance." Kinaway ko ang kamay ko sa kaniya.


"Bakit ako nandito?" naguguluhang sabi niya.


"Para tulungan kami," singit ni JD.


"Tulong?"


"Jean." Tumitig sa kaniya si Jewel.


Dahil don, bigla siyang nataranta. "Tangina! Si Jean!" Tatakbo na sana siya palabas pero pinigilan siya ni JD.


"Tutulong ka sa amin para mailigtas si Jean," seryoso kong sabi.


"Kailangan natin ng plano."


"Plano na kung saan ay magiging resulta ay maayos at walang gulo."


Napaisip sandali si Lance. "I'm in."


Napangiti naman ako.


"Si Loki ba? Nasaan?" pag-iiba ko sa usapan.


"Ewan, hindi pa siya nagpapakita, pero alam kong ligtas at pupunta rin 'yon dito," sagot ni Jewel, tumango lang ako.


Sana nga...


"Mangkukulam ka, hindi ba?" Patungkol ko kay Lance.


"Yeah."


"Then, nice! Kakailanganin natin ang mga potions."


"Konti lang ang alam ko sa paggawa niyan, mga babae ang may alam talaga. Kagaya ni Tita Mira at ni Scarlet," mahina 'yong pagkakasabi niya sa Tita Mira at Scarlet.


"Condolence," mahina kong sabi sa kaniya. Ngumiti lang siya.


"May konting alam ako, siguro naman okay na ang mga 'yon." tumango kami sa sinabi niya.


Bigla kong naalala iyong sinabi ni Jean kahapon. Death is no laughing matter. Tama siya. Ang kamatayan ay hindi dapat pinagtatawanan, napakasagrado nito. Napabuntong hininga ako at napatingin sa labas.


Kailan ba matatapos ang gulong 'to?

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon