Chapter 8: Kamuntikang Bawian Ng Buhay Ang Patay

21 3 1
                                    

Tumayo yung lalaki ng matuwid at dahan-dahang naglakad sa gitna ng hallway na tila hinaharangan ang aming daan para tumakas though there are probably dozens of ways para makalabas sa building na ito. Padabog niyang binaba ang bag na dala-dala at binuksan ito.

"Ohhhh ibabato mo ba sa amin yung mga labada mo? You dirty pervert!" Tumawa ng malakas si Kuya Rigor ngunit kaagad itong nagbago nang mayroong ilabas sa bag yung lalaki. "HOLY CRAP!!"

Napamura ito bago nagdive sa isang bakanteng classroom at nagtago sa likuran ng mga desks.

Napakamot ako sa aking ulo. Bakit takot na takot doon si Kuya Rigor eh mga piraso lang naman ng papel yung nilabas nung lalaki mula sa bag niya? I mean medyo weird nga yung itsura nung mga papel kasi may mga nakasulat doong mga characters na hindi ko maintindihan but I don't think it's enough para mapatakbo ako.

"Binalaan ko na kayo..." Sabi nung lalaki sa nakakatakot na boses at nag-chant sa isang lenggwaheng hindi ko maintindihan. Nag-iba ang stance nito na parang naghahandang ibato ang mga papel sa direksyon ko.

"Hoy!" Tawag sa akin ni Kuya Rigor mula sa pinagtataguan niya. "Umalis ka dyan! Nababaliw ka na ba?"

Lalo akong naguluhan.

"Bakit? Ano ba yung meron sa mga 'yon?" Tanong ko.

"Hindi normal yung mga papel na 'yan! Maaari kang mamatay if those things did as much as touch you! Some even say that one touch from those things can be compared to a gunshot wound! So get the heck out of there!"

Bigla akong nataranta. Bakit ngayon lang niya sinabi!

"BUMALIK NA KAYO SA PINANGGALINGAN NIYO!" Narinig kong sigaw nung lalaki bago niya ibinato sa direksyon ko ang mga papel na parang mga shuriken.

Narinig kong napamura ulit si Kuya Rigor.

"Umalis ka dyan!"

Sinubukan kong umiwas ngunit sa sobrang pagkabigla ay parang naestatwa ang aking katawan. That's when I felt someone pushed me out of the way. Nang pagtingin ko ay si Kuya Rigor pala ang nagligtas sa akin! Mayroong isang piraso ng papel ang dumaplis sa kamay nito at kabod na lang nagliyab ang parteng nasalat ng papel.

Napasigaw sa sobrang sakit si Kuya Rigor. Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa lalaki.

"YOU SON OF A BITCH! TANG INA!!" Sigaw niya habang kalong-kalong ang kamay. "You'll fucking regret doing this in the future!"

Napatingin ito sa akin.

"We need to get out of here!" Gigil na sabi niya sa akin at kabod na lang hinawakan ang aking kamay at hinila ako para tumakas.

"As if hahayaan ko kayong makaalis!" Sabi naman nung lalaki at nagsimulang tumakbo para habulin kami.

Sinundan namin ang mahabang hallway habang iniiwasan ang mga ibinabato nito sa aming mga papel. It took us a couple of minutes pero nakahanap din kami ng daan para makalabas ng building. Hindi nagsasalita si Kuya Rigor pero halata sa mukha niyang napapagod na siya. Dala na din siguro ng sugat sa kamay niya.

Pagtingin ko sa likod ay nakabuntot pa rin yung lalaking naka-hoodie. Ang bilis niyang tumakbo! Hindi ko inexpect na ganon siya kabilis! Paniguradong in just a couple of minutes ay mahuhuli na niya kami!

Patay ka na! Mouth Open Open! #Wattys2017Where stories live. Discover now