Chapter LXV Fast

5.1K 227 61
                                    


Where's the love we had?

Can we make it last?

I cant live my life the way you want me to.

Nakaupo si Sam sa malamig na semento. Yakap ang sarili sa malamig ng gabi.

Sa pinamamataas na gusali, muli niyang kinakausap ang buwan, mga bituin at mga ulap na walang maibigay na sagot sa kanya.

Inaalala ang mga nangyari nung nakaraang mga araw. Isang araw na lang, Isang linggo na ang lumipas.

Ilang araw na ang nagdaan. Pero parang hindi gumalaw ang oras at hindi dumaan ang araw para kay Sam.

Hinawakan niya ang kanyang dibdib pinakiramdam ang tibok ng puso. Titibok pa ba ang pusong basag?

Hindi niya malaman kung iiyak pa ba siya. Dahil parang nailuha na niyang lahat. Pero sa tuwing haharap siya sa langit, awtomatiko itong lumalandas sa kanyang pisngi.

Do I hve to cry for you?

---
One week ago...

"Sam, where is your wife?" Kathryn asked.

"She went to the ladies room Ma. Bakit po?"

"Ah okay, may naghahanap kasi sa kanya."

"Sino Ma?"

"Si Lilian. Yung bestfriend niya nung highschool. Umuwi na pala sila ng Ate niya."

Nagtaka si Sam. He did not remember Sabyn inviting them. kahit kaibigan ni Sab si Lilian ay hindi naman sila nagkausap nitong nakaraan. He remembered bumping into Monica months ago but that's about it.

Sam is certain hindi sila kasama sa mga pinadalhan ng imbitasyon because he personally brought it to their guests.

Lumabas naman mula sa likod ni Kathryn si Lilian. She was dressed casually kumpara sa ibang guests and she was wearing an expression that seems to be off for Sam.

"S-sam." she said when they were face to face.

"Maiwan ko muna kayo ha? May aasekasuhin lang ako sa loob anak. Please keep her company habang nasa rest room pa si Sab." Kathryn told Sam. He nodded as a response.

"Lil. Nakabalik na pala kayo? Long time." bumeso pa siya sa kaibigan noi Sabyn.

"Yeah. Mga six months na rin kameng nasa Pinas." sabi nito. Hindi maitago ang pagkabalisa niya habang kausap si Sam. She was a Wiccan and if it were not for the anklet she is wearing malamang malalaman na ni Sam kung ano siya.

But then again, Sam would probably think it was Sabyn he is sensing around. The truth is, nasanay na rin siyang may Wiccan sa paligid dahil sa kanyang asawa. It was both a good and bad thing for him.

"Ahh, matagal na rin pala. Ngayon ka lang ba kumontact kay Sab?"

"Ahm, actually she doesn't know I am coming."

"Ha? You mean hindi pa kayo naguusap ni Sab? But how did you know about this party?" he wondered. He saw Lilian's eyes wandered around.

Napansin din ni Sam ang mga dumating na mga additional waiters at nagseserve ng wine. It wasn't odd for him dahil party naman iyon, normal lang na may mga taong pumaparoon at parito para mag serve ng mga inumin.

What bothered him was the way Lilian seems to be shaking. Parang may nakita itong nakakatakot.

"Lilian." Sam called on her. she looked his way and there was definitely fear in her eyes. "Are you okay?"

Sam followed where Lilian was looking. May nga nagpapasok ng pagkain sa loob. Dala ng mga caterer.

Hindi pa rin nakasagot si Lilian, patuloy lamang itong lumilingon kung saan.

Do I Have To Cry For You? | Book 2Where stories live. Discover now