four

583 36 30
                                    

Bangagtan

Meiko's POV

"Pare,paano ba manligaw?"

"Simple lang bigyan mo lang 'yan ng malulupit na banat, gaya ng 'susungkitin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo'.."

"Ulol. Kulangot mo nga hindi mo masungkit bituin pa kaya?"

"Ah sorry na. Malay ko bang ito ang gusto niya."

Ayan 'yung ilan sa mga ingay na narinig ko pagpasok na pagpasok ko pa lang ng bahay. Napaikot ako ng tingin sa paligid at ganoon na lang ako napakunot.

Kung kaninang iniwan namin ni Yohan ang bahay na malinis at si kuya lang mag-isa, ngayon hindi na. 

May mga naghahampasan ng unan sa sala, may nangangalkal ng pagkain sa ref, at may natutulog pa. Sobrang ingay ng buong bahay and at the same time, sobrang kalat na din sa sandaling oras lang na nawala kami.

"Sino kayo?" Lahat sila napahinto sa ginagawa nila at napunta ang atensyon sa akin. Sandali silang napatahimik at nagkatinginan, parang gulat na gulat sila na makita ako.

"Miek—" hindi natapos nung isang lalaki 'yung sasabihin niya dahil tinakpan ni kuya 'yung bibig niya at may binulong siya dun sa mga lalaki kaya nagtanguan naman ito at naging kalmado.

Pero bakit ang weirdo naman ata ng reaksyon nila at gulat na gulat silang makita ako?

"Meiko nandiyan na pala kayo. Nasaan 'yung binili niyong mga pagkain?" Pag-iiba naman ni kuya sa usapan at syempre, pagkatapos sabihin 'yon ni kuya 'yung mga mata ng mga lalaki na nandito biglang kuminang. 

At ganun din kabilis nawala 'yon dahil sa naisip ko, "Wala." Napakunot naman si kuya dahil nagbibiro lang naman talaga ako para inisin 'yung mga tukmol na 'to at dahil nga slow si kuya, hindi niya 'yun nagets at hindi nakisakay. Nak totong!

"Nandoon sa lamesa, tinakpan ko muna." Pagbubuking naman sa'kin ni labanos kaya tinignan ko siya ng masama pero hindi niya naman yun pinansin.

"Yes akala ko pa naman wala talaga." Sabi nung maliit.

"Syempre hindi naman tayo pwedeng hindi pakainin ni Veence." Sabi naman nung malaki ilong.

"May panulak ba 'yan?" Tanong nung may kahabaan ang baba.

"Akin na itulak na lang kita." Tinulak naman siya ni kuya. Wait nga! Sino ba kasi sila? Hindi ko alam mga pangalan eh.

"Teka nga! Hindi niyo pa nasasagot ang tanong ko eh. Sino ba kayo?" Napunta nanaman ang atensyon nilang lima sa sakin.

"I'm Hansel pero Hans na lang ang pinakagwapong biskwit sa buong mundo." Sabi nung isa at lahat naman umakto na parang nasusuka. Okay, nagjojoke siya. Siya 'yung sinasabi ko na mahaba ang baba hehehe.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon