twenty two

236 23 98
                                    

Sorry


Meiko's POV


Natapos 'yung buong klase na hindi kami nagpapansinan ni Dylan, at buong klase din naman akong hindi mapakali.


Gustong-gusto ko siyang kausapin at tanungin kung anong nangyari sa kaniya pero natatakot ako at baka hindi niya ako pansinin.


Madalas kaming sabay na lumabas ng room ni Dylan pero ngayon, pagka-dismiss pa lang sa'min, nagmadali na agad siyang lumabas at hindi man lang ako hinintay.


Aasa pa ba ako? Eh kanina pa naman siya ganiyan kumilos.


Sinabi na kanina 'yung resulta ng exam at nakakapagtaka man, pasado ako sa lahat at syempre, si Dylan pa rin ang pinakamataas sa lahat ng subjects at ang nakakagulat, konti lang ang gap ng scores namin kaya bilib na bilib ang mga subject teachers namin sa'kin.


Hindi ko naman magagawa 'yun kung hindi dahil kay Dylan.


Naalala ko tuloy 'yung deal namin na kapag nakapasa ako sa lahat ng subjects, ililibre niya ako pero paano pa? Eh hindi nga kami nagpapansinan. Hays.


Paglabas ko ng room, pumasok agad ako sa elevator para makababa ng building. Buti na lang at nakasingit agad ako sa madaming estudyante.


Paglabas ko ng elevator, naglakad na ako para makalabas ng school pero napahinto ako dahil narinig ko ang pangalan ko.


"Meiko!" Napalingon ako sa lalaki na tumawag sa akin.


"Kyle?" Ngumiti siya sa'kin.


Nagtaka ako dahil nakasuot ng jersey si Kyle at may hawak pang bola ng basketball habang papalapit sa'kin.


"Kamusta? Pauwi ka na?" Tanong niya sa'kin.


"Hindi, papasok pa lang ako, sige diyan ka na at baka ma-late ako." Sarcastic na sabi ko. Ginulo naman niya ang buhok ko, "Oy! Wag 'yung buhok ko!"


"Sira ulo ka talaga." Natatawa pang sabi niya.


Shemay!


Bakit ba ang hilig ngumiti at tumawa ng lalaking 'to?


Nakakainis lang dahil nakakahulog ng panty!


Atsaka bra.


Atsaka lahat na!


"Buo kaya ulo ko, baka 'yung ulo mo sa baba ang hindi." Sabi ko at nakuha naman niya 'yun agad.


Sa Bahay ni KuyaWhere stories live. Discover now