forty eight

134 15 16
                                    

Party

Meiko's POV

"Hayop ka, Lauren." Gigil na bulong ko sa sarili habang nakakuyom ang mga palad.

Siya pala ang dahilan kung bakit nalaman ng Kuya ko. Ano bang nagawa ko sa bruhang 'yun para gawin niyang miserable ang buhay ko?

Habang nag-iisip ako ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Kuya na nakatingin sa'kin habang nakangiti. Akala ko talaga magagalit siya sa'kin at buong araw niya lang akong sesermunan pero hindi ganun ang nangyari. Sinabi niya na naiintindihan niya naman daw ako basta huwag ko na lang uulitin. Hays. I'm so blessed to have this brother.

"Stress ka? Pinapunta ko 'yung tropa sa baba para sumaya ka." Sabi niya kaya bigla akong napangiti at lumapit ulit sa kaniya para yakapin siya. "Oh bakit?"

"Thank you." Sagot ko sa kaniya at tinapik-tapik niya naman ang ulo ko.

"Tama na yakap alam kong mabango ako. Punta ka na lang sa baba para happy lang." Kumawala siya sa yakap pagkatapos sabihin 'yun. Siya? Mabango? Wow naman. Yabang hits. Buti sana kung totoo.

"Oo na feeling mabango ka naman." Pang-iinis ko.

"Ganiyan talaga pag baygon pabango." Pahabol niya bago lumabas ng kwarto. Pag galit lang talaga siya matino.

Nag-ayos muna ako ng sarili dahil halatang kagagaling ko lang sa iyak. 7pm na ng gabi pero ngayon pa lang ako ulit lalabas ng kwarto dahil iniisip ko lahat ng problema. Buti na lang talaga may Kuya ako na handang tumulong para sa'kin.

"Meikoooo!" Pababa pa lang ng hagdan ay may dalawang babae na agad na tumawag sa pangalan ko at nagmamadaling yakapin ako.

"Namiss niyo ko agad?" Pabiro kong tanong at niyakap sila pabalik. Mas mukha pa silang problemado sa'kin.

"Your kuya told us about what happened to you and Yohan. Kaya mo pa?" Tanong ni Shin sa'kin at ngumiti lang ako sa kaniya ng tipid at tumango.

Kasinungalingan.

"Basta kapag naisipan mo nang tapusin ang lahat nandiyan lang ang lubid ha? Aray!" Natawa ako dahil biglang hinampas ni Shin si Ela dahil sa sinabi niya. Gaga talaga 'to.

"Napakagaling mo mag advice ha! Eh kung yung leeg mo kaya ibitin ko sa lubid?" Harsh na sabi ni Shin kaya napahawak naman sa leeg si Ela para protektahan 'yun.

"Di pwedeng mag-joke?"

Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa.

Tumuloy na kami sa baba at nakita ko 'yung mga boys na inaayos 'yung videoke. Naku! Mukhang nakakarindi ang mga mangyayari mamaya lalo na't si Hans ang may hawak ng mic. Pero bakit mukhang kulang sila?

"Nasaan si Nathan?" Tanong ko kaya napunta ang atensyon nila sa'kin.

"Hindi pa ba kami sapat?" Malungkot na tanong ni Hans habang nakanguso pa. Luh mukhang pato.

"Tatanungin ko ba kung nasaan si Nathan kung sapat na kayo?" Tanong ko sa kanila kaya bigla sila sumayaw ng boom panes. Mga ine-etok nanaman sila.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon