twenty four

213 23 63
                                    

His past


Meiko's POV


Kanina pa ako lakad nang lakad dito. Hindi ko din tinitigil sa kakalingon kung saan-saan 'yung paningin ko. Kalahating oras na namin hinahanap si labanos pero hanggang ngayon, hindi pa rin namin siya nakikita.


"Kingina mo labanos! Saan ka ba kasi nagpunta!" Inis na sabi ko habang naglalakad pa rin.


Ang layo na ng narating ko. Hindi ko na nga alam kung nasaan ako dahil padilim na ng padilim 'tong dinadaanan ko. Hindi naman ako takot mawala dahil sabi ni Kuya kapag daw hindi ko alam kung paano bumalik sa bahay, tawagan ko lang siya agad kaya hawak ko lang 'yung cellphone ko.


Hindi naman kami ganun ka-close ni labanos dahil palagi lang naman kaming nag-gagaguhan sa tuwing magkausap kami kaya wala akong alam na pwede niyang puntahan ngayon.


Habang naglalakad ako, nakarinig na lang ako bigla ng pamilyar na boses mula sa tuktok ng isang abandonadong building o kung ano man.


Hanggang 4th floor itong building at sa tingin ko, 'yung ika-apat na palapag ay rooftop at doon nanggagaling 'yung boses.


"Labanos?"


Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko si labanos 'yung naririnig ko kaya walang pagdadalawang isip na pumasok ako doon at umakyat hanggang sa rooftop.


Nakahinga ako ng maluwag noong makita ko siya pero agad nawala 'yun dahil nakita ko siyang nakatayo sa railings ng rooftop at konting galaw niya lang, mahuhulog na siya.


"Yohan!" Napalingon siya sa'kin at halatang nagulat siya na makita ako.


"Anong ginagawa mo dito?"


"Baka tatae."


"Lul!"


"Bumaba ka nga diyan! Baka mahulog ka eh!" Utos ko sa kaniya pero tinignan niya lang ako na parang wala siyang balak na sumunod.


"Umuwi ka na." Malamig na sabi niya at tinalikuran ako.


"Anong umuwi?! Alam mo bang kalahating oras na kitang hinahanap?! Nag-aalala na nga ako sa'yo tapos papauwiin mo lang ako?!" Sa inis ko, nagdire-diretso na 'yung bibig ko at kung ano-ano na 'yung lumabas na salita.

Sa Bahay ni KuyaWhere stories live. Discover now