Prologue

17.5K 496 50
                                    


  "Faith to me is trusting in every evidence that something is―that it is possible, that it is significant, that it is real."   

  ―  Rachel E. Goodrich, Smile Anyway 


🌛


We'll start from zero and we'll gonna fix everything. But this time... let's do it together.


"Ikaw, bakit ba ang hilig mong mangialam? Tignan mo nangyari sa 'yo," inis na inis na wika ni Lauren sa binata. Lumuhod ang dalaga upang makita ang kalagayan ng binata. May sugat ito sa balikat at likod, may sugat din ito sa ulo, pati na rin sa hita at tuhod.

Tahimik lamang na nakahiga ang binata habang pinagmamasdan si Lauren na mag-alala para sa kanya. Napangiti na lamang siya.

"Sa unang pagkakataon, nag-aalala ka rin sa 'kin. Dapat pala lagi kong sinasalo lahat ng atake para sa 'yo."

"Manahimik ka."

Hindi naman na umimik ang binata at tahimik ulit na pinagmasdan si Lauren habang pinapagaling ang mga kanyang mga sugat.

"Pagkatapos ba nito... puwede na kitang dalhin sa condo ko tapos—"

Isang kurot ang ibinigay ni Lauren sa tagiliran ng binata kaya't napahiyaw ito sa sakit.

"Ang sabi ko, manahimik ka."

Natahimik ulit ang binata saka niya pinagpatuloy na pagmasdan si Lauren. Isa-isang pinagaling ni Lauren ang mga sugat ng binata. Itinaas pa nito ang damit ng binata at pinagaling ang mga sugat sa dibdib at tiyan nito.

"Masarap bang pagmasdan ang abs k— Aray!"

Isang kurot na naman ang natanggap ng binata kaya't natahimik na lamang ulit siya at hinintay na matapos si Lauren sa kanyang ginagawa. Nang matapos sa katawan ay sinunod naman ni Lauren ang sugat sa ulo ng binata. Naupo ang binata at napatingin kay Lauren.

"Meron pang sugat," wika pa nito.

"Saan?" tanong naman ni Lauren saka ito tumingin pabalik sa binata.

"Dito oh sa labi."

Tinignan naman ni Lauren ang sugat sa labi ng binata at akmang gagamutin na ito nang magsalita ulit ang binata.

"Isang kiss lang d'yan magaling na 'yan."

Hindi siya pinansin ng dalaga at dali-daling tumayo saka siya nito nilayasan. "Oy! Biro lang, e. Lauren!" Madali siyang sumunod dito at inakbayan ang dalaga. Ngingiti-ngiti pa siya habang naglalakad nang sunod naman niyang natanggap ay isang malakas na pagsiko ni Lauren kanyang sikmura. Agad siyang namilipit sa sakit at inis na inis na napatingin kay Lauren.

"Lauren!" inis na inis na sigaw niya rito.

"Para kang bata d'yan. Manahimik na muna kahit isang beses, pwede ba 'yon?" iritang-iritang sagot ni Lauren sa binata. Akmang sisipain pa siya ni Lauren nang agad siyang lumayo dito at baka masipa pa talaga siya.

"Nakakatakot ka, alam mo 'yon? Nakakabawas 'yan sa ganda mo," wika pa nito.

"Mukha ba akong may paki?" iritang sagot naman ni Lauren.

Tumango naman ang binata, "Oo. Kailangan mong magpaganda para sa 'kin."

Natanga na si Lauren sa pinagsasabi nito ng binata. Napahawak si Lauren sa kanyang ulo at napasabunot sa kanyang buhok. Umiling siya ng umiling.

"Dapat hindi ka na talaga nabuhay ulit, e. Bumalik ka sa pagiging siraulo."

"Ganito na ako dati?" tanong pa nito saka ito natawa. "Ano'ng magagawa ko e, ang cute cute mo?"

Napapikit ng mariin si Lauren at tinignan ng masama ang binata.

"Kung patayin na lang kaya kita ulit? Nakaya ko naman ng sampung taon na wala ka. Makakayanan ko rin hanggang sa mamatay ako. Tara dito," wika pa ni Lauren kaya agad na napaatras ang binata.

"Biro lang, biro! Pero seryosong usapan, Lauren..."

Natahimik ang dalawa. Sumeryoso ang tingin ng binata sa dalaga. Dahan-dahan siyang lumapit kay Lauren kahit alam niyang isang pagkakamali niya lamang ay malilintikan siya dito. Tinignan niya ng diretso sa mga mata si Lauren at huminga ng malalim.

"Hindi... hindi mo na ako iiwan ulit, 'di ba?"

Bagamat nagulat si Lauren sa sinabi ng binata ay tumango siya rito. 

Doon naman na napangiti ang binata. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Lauren saka niya ito hinalikan sa noo. Ngunit dahil sa ginawa niya, isang malakas na suntok muli ang natanggap niya kaya't muli siyang namilipit sa sakit. Pinatong na lamang niya ang kanyang ulo sa balikat ng dalaga at hindi na nagtangkang gumawa pa ng bagay na ikalilintik niya.

"Ang hard mo sa 'kin, b-bakit..."

"Kailangan alisin 'yang pagiging manyak sa katawan mo. Namatay at nabuhay ka na lahat-lahat, hindi ka pa rin nagbabago. D'yan ka na nga," sagot ni Lauren saka siya tinulak nito at muling nilayasan.

Napatingin na lamang ang binata kay Lauren habang naglalakad ito palayo sa kanya. Hawak-hawak pa rin niya ang kanyang sikmura at hindi pa rin maipinta ang mukha niya sa sakit ng pagkakasuntok ni Lauren sa tiyan niya.

"Dadating din ang araw na makukulong kita sa kuwarto ko at makakaganti ako. Tss." Napa-iling na lamang ito saka sumunod sa dalaga.


And from this moment, we will fight in the battlefield... together. And I-- I won't lose you again, never.


Freed (Curse, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon