3. Torn in Between

12.3K 376 34
                                    



Chapter 3

🌛

Saglit na nagkakatitigan sina Lauren at Han. Agad na tumayo ang dalaga saka ito lumabas ng kuwarto. Naiwan naman sa loob si Han habang nakahiga pa rin sa lapag at tulalang nakatingin sa kisame. Ano'ng nangyari? Hindi niya maintindihan. Bakit ang bilis? Bakit biglaan? Pumikit na lamang ang binata at pinatong ang kanyang kamay upang takpan ang kanyang mata. Sa sobrang hiya niya ay pakiramdam niya ay sobrang pula na ng kanyang pisngi.

Biruin mo nga naman. Ang hirap kiligin ng lalaki.

Ang bilis ng tibok ng puso niya. Kulang na lamang ay magpalpitate ito at tuluyan ng tumalon palabas ng kanyang katawan.

Matapos niyang kumalma ay dali-dali siyang tumayo. Akmang lalabas na siya ng kuwarto nang makita niya ang isang dalaga na naka-upo sa upuan lamesa ni Lauren. Naka-dikwatro ito at nakahalukipkip. Taimtim itong nakatingin sa kanya. Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa saka siya sinuro nito ng mabuti. Tumaas ang isang kilay nito, tila interesado sa kanyang nakikita.

"Hmm... Kamukhang-kamukha mo nga siya," wika pa nito sa kanya.

Doon nagsalubong ang mga kilay ni Han. Matagal na siyang nacu-curious dito. Ang dalagang ito ang pangatlong tao na nagsabi sa kanya na kamukha niya ang lalaking 'yon.

"Sino? Si Yohan?" sagot niya kaya tila mas lalo pang naging interesante ang pagkatao niya para sa dalaga.

Napangiti ito sa kanyang biglaang pagsagot. "How did you know that name?"

"Una si Lauren. Pangalawa, 'yong lalaking nagngangalang na Lee. At sumunod, ikaw. Lahat kayo, napagkakamalan na ako ang taong 'yon."

Ngumisi ito at napa-iling. "There's no doubt. Talagang mapagkakamalan ka na ikaw si Yohan dahil kahit saang agulo ka tumingin, kamukhang-kamukha mo ang lalaking 'yon. And besides, malakas ang kutob ko na ikaw nga talaga si Yohan. Hindi puwedeng coincidence lang na kamukha mo siya. Imposible."

Tuluyan ng napaisip si Yohan. May kamag-anak ba siya dati na kamukha niya? Wala siyang matandaan.

"Miss, ang pangalan ko Han-" Magsasalita pa sana siya nang biglang magsalita muli ang dalaga.

"Punto. Kinuha sa hulihan ng pangalan mo. Yohan. Han. Makes sense?"

"Pero 'yong sinasabi nilang Yohan... Imposible. Base sa pagkakapaliwanag ni Lee, bata pa siya ng-" Muli na naman nagsalita ang dalaga kaya't napatigil muli sa pagsasalita si Han.

"Punto. Ten years ago, five years old pa si Lee. Ten years ago, noong taon din na 'yon na ikaw ay namatay, Yohan."

Saglit na natahimik si Han sa dalaga at natulala sa pinagsasabi nito. Huli na ng magsink in ito sa utak niya. Dito na siya natawa sapagkat napaka-imposible nito para sa kanya. Ten years ago? Namatay siya? Ten years ago ay isa lamang siyang pintong taong gulang. Kaya paano nangyari 'yon?

"Sorry, Miss. Pero wala akong oras para makipagbiruan sa 'yo."

Dito na niya nakita ang walang emosyon na ekspresyon ng mukha nito. Hindi ito nagpatinag. Hindi rin kumikibo. Nakatingin lamang ito sa kanya.

"Mukha ba ako'ng nakikipagbiruan sa 'yo, Mr. Yohan Walker?"

Dug.

Isang straight na tunog ang bigla niyang narinig. Tila ba nawalan siya ng pandinig. Napapikit siya saglit at mabilis na inalog ang kanyang ulo. Hinawakan niya ang kanyang tainga at pinakiramdaman ito.

Freed (Curse, #3)Where stories live. Discover now