1. Forewarning

16K 388 33
                                    



Chapter 1

🌛

Tahimik na nakahiga si Han sa damuhan habang nilalasap ang preskong hangin sa grounds ng kanilang paaralan. Hindi gaano kataas ang araw at maulap din kaya't perfet na perfect ito upang magpahinga. Sa dami ng gawain sa school, ngayon lamang siya nakakuha ng oras para magrelax. Ngunit kung inaakala niyang magiging payapa ang pagpapahinga niya rito ay nagkakamali siya. Isang sipa ang natanggap niya sa tagiliran kaya agad siyang napabagon at tumingin ng masama sa taong nagwalanghiya ng oras ng pagpapahinga niya.

"Ano na naman?" inis nitong tanong sa dalagang sumipa sa kanya.

Napangiti ito kay Han. "Oras na!" natutuwa pang sagot nito.

Napakunot-noo naman si Han sa sinagot ng kanyang kababatang si Charlotte. "Oras na para sa alin?" nagtataka pang tanong ni Han sa dalaga.

"Secret! Malalaman mo rin pero sa ngayon ibigay mo muna 'to kay Pres para ma-approve 'tong hunted house natin sa school fest," sagot naman ni Charlotte saka nito itinampal sa pagmumukha ni Han ang papel.

"Siguraduhin mong ibigay mo 'yan kay Pres! 'Wag na 'wag mong ipapautos sa iba!" bilin pa nito saka ito kumaripas ng takbo bago pa man makaganti si Han sa kanya.

Napapikit na lamang ang binata saka ito napabuntong-hiniga. Tumayo siya at pinagpagpagan ang kanyang damit. Binasa niya ang form ng proposal ng kanilang section. Isang hunted house ang gagawin nila para sa school festival. Napangisi na lamang siya dahil ito ang kagustuhan ni Charlotte. Wala naman siyang choice kung hindi sundin ang inuutos ng kaibigan.

Naglakad siya pabalik sa loob at umakyat sa palapag kung nasaan ang room ng Student Government. Nang siya'y makarating sa tapat ng pinto ay muli siyang bumuntong-hininga. Akmang kakatok pa siya nang pumasok sa utak niyang na kahit minsan ay hindi pa niya nakikita ang President ng Student Government ng buong Elisium Academy. Kalat din ang bali-balita na nakakatakot daw nito at napakasungit. Ngayon niya malalaman kung totoo ang chismis na kumalakat sa buong paaralan.

At hindi lamang iyon...

Sinasabi pang napakaganda daw nito.

Kumatok siya ng tatlong beses at naghintay ng sagot.

"Pasok," mahina ngunit tama na upang marinig niya. Pumasok siya sa loob at agad na napatingin sa babaeng tahimik na nagsusulat sa desk nito.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong pa nito habang nakatuon pa rin sa mga papel na nasa desk nito. Kitang-kita niya ang napakaamong mukha ng dalaga. Ang napakaputing kutis nito. Ang mahabang itim nitong buhok. At ang perpekto nitong mukha.

"Proposal ng Section 4-A," maikli niyang sagot.

"Paki-patong na lang sa mga papel," sagot naman ng dalaga.

Lumapit si Han sa desk at pinatong ang proposal nila sa tambak-tambak na papel sa desk ng dalaga. Muli siyang sumilip sa dalaga na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya binibigyan ng tingin. Ang amo ng mukha nito, kaya naman bakit sinasabi nilang napakasungit nito?

"Hindi ka naman ganoon kasungit, bakit takot na takot sila sa 'yo?" diretsong tanong ni Han saka siya lumabas ng pinto sapagkat alam niyang hindi naman siya pagtutuunan ng pansin nito. Naglakad siya pabalik, iniisip kung ano'ng gagawin niya mamaya. Manonood ba siya ng pelikula kasama ang buong tropa? Maglalaro ng basketball?

Naglalakad siya sa isang tahimik na pasilyo nang makarinig siya ng isang boses...

"Yohan..."

Nahinto siya sa paglalakad at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nagtaka siya nang makita ang President sa nakatayo sa tapat ng pintuan ng SG Room habang nakatingin siya. Nang makita siya ng dalaga ay gulat ang sumunod na naging ekspresyon nito. Dahan-dahang nag-iba na tila ba nalulungkot at nagsusumamo. Hanggang sa unti-unti itong naging blangko. Mas lalo pang nagtaka si Han nang tinignan siya ng masama nito saka siya binaliwa nito na parang walang nangyari at padabog na isinara ang pinto.

Freed (Curse, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon