2. Eaten Alive

14K 420 0
                                    



Chapter 2

  🌛 


"Nakikinig ka ba sa 'kin, Han?" tanong ni Charlotte kay Han na kasalukuyang tulala sa kawalan. Pumitik pa si Charlotte sa harap ng mukha ng binata pero mukhang malakas talaga ang sapak nito ngayon. Nanliit ang mata niya at sinuri ng mabuti ang kaibigan. Hindi naman ganito si Han. Tulala nga 'to minsan pero hindi ganito kalala. Bukod na lang kung may bumabagabag sa isip nito.

"Han!" sigaw pa ni Charlotte kaya naman napatingin na ang binata sa kanya.

"Nandito ka pa ba? Nasaan na ang kaibigan ko? Hello?" pagsasarkastiko pa ng dalaga dito.

"Ano'ng problema ng mukha mo?" tanong pa ni Charlotte dito.

"Ano'ng problema ng mukha ko? Bakit? Guwapo pa rin naman,'di ba?" tanong naman pabalik ni Han na siyang mas lalong ikina-badtrip ng dalaga.

Napangisi si Charlotte at napa-iling. Dumikwarto ito at muling sumipsip sa iniinom niya. "Alam ko na..."

Muling napatingin si Han sa kanya. Nakasalubsob si Han sa lamesa, tinukod niya ang kanyang siko doon at ipinatong ang ulo sa kanyang kamay. "Ano?" hamon pa nito.

Napangiti na lamang si Charlotte, "Babae 'yan 'no?"

Natigilan si Han sa sinabi ng kaibigan. Naka-ilang kurap pa 'to at mabilis na umiwas ng tingin.

"Hindi 'no."

"Hindi 'no!" panggagaya pa ni Charlotte. Natawa na lamang ito. "Halos magkasama na tayo ng daang taon, paanong hindi pa rin kita mababasa? Tsk, tsk."

"Masyado kang OA. Daang taon? Tss."

Hinampas ni Charlotte ang lamesa at tinuro si Han. "Alam ko kapag babae iniisip mo," wika pa nito.

"Tulala sa kawalan. Walang pakialam sa iba dahil ang tanging tumatakbo sa isip mo ay 'yong babaeng gusto mo. Sino 'yan? Sino ang lucky girl?" pangngungulit pa ni Charlotte.

"Tigilan mo ako, Charlota," sagot na lamang ni Han saka ito muling sumubsob sa lamesa.

Ngumiti si Charlotte at sumandal sa kinauupuan niya. Kasalukuyan silang nasa cafeteria dahil break nila. Kuwento siya ng kuweto tungkol sa nangyaring palabas na pinanood niya kagabi pero hindi nakikinig si Han sa kanya. Sa halip ay nakatulala lamang ito sa kawalan at tila nasa ibang dimensyon ang pag-iisip. Kilala niya ang binata, sa tinagal nilang magkasama, alam na alam na nito ang ugali nito. At alam na alam niya kapag may taong gumagambala sa pag-iisip nito.

Boring si Han. Hindi rin makapaniwala si Charlotte sa kagagahan niya dati. Napa-iling na lamang siya. Bakit ba ako nagkagusto sa gagong 'to? Kadiri, pucha. Pero mabalik sa usapan, iisa lang naman ang alam ni Charlotte na taong may kakayahan na wasakin ang pader sa pagkatao ni Han. At 'yon ay walang iba kung hindi...

"Shet! Si Pres!" sigaw niya habang nakatingin kay Han na kasalukuyang nakasalubsob sa lamesa. Ngunit nang marinig nito ang salitang Pres ay agad nitong inakyat ang paningin sa pintuan. Nagbabakasakaling makita ang President ng SG.

Natawa si Charlotte at hinampas sa likod si Han. "Asa ka namang loko ka. Hindi bababa 'yon dito sa cafeteria!" matawa-tawang wika pa nito sa binata.

Tinignan na lamang siya ng masama ng binata saka ito nagwalk out palabas. Tawa pa rin ng tawa si Charlotte sa ekspresyon ng binata nang umasa ito na nandito nga ang President nila.

Freed (Curse, #3)Where stories live. Discover now