TIBG: Twenty

51 4 1
                                    

Then, I Bid Goodbye ⓒHiImFebby
TIBG: TWENTY









I woke up as early as I can, as early as my body can! Kung kahapon ang sakit-sakit na ng katawan ko, ngayon pakiramdam ko naman dumoble pa. Para nga akong may dala-dalang tigigisang kilo ng bigas na nakatali sa braso, binti at katawan. Grabe ang sakit talaga.









Pero syempre nevermind na muna 'to kasi kahit man hinuhudas na ako ng katawan ko, yung feeling na birthday at school fest mo ngayong taon eh sabay... you just can't help but smile at the thought and take note, I already had my to-do-list today.









I am so excited about the stuffs and such na magagawa ko this day pero sa lahat talaga, yung huli kong to-do-list ang nagpapakaba sa akin ng bonggang-bongga. Kinapa ko sa study table yung maliit na notebook kung saan ko isinusulat yung mga memo ko.









"Confess to Marvin" , with a shy-face doodle at the end.









I stared at that note for a while, mga ten seconds? I came to my senses after I realized what I had written on that little piece of paper, gagawin ko na ba talaga?









Oh my...









Nagpagulong-gulong lang ako, gulong dito, gulong doon, halos ilang minuto din. Para na nga akong timang na biglang mag-o'OO' o 'Hindi'. Kung kaya ko na ba talaga o hindi. Kung ipu-push mo ba Matty o hindi? Ay grabe ang gulo ko!









Dahil sa paggugulong ko, napagod ako syempre kaya naman tumigil na ako. I almost forgot na kaya pala ako gumising ng maaga eh para pumasok din ng maaga syempre naman. But as soon as I glanced at my alarm clock, its already 6:30 eh 7:30 ang karaniwang first sched ko. Oo nga wala ngayong klase pero required sa amin ang pumasok ng maaga kasi medyo marami pa din ang nasobra sa materials kahapon sa paggawa ng souvenir. Sabi ni president, kung kaya daw namin pumasok ng maaga, pumasok para atleast madagdagan pa yung pwede naming ibenta na souvenirs for our booth.









Para akong si flash pagbaba ko palang ng hagdan, muntik pa akong madulas dun sa rag na nakalagay dun sa parang platform ng hagdan namin bago pa tuluyang makababa. Geez, Matty nagmamadali ka na nga, babangasan mo pa 'yang sarili mo. Edi lalo ka ng nalate shunga ka talaga.









"Anak, dahan-dahan ka naman. Para ka namang hinahabol 'jan ng kabayo", paalala ni Dad.









"Sorry talaga Dad, hindi ko lang po namalayan ang oras, malalate na talaga ako", sabi ko habang dire-diretso na papuntang banyo para maligo.









"Hindi ka na magbebreakfast anak?", tanong ni Dad habang nasa kusina pa rin. Nag-aayos ata ng mga kubyertos, ewan. Basta ang alam ko malalate na ako.









"Nakakatampo ka naman anak. Sige ilalagay ko nalang sa tupperware, doon mo na lang kainin", hirit pa niya pero 'thank you' nalang din ang nasabi ko kasi talagang dumiretso na ako sa banyo para magmadali paliligo. Anak ng tokwa! Sa halip na bilisan paliligo, nagkaroon pa ako ng internal discussion sa sarili ko. Parang tanga lang na ewan at hindi lang 'yun, naisipan ko pa na mag-concert sa loob kaya lalo na akong tumagal 'dun. Bahala na nga!









Para na naman akong flash pagpunta ko sa kwarto para kuhain yung bag at kung ano-ano pa. But first of all, ang una kong kinuha eh yung memo ko sa study table, guide ko siya today. Sana lang magawa ko LAHAT ng mga nandito... sana. Kaya mo 'yan Matty, huminga ka lang ng malalim.









Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon