TIBG: Thirteen

324 28 17
                                    

Then, I Bid Goodbye HiImFebby
TIBG: Thirteen

"Pre! Pengeng piatos."


"Ayoko nga. Bumili ka ng sa'yo."


"Hmmp! Damot mo Bj grabe. Curse 'you!"


"Atleast hindi gutom, beelat!" Naririndi ako sa ingay nitong mga ka-bandmates ni Marvin. Nasa byahe na rin kasi kami papuntang Baguio at itong sina Kenneth at BJ eh kanina pa nag-aasaran. Ito naman kasing si Bj hindi pa bigyan si Kenneth. Sus, parang piatos lang nagdadamot pa. (>_<)


"Pwede bang manahimik kayo 'diyan? Ihuhulog ko kayo dito sa van!" Natigilan naman 'yung dalawa sa pagbabangayan ng sumigaw si Coleen na nakaupo sa front seat. Alam kong rinding-rindi na rin siya sa ingay nitong dalawang kumag sa tabi ko. So 'pano naman kaya ako eh ako yung mismong katabi? Ay jusko, thank you Lord natahimik din sila sa wakas.


Bigla namang nag-apir sina Aeron at Marvin na nakaupo sa pinakalast seat ng van. "Yun oh! I love you na talaga Coleen. Sa wakas natahimik din ang byahe."


"Sira ka Aeron. Isa ka pa eh!" Inirapan lang naman siya ni Coleen at saka tumingin na din ulit sa daan. Habang nasa byahe, wala akong ibang ginawa kundi tumingin lang sa labas. Pinapanood ang bawat kalsadang tinutungo ng van. Ito namang sina Bj at Kenneth, mangungulit na lang sa'kin kapag manghihingi ng makakain. Ay ang galing galing din naman talaga nitong dalawang 'to no? Ako yung may baon tapos sila ang umuubos. Leshe, excuse me nagugutom na din kaya ako.


May naramdaman akong kumukuhit mula sa likuran ko kaya ipinihit ko ang ulo ko at nakita ko si Marvin. Laking gulat ko naman ng paglingon ko... ang lapit ng mukha naming dalawa.


Biglang nagpalakpakan naman yung tatlong lalaki sa mga gilid namin. "Sayang Marvs! Konti na lang eh!" Sinapak naman bigla ni Marvin si Aeron kaya nagkalayo na ulit ang mga mukha namin. Napalunok ako ng ilang beses pagkatapos nung nangyari. Ang lapit nun! M-muntik ko na siyang... yung ano... ay buti na lang hindi ko siya na-ano. Wengye! Natatameme ako. (>_<)


"B-bakit mo nga pala ako kinukuhit Marvin? May problema ba?" Tumigil naman si Marvin sa pagsapak kay Aeron at ngumiti sa'kin. Hindi ko mapigilang mapalunok ng dahil sa mga ngiting binibigay niya. Baka nga mamaya mamalayan ko na lang na pati dila ko malunok ko na eh. (O_o)


Sa tuwing makikita ko siyang nakangiti sa'kin, hindi na matahimik ang puso ko. Halos mabingi na nga ako sa naririnig kong pagtibok nito kapag nakakausap ko siya, nginingitian niya ako at kung ano-ano pa. Ang wierd nga eh. Oo, ang wierd grabe.


Sumenyas dun sa mga lalaki si Marvin at nagkanya-kanya ng lipat ng upo. Si Marvin na tuloy ngayon ang katabi ko. Lakas mag-sabwatan nitong mga lalaking 'to. ( ̄ 3 ̄)


"Pagod ka na ba? Sandal ka lang sa'kin pag gusto mo ng matulog." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero kinindatan lang niya ako at nakita ko pa na nakangisi si Coleen with matching taas-baba pa ng kilay. Para tuloy nararamdaman ko na pinagkakaisahan ako sa byaheng 'to. Tsk.


Bigla namang kumanta yung tatlo. "Sige lannggggggg, SANDAL KA LANG AT HUWAG MONG PIPIGILAN. Sige langgggggggggg sandal ka lang at huwag mong pipigilan. Whooo! HAHAHAHA!" Pffft, mga may sayad talaga. Malala na. (-____-)

Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora