TIBG : One

738 102 92
                                    

Then, I Bid Goodbye ⓒHiImFebby
TIBG: ONE


FLASHBACK



Tiktok



"Ugh", I sighed.



Tiktok



I heard it again.



"Matt!"



Agad akong napatunghay ng marinig ko na may tumatawag sa'kin.



"Zy!" And there, I saw my bestfriend.



"Come with me." He said while grabbing my free arm. Agad naman akong tumayo ngunit nahulog ang mga librong hawak ko.



Tinulungan niya naman akong pulutin ang mga 'yon. Pagkalapag niya ng mga libro ko sa mesa ko ay hinila na niya ako bigla palabas ng classroom.



"What? Uy wait!" Sabi ko pero hindi man lang niya ako nilingon.



"I have a favor to ask", he said at tumakbo na kami. Halos lahat tuloy ng mata ng estudyante ay sa amin napunta.



"Pwede mo naman 'yong sabihin sa classroom namin. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko at ngumiti lang siya sa'kin.



'Tugsh ' said my heart.



Psh, abnormal talaga.



Patuloy lang kami sa pagtakbo ni Zyril pero kung kanina sa braso ko siya nakahawak, ngayon nalipat na 'yon sa kamay ko.



Halos kumawala na naman ang puso ko sa dibdib ko. Kahit kelan talaga ayaw nitong kumalma kapag kasama siya. Bakit ba 'to ganito? Nakakainis.



Medyo nakakalayo na kami dahil ibang building na itong tinatakbuhan namin ni Zyril, malapit na kami sa canteen.



Lunchbreak na ngayon. Nagugutom na din ako dahil hindi man lang ako kumain ng agahan kanina bago ako umalis ng bahay.



Akala ko didiretso kami 'dun para bumili ng makakain pero hindi dahil lumagpas lang kami doon.



"What the.." 'yon na lang ang nasabi ko. Kanina pa talaga kunakalam ang sikmura ko. Jusko pengeng pagkain, ayokong magpass-out sa gutom.



Our footsteps echoed along the hallway. Takaw-pansin pa din kami sa ibang mga estudyante na kasabay namin sa daan dahil tumatakbo kaming magkahawak ang kamay.



Gusto ko sanang matuwa pero nagugutom na talaga ako.



"Ano ba kasi 'yong sasabihin mo?", kunwari medyo inis ang tono ko. Hinigpitan naman niya lalo ang hawak sa kamay ko. Omg.



"Mamaya na 'yun", At nagpatuloy lang kami sa pagtakbo.



***



Nakarating kami sa isang abandonadong classroom. Wala masyadong dumadaan na estudyante dito o baka nga halos hindi alam ng mga estudyante na may nageexist na ganitong lugar dito sa Comelaire University.



Isang classroom na may decorations na parang 'Under the sea' ang vibes.



Hinawakan niya ako sa balikat sa sapilitan na pinaupo sa isa sa mga upuan doon, napapikit ako.



Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ