TIBG: Three

409 94 68
                                    

Then, I Bid Goodbye ⓒHiImFebby
TIBG: Three

Zyril POV






Bigla na lang akong iniwan ni Matt. Problema 'nun?



May dalaw? Meron ata. Lol



Malapit ko ng matapos ang preparations para sa gagawin naming surpresa kay Hanna. Hindi ko maitago ang excitement sa loob ko. Sana lang talaga maganda ang kalabasan ng ginagawa naming effort ni Matt.



Sagutin na kaya ako ni Hanna? Sa tagal ko na ba namang nanliligaw sa kanya, malamang alam na niya ang feelings ko. Sincere ako at handa ko talaga siyang mahalin ng buong puso



*KRIIIIINGGGG*



Pumasok na ako sa first subject ko, wala pa si prof. Halos mga fifteen minutes pa ang hinintay ng klase bago siya nagpakita. Nagsimula na agad siyang mag-discuss pero parang lumulutang sa ere ang pag-iisip ko. Walang sinasabi ang prof na nag-sisink in sa utak ko. Iniisip ko pa lang si Hanna, pwede na akong matunaw.



Lalake akong tao pero ang hirap magpigil ng kilig. Paano pa kaya kung kami na? Lihim akong napangiti nang maisip ko 'yun.



Dahil sa pagkalutang ng isip ko, pati endearment namin pinlano ko na. Kung kasama ko ngayon si Matlen, malamang titingnan niya ako ng nakakaloko kasabay pa na pag-awang ng bibig.



Kung Honey kaya at ako si Pooh? Shit baduy ata, wag na 'yun.



Kisses at ako naman si Hugs?



Putakte. Halos magsitayuan ang balahibo ko. Ang likot kong mag-isip. Dahil sa nakangiti pa din ako (well hindi ako aware. Akala ko hindi na ako nakangiti eh.) Nakatingin sa akin ang ilan kong kaklase na parang pinapahiwatig na 'Ano kayang nangyayare kay Orteza? Nababaliw na ba 'yan?'



Haha. Oo, mukhang mababaliw ako dahil kay Hanna.



Hindi na ako makapag intay  na sumapit ang Friday. I hope it's my Lucky Day.



Sana lang talaga maging maswerte ako sa araw na 'yon.



"Pare, goodluck. Mukhang may big event ka ah?" Sabi ni Jayson may kasama pa na pagsiko. Kaklase ko siya at ka-member ko sa dance group ng university.

 Kaklase ko siya at ka-member ko sa dance group ng university

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oo, susurpresahin ko kasi si Hanna", sagot ko.  Napatakip naman siya ng bibig.



"Ayos ah. Pag sinagot ka na niya... alam mo na", Kumindat pa siya harapan ko. Ito talagang isang 'to ang hilig sa mga libre. Ang yaman pero gusto lagi ng libre.




"Oo na. Oo na. Alam ko namang hindi ko kayo matatakasan dahil halos araw-araw tayong magkakasama."  Wala akong ibang magagawa kundi ilibre ang mga 'to. Ang creepy din niya kumindat na may kasama pang flying kiss. Nakakagoosebumps.

Then, I Bid Goodbye (On-Edit)Where stories live. Discover now