Chapter Nine

38.1K 686 76
                                    

MARAHAN kong hinaplos ng daliri ang palapulsuhan ko. Mayroon pa ring bakas ng peklat na dulot ng pagkakasugat ko sa posas. After all, hindi lang naman isang beses niya akong iginapos ng ganoon sa kama niya. Kahit ngayon na buwan na ang nakalilipas mula nang maghiwalay kami ni James, hindi lang ang peklat sa balat ko ang naiwan niya.

Huminga ako ng malalim. "Kinabukasan pagkatapos ng gabing iyon, hindi ako pumasok sa trabaho. Alam ko na pwede kong itago sa tamang kasuotan ang sugat sa mga kamay ko at gasgas ng mga kuko niya sa braso ko. Kaya ko ring itago ng make-up ang pamamaga ng mga pisngi ko na sinampal niya, ganoon din ang mga pasa sa iba pang bahagi ng katawan kong tinamaan ng mga kamay niya. But the emotional damage of what happened that night, the confusion I feel from the different faces of him that I've seen... it was difficult for me to cover it all up."

Hindi sumagot si Dr. Martin na katabi kong nakaupo sa bench. Nakatitig siya sa harapan namin. Ganoon din ang ginagawa ko. Ilang metro mula sa amin ay may mga nag-ja-jogging. Kanina pa kami umalis sa underwear shop at suot ko pa rin ang corset na binili namin. Iginiit niya kanina na isuot ko iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportableng suot iyon. Pero ang sabi ng psychiatrist ko, kailangan ko harapin ang bagay na nagdudulot sa akin ng trauma. Iyon daw ang paraan para mabilis kong ma-overcome ang masasamang alaala. Pero kahit nasabi ko na sa kaniya ang isang bahagi ng mga alaalang iyon ay ang sikip pa rin ng dibdib ko.

"Ilang beses pang naulit ang ginawa niya sa iyo?" tahimik na tanong ni Dr. Martin makalipas ang mahabang sandali.

"Maraming beses."

"At palagi kang may pasa at may sugat."

Kinagat ko ang ibabang labi at tumango.

"Palagi niya bang ginagawa iyon na walang permiso mo?"

Uminit ang mukha ko at umiling. "T-tama siya ng sinabi sa akin nang gabing iyon. That soon... I will beg him to do the things he wants to do to me. Dumating sa punto na... ako na ang naghahanap ng pakiramdam na nakagapos kapag nagtatalik kami. It came to a point when I am begging to be spanked."

Mariin akong pumikit. "Even though I hated it at first, eventually I became... what he wants me to be – a slave of pleasure and lust. His slave." Niyakap ko ang aking sarili. "Siguro, ganito talaga akong babae. Maybe I'm really craving for pain. Hindi ko lang alam dati dahil si James ang unang lalaki sa buhay ko."

"Kung iyan nga ang kaso, dapat noon pa, kahit papaano ay nag-manifest na ang tendency mong ma-arouse sa pain," sagot ni Dr. Martin. Sa wakas ay nilingon niya ako. "Alalahanin mo, bago mo siya nakilala, kahit minsan ba ay na-arouse ka sa ideya ng bondage? Have you read a book or watched a video related to pain during sex and have an instance when you got aroused?"

Hindi ako agad nagsalita. Pilit inalala ang nakaraan. Ni hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang katotohanang wala na akong nararamdamang pagkailang na tungkol sa ganoon ka-sensitibong paksa ang pinag-uusapan namin ni Dr. Martin. At sa isang lugar pa na baka may mga taong makarinig. Kahit seryoso siya palagi at kaninang pagdating ko lang sa opisina niya ay nadama kong dinidistansya niya ang sarili sa akin, may kung ano pa rin sa lalaki ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na magsalita at sabihin sa kaniya ang pinakatago-tago kong lihim.

Siguro ang katangian niyang iyon ang dahilan kung bakit kahit mukha siyang unsociable ay isa siyang magaling na psychiatrist na marami nang natulungan.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, miss Madrid," untag ni Dr. Martin.

Kumurap ako. Dumeretso ng upo at binalikan sa isip ko ang nakaraan. Marahan akong nagsalita, "College ako nang unang ma-expose sa sex. Liberated ang mga blockmate ko noon lalo na ang mga babae at binabae. Walang araw na hindi sila nag-uusap tungkol sa mga sexual experience nila at hindi ko maiwasang hindi marinig dahil hindi naman sila patago mag-usap. Naging barkada ko sila at sila ang unang nagpanood sa akin ng adult video. Para sa isang tulad ko na noong high school ay puro holding hands lang ang ginagawa kasama ang mga nagiging boyfriend ko na mas matatawag namang kaibigan kaysa lover, na-culture shock talaga ako sa pinanood namin. Natatandaan ko na tinawanan nila ang reaksiyon ko. At nawili sila na tuwing may project kaming ginagawa sa bahay ng isa sa amin ay nanonood kami ng mga ganoong klase ng palabas. Binigyan pa nila ako ng mga babasahin. Aralin ko raw para hindi naman ako inosenteng inosente. Kawawa naman daw ang magiging boyfriend ko kung wala akong alam."

PATIENT X (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon