Chapter Thirteen (warning:SPG)

44.6K 671 96
                                    


HINDI ko alam kung paano ko nagawang makabalik sa cottage namin na hindi bumibigay ang mga tuhod ko sa labis na tensiyon. Hanggang sa huling sandali ay nagtatalo ang isip ko kung tama ba ang naging pagpayag kong gawin ang mga nakasulat sa listahan ko. Pero pagpasok namin sa cottage, isang magaan na haplos lang ni Martin sa braso ko ay parang nabuhay ang lahat ng sensory receptors sa katawan ko. Isang titig lang niya, kumalat na ang kuryente sa mga ugat ko.

Nakakahiya man aminin pero may antisipasyon akong nararamdaman. I am aroused by the idea of fulfilling my darkest, most erotic fantasies.

Ni hindi kami nagpalit ng tuyong damit. Umupo siya sa divan, hindi inaalis ang tingin sa akin. Ako ay nanatiling nakatayo sa gilid ng kama niya. Tumutulo sa sahig ang tubig na mula sa basang damit ko.

"A-anong gagawin ko?" mahinang tanong ko.

"Strip," mahina ngunit pinal na sagot ni Martin.

Liquid fire run through my veins with that simple command, making the tips of my breasts perk up and my womanhood clench.

Pilit kong kinontrol ang aking paghinga at sa nanginginig na mga kamay ay itinaas ang laylayan ng suot kong summer dress, dahan-dahan, hanggang sa mahubad ko iyon. String bikini na lang ulit ang saplot ko sa katawan. Lumunok ako at hinawakan ang string ng bikini top ko. Isang hatak ko lang doon ay mawawalan na ng harang ang dibdib ko. Nag-alangan ako, naglaro ang mga daliri sa string.

"Take that off, Joy," utos ni Martin.

Nahigit ko ang paghinga at tuluyang kinalas ang pagkakabuhol ng bikini top ko. Lumuwag iyon. Inilagay ko ang isa kong braso sa ilalim ng dibdib ko para hindi iyon tuluyang mahulog dahil hindi pa ako handang ipakita sa kaniya ang kahubdan ko.

Malamlam ang ilaw sa loob ng cottage. Para bang sinadya para sa mga sandaling katulad ngayon. Sa kaunting liwanag ay nakita kong kumislap ang mga mata ni Martin at bahagyang kumilos mula sa kinauupuan. Akmang gagalaw ako pero itinaas niya ang kamay para pigilan ako.

"Bakit?" kabadong tanong ko.

"Let me look at you for a second longer. That's sexy," anas niya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik, nagtagal sa aking dibdib. May kislap ng paghanga ang kanyang mga mata. Bumaba rin ang tingin ko sa tinitingnan niya. Dahil naiipit ng braso ko ang dibdib ko ay nagkadikit at namimintog ang mga puno niyon. Habang ang mga tuktok, kahit natatakpan ng tela ng bikini top ay parang wala rin namang takip dahil nakabakat. That's how pebbled and hard my nipples are.

Uminit ang pakiramdam ko. Kahit na sa likod ng isip ko ay baka sinasabi lang niya iyon para sakyan ang erotic fantasy na isinulat ko sa papel ay hindi ko pa rin maiwasang maapektuhan ng paghanga niya.

Maya-maya ay kumilos ulit siya sa pagkakaupo, sumandal sa pader at ibinalik ang tingin sa mga mata ko. "Continue."

Hindi ko inalis ang pagkakatakip ng braso ko sa dibdib ko. Sa halip ay pinaglakbay ko ang malaya kong kamay sa tiyan ko, pababa sa balakang ko, pababa pa sa nakabuhol na string ng bikini bottom na suot ko. Naglaro ang mga daliri ko roon, bago dahan-dahang kinalas ang pagkakabuhol hanggang sa lumuwag iyon pero hindi sapat para mahulog sa sahig. Narinig ko ang paghigit ni Martin ng hangin.

Katulad kanina nang lumusong siya sa tubig noong nasa Lover's Pool kami ay nagkaroon ako ng tapang. The sense of power I felt at the pool came back to me. I feel so sexy and erotic. At dahil iyon sa matiim na titig niya sa akin na para bang gusto niya akong dakmain pero pinipigilan ang sarili. Ni hindi siya kumukurap. Na para bang sinisigurong wala siyang makakaligtaan.

PATIENT X (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon