Chapter Sixteen (warning:SPG)

44.8K 628 64
                                    

NAPALUNOK ako nang simulang paghiwalayin ni Martin ang tali na hawak niya. Parang gustong tumalon ng puso ko sa lalamunan ko kaya wala sa loob na napahawak ako sa leeg ko habang pinagmamasdan ko siya.

He picked up one of the coils of rope. "Why don't you lie down on your side while I restrain you? I want to make you as comfortable as possible."

Kumilos ako para humiga patagilid sa kama. Napansin ko na nakatitig sa akin si Martin, tila nababato-balani habang pinapanood ang bawat kilos ko. Kumurap lang siya nang mahuling nakatingin ako sa mukha niya.

"Okay," sabi niya sa tinig na para bang halatang pinakaswal. Saka siya lumapit sa akin at lumuhod sa bandang paanan ko. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya na humaplos sa mga binti ko, pababa sa mga paa ko. Bumaba ang tingin ko para pagmasdan siya habang nakaluhod paharap sa paanan ko. Napasinghap ako nang maingat niyang ipag-krus ang mga binti ko at simulan niyang ipaikot sa mga sakong ko ang tali. "Makinis at malambot ang tali, pero sabihin mo pa rin sa akin kung masyadong mahigpit."

Lumunok ako at tumango. Mahigpit ang ginagawa niyang pagtali pero hindi sobra na masakit na iyon sa balat ko. Maya-maya pa ay natapos na niyang ipaikot ang tali sa sakong ko hanggang sa kalahati ng mga binti ko. Napatitig ako sa ginawa niya.

Tama si Martin. Seeing the contrast of the black, winding rope and my pale, smooth skin feels electrifying. I can feel the tip of my breast reacting. And yet, a part of my mind goes back in another time, when another man tied me until the pain is unbearable.

Nakuyom ko ang mga kamao ko nang maalala ko ang ilang beses kong pagmamakaawang alisin ni James ang pagkakatali ng mga paa at kamay ko. Kung gaano ako umiyak at natarantang itago ang bakas ng gasgas at tuklap ng balat sa palapulsuhan ko kapag pumapasok ako sa trabaho kinabukasan. Nanlamig ako nang maalala ang mga iyon at hindi ko napigilan ang panginginig ng katawan ko.

Kikilos na sana ako palayo kay Martin nang dumapo ang magaan niyang halik sa mga talampakan ko. Napaigtad ako at nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kaniya. "A-anong ginagawa mo?"

Sinulyapan niya ako pero hindi inilayo ang mukha sa balat ko. Katunayan ay umakyat na ang halik niya sa bahagi ng sakong ko na hindi natatakpan ng tali. "Erasing the sensations and the traumatic memories imprinted in your skin," anas niya sa pagitan ng pagdampi ng kanyang mga labi.

Umawang ang mga labi ko dahil parang nabasa na naman niya ang tumatakbo sa isip ko. Umakyat pa ang mga labi niya, nag-iiwan na ng mainit at magaan na halik sa mga binti ko, may hatid na kiliti sa balat ko. Kung kailan akala ko ay aakyat pa sa mga hita ko ang halik niya ay tumigil siya at tumayo.

Tiningala ko siya nang lumapit naman siya sa mismong harapan ko at saka lumuhod kaya halos nasa harap na siya ng dibdib ko.

My nipples suddenly ached with his nearness, craving for his touch and for his lips. Pero sandali lang iyong tiningnan ni Martin bago nag-angat ng tingin sa mukha ko. "Kailangan ko din itali ang mga kamay mo."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at inilahad sa harap niya ang magkadikit kong mga kamay. Sandaling napatitig siya sa mga labi ko, bago tila naalala kung ano ang ginagawa na binawi ang tingin. He tied the rope around my wrists firmly, up to my lower arms.

Muli ay may dumaang alaala sa isip ko pero dagli iyong napalis nang katulad ng ginawa niya sa mga paa at binti ko ay dinampian din niya ng magaan na halik ang mga palad ko, maging ang dulo ng mga daliri ko, papunta sa likod ng mga kamay ko, paakyat sa mga braso ko. May nanulas na ungol sa bibig ko nang tumama ang buhok niya sa dibdib ko, nakakakiliti at nakakakuryente. Parang may sariling isip ang katawan ko na lumiyad upang lalong mapalapit sa kaniya. Pero matapos ang huling dampi ng halik sa mga siko ko ay umatras palayo si Martin hanggang sa tumayo. Hindi ko naitago ang pagkadismaya sa pagdistansya niya.

PATIENT X (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon