Sa klase,habang nagtuturo yung teacher namin ay may biglang kumausap kay Gem..
"Ah excuse me may extra pen ka pa ba dyan?" tanong ng isang babae kay Gem.
"Ah ako? wala na eh,ikaw Lucky?" sabi niya sa akin sabay tapik
"Ah meron ito oh" sabay abot ko sa kanya nung ballpen
"Ay thank you so much! I forgot mine kasi eh"
"Walang anuman" Nakangiti kong sabi.
Pagkatapos ng klase ay resess na,palabas na sana si Gaby ng pintuan nang pigilan ko siya..
"Ah Gaby sandali lang"
"Bakit?"
"Kakain ka na ba?" tanung ko ulit
"Malamang resess na diba? ano bang ginagawa pag resess kumakain diba?"
"Oo nga,sabay na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Dyan ka na nga,nagugutom na ako" sabi nya sabay alis.
"Hay..." pagbubugtong-hininga ko.
"Tayo na lang magsabay gusto mo?"sabi ni Gem
Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya nang papaalis na sana kami ay..
"Hey! wait!"
Nilingon namin kung sino yun,siya pala yung babaeng nanghihiram ng ballpen kanina.
"Ano yun?" sabi ko
"Thank you nga pala kanina sa pagpapahiram ng ballpen sa akin ha"
"You're Welcome"
"Ito na oh thank you talaga!" sabay abot ng ballpen sa akin.
"Ah hindi na ok lang,wala kang gagamitin mamaya kaya sayo na lang yan at isa pa dalawa naman yung extra pen ko eh kaya ok lang"
"Thanks talaga nakakahiya naman nakalimutan ko kasi eh"
"Ok lang yan"
"Ah ako nga pala si Katherine Acel Y. Enriquez, Kaye nalang"
(A/n: Yung Kaye is pronounce as 'key' ok? yun lang!)
"Ang haba din pala ng name mo?"sabi ko
"Oo, bakit ikaw din ba?"
"Ah oo Lailani Unice Courtney K. Yllana, Lucky for short...oh diba ang haba?"
"Ay ang galing naman! may similarities pala tayo so maybe we can be friends? wait no! can we be bestprends?" sabay taas-baba ng kilay nya.
"Besprends? haha what a term"
"So ano na?" sabay abot ng kanyang kamay sa akin at agad ko namang tinugunan ito.
"Tara! kain na tayo?" masayang tanong ni kaye.
"Sige tara na"
Sa canteen pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay umupo na kami sa isa sa mga tables doon,habang kumakain kami ay may biglang dumating na isang babae at lalaki. Nakita ko na parang papunta sila sa table namin,agad namang tumayo sa Kaye at sinalubong sila.
BINABASA MO ANG
MY UNLUCKY GIRL [COMPLETED]
Teen FictionA story of an unlucky girl,who becomes lucky when she found her true love..,magiging maayos kaya ang lovelife mo kung puro kamalasan ang nangyayari sayo?lalo na kung inlove ka sa bbf mo o boy bestfriend mo.Swertehin ka na kaya sa pagkakataong to!?. ...