(Lucky's POV)
Magsisimula na ang laro 'kinakabahan ako,tama ba ang gagawin ko?' dalawa ang ginawa kong no.1 sign isa ay may pangalan ni Gem at ang isa naman ay may pangalan ni Gaby,kinakabahan ako na baka magtampo si Gem dahil dalawa silang ginawan ko ng no.1 sign 'anong gagawin ko?, o mas dapat na sabihin ay gagagwin ko ba? o hindi?'
Nagbigay na ng hudyat para simulan ang laro,first quarter lamang ang kabilang school pero bumawi naman sila sa second, nung third naman dikit ang laban hanggang sa lumamang ng 20 ang kabilang school sa fourth quarter 'ang lakas nila,anong nangyayari kay Gem? ay! oo nga pala hindi ko pa nagagawa yung sinabi nya sa akin,kaya malamang hindi nya pa alam na nandito ako,gagawin ko na ba? pero kanino ang itataas ko? bahala na!'
Kinuha ko at itinaas yung no.1sign ni Gem,at alam kong nakita nya yung dahil maging si Gaby ay nakita din yun 'si Gaby,magagalit kaya sya sa akin kung itataas ko yung sa kanya?' bigla kong naalala yung sinabi ni manang sa akin..
{"Oo naman noh! pwedeng pwede diba pareho mo naman silang kaibigan?"}
'Oo nga noh? wala namang masama dahil pareho ko silang kaibigan,tama! gagawin ko na!' itinaas ko na din ang no.1 sign ni Gaby pero hindi nya nakita dahil naging busy sya sa laban nila 'pero ok lang at least, ginawa ko ^_^' kapansin-pansin ang naging pagbabago kay Gaby, parang galit sya sa bola at parang ayaw nya na tong bitawan,nahabol na nila ang lamang ng kabilang school..
Kahit na injured ang MVP nila na si Dice, parang si Gaby naman ang pumalit sa kanya 'may kakaiba kay Gaby ngayon parang may halong panggigil ang laro nya,dahil ba yan sa eagerness nya na manalo o may iba pang dahilan?'
Para syang nag-aapoy sa gitna ng court,natapos na ang laro at panalo ang school namin at MVP si Gaby, bagamat hindi naging MVP si Dice ngayon dahil injured sya,best player naman sya at si Gem naman ay rookie :) pinuntahan ko agad si Gem para icongratulate..
(a/n: hello there readers pasensya na po kung masyadong mahaba yung mga explanations ha!? tyaga tyaga lang po muna sa pagababasa ^_^ hihihi )
"Gem! Congrats!"
"Rookie nga lang eh!"
"Okie na yun! big achievement narin yun para sayo! :) I'm so proud of you!"
"Talaga? proud ka sa akin?"
"Oo naman noh!"
"Kung ganun hug atsaka kiss naman dyan oh!"
"Hug at kiss mo yang mukha mo!"
"Joke lang! hug nalang? o ba pati yan ipagdamot mo pa? :D"
"Hmm.. sige na nga!"
Niyakap ko si Gem at kasabay nun ay nakita ko si Gaby na pinapalibutan ng maraming tao marahil ay natutuwa sya sa nakukuha nyang atensyon ngayon, bumitaw na ako sa pagkakayakap ko kay Gem...mayamaya pa ay biglang tinawag ni Mae si Gem.
"Hey Gem! may celebration daw mamaya sabi ni coach! sumama ka ha?! pupunta ang lahat,magdala ka ng kasama kung gusto mo!"
"Ah oo sige!"
"Lucky gusto mong sumama?"
"Ah eh? bakit ako?"
"Sige na! pangthank you ko na to sa ginawa mo sa akin kanina! sige na sumama ka na please!?"
"Si-sige pero bawal akong magpagabi"
"Oo Hindi Ka aabutin ng hating gabi dun promise!"
BINABASA MO ANG
MY UNLUCKY GIRL [COMPLETED]
Teen FictionA story of an unlucky girl,who becomes lucky when she found her true love..,magiging maayos kaya ang lovelife mo kung puro kamalasan ang nangyayari sayo?lalo na kung inlove ka sa bbf mo o boy bestfriend mo.Swertehin ka na kaya sa pagkakataong to!?. ...