Unlucky 35: Surprise Party

488 20 0
                                    

Umuwi na kami pagkatapos ng camping sabado ngayon kaya walang pasok 'teka anong araw na nga ba ngayon? December 11 na pala?! at birthday na ni Gaby bukas? at sa susunod na araw ay birthday ko na'

December 12 ang birthday ni Gaby at ako naman December 13,ang malas nga ng birthday ko kasi 13 pa tuloy minsan natatapat sa Friday the 13th -_- Magpapaparty kaya sila?

Mayamaya pa ay may biglang nagdoorbell..

[Ding Dong!! Ding Dong!!]

Binuksan ko ang pinto, si Tito Alvin pala pinatuloy ko muna sya at nag-usap kami sa sala..

"Bakit po kayo nandito Tito?"

"Alam mo naman siguro Lucky na bukas na yung birthday ni Gaby"

"Opo,alam ko po bakit po ba Tito? may maitutulong po ba ako?"

"Oo sana nagmamadali na sana kami para sa preparations, at nagbabalak kami ng isang surprise party for Gaby at gusto ko sanang hingin ang tulong mo?"

"Sige po! Ano po ba ang maitutulong ko Tito!?"

"Ikaw lang ang magdadala sa kanya sa bahay kapag ready na yung surprise bukas,ok ba yun?"

"Oo naman po! basta po para kay Gaby!"

"Salamat Lucky! talagang napakabait mo,nga pala kumusta ang pakikitungo nya sayo? ganun pa rin ba?"

"Opo pero ok lang po yun it's my fault kung bakit ganun sya sa akin"

"Hindi mo kasalanan Lucky,si Ysabel ang may gustong ilihim mo yun,wala kang naging kasalanan ok? so stop blaming yourself ok?"

"Yes Tito"

"Good,nga pala diba sa makalawa kaarawan mo na rin,may balak ba kayo?"

"Siguro po,magsecelebrate nalang kami ni Mama sa labas"

"Ganun ba? hindi kayo magpaparty?"

"Wala naman pong isesecelebrate eh! ordinaryong araw lang naman din yun ang kaibahan lang ay nadagdagan nanaman ng isa pang taong ang edad ko"

"Ganun ba,sige! asahan kita bukas ha?!"

"Opo Tito!"

Umalis na si Tito at sakto naman bumaba si Mama galing sa kwarto nya..

"Si Tito Alvin mo ba yun?"

"Opo!"

"Ano daw ang kaylangan nya? may problema ba?"

"Wala po ma! humingi lang po nga tulong sa akin si Tito"

"Tulong?Para saan?"

"Para sa birthday ni Gaby"

"Oo nga pala bukas na yung birthday ni Gaby no?"

"Opo!"

"Ikaw anong gusto mong gawin natin sa birthday mo sa makalawa?"

"Kumain nalang po siguro sa labas Ma! gusto ko pong makasama ang babaeng dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa araw na yun!"

"Anong nakain mo at napakasweet mo ngayon?"

"Wala po ma! gusto ko lang sulitin ang araw na kasama ko pa kayo!"

"Bakit aalis ba ako?"

"Hindi po! pero gusto ko lang talaga kayong makasama!"

"Asus! halika nga! payakap!"

Lumapit ako kay Mama at binigyan nya ako ng isang mahigpit na yakap..

'Tama habang may pagkakataon at oras pa,dapat ng sulitin ang mga oras nakasama mo pa ang mga taong mahal mo,life is to short kaya dapat na ienjoy ang mga araw nanandyan pa sila sa tabi mo'

Big day bukas para kay Gaby paghahandaan ko talaga ang araw na yun!

         ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

MY UNLUCKY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon