Unlucky 20: New Bestfriend

390 15 0
                                    

(Gaby's POV)

Hinatid ni Gem si Lucky sa kanila at masayang masaya sya 'dapat ba akong magsorry sa kanyamukhang hindi na kailangan' pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na si Gem..

"Gaby!"

Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Gem ang pangalan ko..

"Lumabas ka na dyan! alam kong kanina mo pa kami pinagmamasdan"

"A-ako!? hindi ah!"

"Kung hindi mo kami pinagmamasdan anong ginagawa mo dyan sa halamanan"

"May hinahanap lang ako"

"In denial ka nanaman! bakit ba galit ka kay Lucky!? ano bang nagawa nya sayo? pinahihirapan mo sya!"

"Wala kang pakiaalam! dahil wala kang alam!"

"Oo wala nga akong alam,pero isa lang ang alam ko sumusobra ka na! bakit mo pinahiya si Lucky!? dahil nagseselos ka!? ganun ba? o dahil natapakan yang pride mo dahil sa ginawa ni Lucky?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan!"

"Hindi mo ako maintindihan dahil makitid yang utak mo at bulag ka! bulag ka Gaby! alam ko kung bakit ka nagalit kay Lucky dahil akala mo hindi nya itinaas ang ginawa nyang no.1 sign para sayo, tama ako diba.?"

"Ewan ko sayo! Hindi ko alam yang sinasabi mo!"

"Nung araw na pareho tayong nasa bahay ni Lucky,hindi ka talagang tulog nun hindi ba? at marahil ay narinig mong may balak si Lucky na gawan ka rin ng sign kaya nung nagkita tayo kinabukasan napakalaki ng kumpyansa mo sa sarili mo"

"Oh eh ano ngayon?! masaya ka na?! ngayon na napatunayan mo na talagang sayo ang Lucky charm na sinasabi mo?"

"Hindi sa akin si Lucky at walang kahit sino ang nagmamay-ari sa kanya maging ikaw kaya hindi mo sya pwedeng gawing puppet na pwedeng sumunod sa kung anong gusto mo"

"Para saan pa ba ang usapan na to?"

"Alam mo ba na itinaas din ni Lucky ang no.1 sign na ginawa nya para sayo?"

"Ano?"

"Tama ang dinig mo itinaas nya ang ang para sayo,mas nauna lang nyang naitaas yung akin dahil nagdadalawang isip pa sya kung itataas nya ba yung sayo o hindi,dahil iniisip nya ang muna kung matutuwa ka ba o hindi"

"At bakit nya naman iisipin yun!?"

"Dahil ayaw nga na magalit ka dahil sa bawat gagawin nya magandang man o hindi lagi mo nalang syang pinagagalitan,sinisigawan o iniiwanan, gaya ng nararamdaman nya nagdadalawang isip sya dahil baka mawala ka sa kanya"

"Anong nararamdam?"

"Alam mo hindi ko alam kung manhid ka o tanga eh!"

"Sabihin mo nalang kasi!"

"Mahal ka nya! bobo ka ba!?"

'Mahal ako ni Luckypero kaylan panaguguluhan ako'

"Ngayong alam mo na ano na ang susunod mong gagawin?"

Pagkasabi nya nun umalis na lang sya at iniwan nya akong gulong gulo 'isa lang ang magagawa ko sa ngayon,kaylangan kong humigingi tawad sa kanya'

MY UNLUCKY GIRL [COMPLETED]Where stories live. Discover now