Saved

431 21 14
                                    

"Sigurado ka ba sa katulong na yan?"

"Anu ba, sigurado ako na siya yung pinapahanap ni Boss"

"Taas nga ng halaga niyang katulong na yan eh"

"Sigurado ka bang katulong lang 'to? Bakit parang bigtime 'to?"

I heard voices.

"Wala na tayo dun. Pagkabigay natin dito sa babaeng 'to, labas na tayo sa usapan. Wala na tayong pakialam sa babaeng 'to"

Ugh. There's still a tingling sensation on my neck.

"Basta malaki ang pera dito ha"

Wait. What are they talking about? What the heck? What happened to me? I tried to open my eyes but everything is still black. I am blindfolded!

"Oh, looks like she's awake" 

I can hear footsteps coming. When that person stopped from walking, he lifted my chin and said something to my ear "You're pretty"

"Get off of me!" sinabi ko habang sinubukan kong magpumiglas. But I realized that my hands and legs are tied on the chair.

"What the hell! Get off of me!" I shouted once more.

"Easy on her" sabi ng isa. "Hindi natin siya pweding galawin. Remember?"

"Okay, hands-off!" sigaw ng lalaki.

"Oy ikaw, Tao, kanina ka pa walang kibo ah"

Mukhang tatlo nga ang kidnappers ko. Damn! Ang sakit ng pagkakagapos nila sa kamay at binti ko. Nakakainis! Wait, did I heard it right? Tao? Who the hell is he? Ano bang kailangan nila sa akin?

"Ano bang kailangan ninyo? Bakit niyo ako kinidnap?" I shouted.

"Tss. Secret"

Nagtawanan sila. Aba't seyoso akong nagtatanong! Kapag nalaman ng dad ko na kinidnap niyo ako, malalagot kayo! Kayang- kaya niyang ipakulong kayo! Ano ba, kinidnap niyo ba ako para sa pera?

"Magkano ba?" sabi ko.

"Magkano?"

"Babayaran ko kayo, palayain niyo lang ako"

"Weh, seryoso ka ba?"

"Kaya ko kayong bayaran!" sigaw ko.

Seryoso naman ako diba? Kaya ko kayong bayaran! I can buy you, you're friends and this whole fcuking... wait. Relax, okay, relax. Hindi naman ako si Anne Curtis. Okay, chill.

But damn, I want to get out of here, why won't they just tell me kung magkano ang kailangan nila ng makalaya ako? Magkakagulo pa pag nalaman ni Dad ang tungkol dito!

"Haha ikaw? Katulong ka lang kaya! Mahihigitan mo ba ang trenta-mil na ibibigay nila sa amin?"

Ano?

Teka. Okay, I know that I am wearing a maid's uniform, but hey, they really thought that I am a maid? Ibig sibihin, hindi nila alam na ako si Sujichin Rika Sato, anak ng presidente ng Illumina Group of Companies?

Eh bakit nila ako kikidnapin? Kung ang tingin nila sa akin ay katulong LANG.

"Bakit niyo ba ako kinidnap, eh hamak na katulong lang ako?" singhal ko sa kanila.

"Aba malay namin. Trenta-mil halaga mo kaya talagang kikidnapin ka namin. Malay ba namin na ang dali mo lang kunin. Haha!"

Wow, thirty thousand lang? Gawin niyo pang milyon! Ang cheap naman ng nagpakidnap sa akin. Siguro kaya pumayag 'tong mga gagong 'to sa thirty thousand kasi nangangailangan talaga sila. Pagbigyan na nga.

Real World: Underground SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon