Threat

283 13 10
                                    

Sato's Residence | Quezon City, Philippines

"We found the car, Sir. It was parked at the nearest mall, here in the city"

"Where is Rika?"

Hindi nakaimik ang sekretarya ni Mr. Sato na si Carin Go. Henry Sato is waiting patiently for her answer. But as the deafening silence went on, he clenched his fist and punched the table.

"Ang sabi ko, nasaan ang anak ko!" he shouted.

"Sir, hinahanap na namin si Miss Rika" sagot ni Carin "We checked the CCTV cameras in the parking lot, pero sinira ito. Ang nakita lang ay ang pagpasok ng kotse ni Miss Rika. The rest, it wasn't recorded"

Henry touched the temples of his head and shouted "Find my daughter!"

His hands reached for the chair as he sat. "And check kung sino ang nagpadala ng sulat na 'to"

Kinuha ni Carin ang sulat mula sa kamay ng kaniyang amo.

"Natatakot akong baka kinidnap ang anak ko" Henry gritted his teeth.

[She's in good hands, your beloved daughter. But don't you dare betray us or else, you'll get your biggest nightmare]

"This is a threat, Sir" sabi ni Carin "I'll find out who send this to you"

"Dapat lang" sabi ni Henry "Baka kung napaano na ang anak ko"

"Ibabalita ko na ba ito sa media? Ipapaalam ko na ba ito sa pulis?" tanong ni Carin.

"No, Carin. Wag muna" sagot ni Henry "Kung nadukot nga ang anak ko, kapag kumalat ang balita, baka saktan nila si Rika"

Biglang may kumatok sa pinto ng office ni Henry. Pagkabukas ng pinto ay dumating si Ren, ang personal maid ni Rika. Tila matamlay ito na kinakabahan.

"Pasok" sabi ni Henry.

Dahan-dahan naman na naglakad si Ren papalapit kay Henry.

"Ikaw si Ren, tama?" tanong ni Henry. "Opo" sagot ni Ren.

"Ikaw ang nagaalaga sa anak ko, tama ba?"

"Opo"

"Pero bakit nawala ang anak ko?"

"S-s-s-sir"

"At isa pa, nakita ko sa CCTV ang ginawa ninyo. Pumunta si Rika sa Maid's room. Anong ginawa niya duon?"

Nakakagat labi si Ren habang nag-iisip. Magsisinungaling ba siya o magsasabi siya ng totoo? Ito ang gumugulo sa isipan niya ngayon.

"Akala niyo ba na hindi ko mahahalata? Alam kong pinatakas mo siya. Alam ko na ang nakasuot na pang-maid ay ang anak ko" sabi ni Henry "Kaya magsabi ka na lang ng totoo, kung ayaw mong tuluyan kitang paalisin sa mansyon ko!"

"Sir, sorry po! Hindi ko naman po alam na di siya babalik! Akala ko lalabas lang siya ng saglit. Tinulungan ko po siyang lumabas. Binigyan pa nga niya ako ng cellphone para ma-contact siya. Sorry po wag niyo po akong palayasin s-"

"Thanks to you, nakidnap ang anak ko!" sigaw ni Sato.

Nagulat si Ren sa narinig niya "Nawawala si Rika?"

"How dare you call Miss Rika just by her name?" tanong ni Carin "Sorry, I mean, Miss Rika" pinukpok ni Ren ang sarili gamit ang kaniyang kamay.

"Anong sinabi mo kanina? Cellphone? May dala bang kahit ano ang anak ko?”

“’Sa pagkakatanda ko po, dala niya yung isa pa niyang cellphone, Sir” sagot ni Ren.

“Carin, track her phone” utos ni Henry.

Real World: Underground SocietyWhere stories live. Discover now