PNL 2 Heartbeat

7.6K 318 48
                                    

First day of school ngayon bilang last term ko na sa high school. Malapit na akong makalaya sa mga pang-aalipusta at panunukso nila sa akin.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Kailangan kong magdiwang! Pero hindi pa ngayon dahil masyado pang maaga, siguro kapag naka-graduate na ako. Malaking karangalan iyon para sa akin at pati na rin sa mga magulang ko. Tiyak na matutuwa sila.

Hindi ko nga pala nasabi sa inyo na last year ay ako ang Top 1 sa klase kaya ngayon ay may posibilidad na ako ang maging Valedictorian kaya dapat ko pang pagbutihan ang aking pag-aaral. Kailangan maging determinado ako lalo na ang inspirasyion ko ay ang pamilya ko.

Naglalakad na ako ngayon patungo sa aking paaralan. Malapit lang naman kasi 'yung school ko sa bahay namin. Aabutin ako ng 20 minutes sa paglalakad kaya maaga akong pumapasok para hindi ako ma-late.

Sayang din naman 'yung pera ko kung mamamasahe pa ako kaya iipunin ko na lang para makabili ako ng bagong damit at sapatos sa aking graduation.

Mahirap talagang maging mahirap dahil marami kang dapat isakripisyo lalo na pagdating sa pera. Kailangan naming magtipid at pagkasyahin ang perang mayroon kami kaya ako ay nagsisikap sa pag-aaral dahil pangarap kong makatapos ng pag-aaral at maiahon sa kahirapan ang pamilya ko.

Pagkarating ko sa paaralan ay pagod na pagod ako at tumatagaktak ang pawis na nagmumula sa aking mukha at katawan. Kaya ang solusyon ko diyan ay nagdadala ako ng malaking bimpong pamunas at para ma-refresh ako ay lagi akong may dalang pamaypay.

Ang hirap ng kalagayan ko 'no? Pero panandalian lang ito konting tiyaga na lang at makakaraos din kami rito. Gano'n talaga e, kailangan ko lang magtiis para makasurvive ako rito.

Ngayong fresh na ulit ako ay tinungo ko na ang aking silid-aralan.

Sa aking paglalakad ay bigla na lang may tumulak sa akin sa may likuran kaya na-out of balance ako ay napadapa sa sahig.

"Iyan ang nababagay sayo panget! Panget ka na nga, manang ka pa! Hahaha!" sabi ng ka-schoolmate kong si Nina.

"Dapat kasi ay nagdrop ka na! Hindi ka na nahiya! Inirarampa mo pa yung panget mong mukha sa school na ito! Pwes, kung wala kang hiya, mahiya ka naman sa paligid mo! Hahaha!" sabi naman ng alipores ni Nina na si Belle.

Ang sasama talaga nila. Lagi na lang nila akong ginaganito. Naku, kung panget lang ang ugali ko ay kanina ko pa sila pinatulan. At dahil ayoko ng gulo ay hindi ko na lang sila pinansin.

Tumayo ako sa aking pagkakadapa at iniwanan sila roon. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ay bigla namang may humila sa buhok ko.

"Yuck! Buhol-buhol ang buhok mo tapos ang lagkit pa," sabi ni Nina sabay bitaw sa pagkakasabunot sa akin.

"Ano tinitingin-tingin mo riyan? Lalaban ka? Sige gawin mo! Tingnan natin 'yang tapang mo!" giit ni Nina habang nakahalukipkip siya.

"Ano?! Wala ka pala e! Lumapit ka nga rito para matikman mo 'yung sampal ko," ani pa niya habang ginagalaw ang kaniyang hintuturo as a sign na lumapit ako sa kaniya.

Kapal talaga ng mukha ng babaeng ito, akala mo naman maganda e tadtad naman ng kolorete ang mukha. Inutusan pa talaga akong lumapit sa kaniya para sampalin niya. Ano ako, tanga? Para lumapit sa kaniya? No!

"E kung ikaw kaya ang lumapit sa akin para matikman mo 'yung sampal ko?" sambit ng babae sa likuran ko.

Pagtingin ko ay si... Joy! My bestfriend! Mabuti na lang at dumating siya kung hindi ay pinatulan ko na 'yung babaeng ito. Kaya nagtatakbo ako palapit sa kaniya.

"Tara lumapit ka sa akin para magkaalaman na kung sino mas malakas sa atin," hamon ni Joy.

Matapang talaga iyan lalo na pagdating sa ganiyan pero hindi naman niya tinototoo 'yung mga sinasabi niya panakot lang kumbaga.

Tapos biglang nag-bell, ibig sabihin ay kailangan na naming bumalik sa aming mga classroom.

"Tandaan mo ito Joy, hindi pa tayo tapos sa pangingialam mo! may araw ka rin sa akin!" panggagalaiti ni Nina na nagngingitngit sa galit sabay alis kasama ang kaniyang alipores na si Belle.

Naglakad na kami patungo sa classroom habang nagkukwentuhan.

"Salamat Joy at dumating ka kung hindi baka sinampal na ako ng malditang iyon," bungad ko habang pinapagpag ang aking damit.

"Walang anuman 'no, bestfriend kita kaya ipagtatanggol kita. Ikaw kasi e, ayaw mong lumaban para mabigyan mo sila ng leksiyon."

"Masasayang lang 'yung oras at panahon ko sa babaeng iyon e. Spoiled brat kasi."

"O siya, nandito na tayo," segunda niya.

Pagkarating namin sa classroom ay naghiwalay na kami ni Joy dahil alphabetical yung seating arrangement namin. Saka ang layo naman ng H sa V 'di ba? Kaya iyon doon ako sa may likuran.

Dumating na ang aming teacher kaya tumahimik na ang loob ng classroom.

"Okay class, mayroon kayong bagong kaklase kaya sana makitungo kayo sa kaniya nang maayos. Sige pumasok ka na hijo," sabi ni Ma'am.

Wait Hijo? Ibig sabihin ay lalaki yung new classmate namin? Malamang wala iyang pinagkaiba sa mga kaklase kong lalaki.

Pagpasok niya ay nagsigawan 'yung mga kaklase kong babae dahil sa gwapo ito.

Naku, por que gwapo lang kinilig agad?

"Magandang umaga sa inyong lahat mga kapwa ko mag-aaral. Ako si Terrence Jake Santillan. Maaari niyo akong tawagin sa aking palayaw na TJ. Sana'y makasundo ko kayong lahat," sabi niya sabay bow at ngiti na pamatay kaya nagsigawan na naman ang mga kaklase kong babae.

Akala mo lang ay mabait pero sa huli ay malalaman mo rin ang tunay na ugali niyan. Aba, pati si Joy ay nakikigaw? Pero bakit gano'n? May kakaiba akong naramdaman. Oh my heartbeat!

Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? May sakit na ba ako sa puso? Kailangan ko na bang magtungo sa clinic? Tell me...

"Okay Mr. Santillan, maaari ka ng maupo. Ikaw na ang bahala kung saan mo gustong maupo tutal marami namang vacant seat diyan," turan ni Ma'am.

"Okay po," tugon niya at nagpalinga-linga na sa paligid.

"Dito ka na lang sa tabi ko! Please!"

"Sa tabi ko na lang pwede?"

"Kumandong ka na lang sa akin!"

Aba, mukhang desperada talaga 'yung mga kaklase ko na makatabi siya at mayroon pa talagang gustong kandungin na lang siya.

Napatingin ako sa gilid ko at wait absent pala si Martinez? Ngayon ko lang napansin at nakita ko si TJ na papalapit sa pwesto ko...

"Miss, maaari ba akong maupo rito sa tabi mo?" aniya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi bakit gano'n? My heart beats fast kasi and I don't know what to say and react.

"O-oo p-pwede n-naman k-kaso m-may n-nakaupo na r-riyan a-absent l-lang," sabi ko habang nauutal.

"Absent naman pala e, hindi naman niya pag-aari ito kaya mauupo na ko," tugon niya at naupo na sabay ngiti sa akin.

Help! Para akong hihimatayin dito! Ang puso ko! Para akong aatakihin! Joy! Help!

★★★★★★★★

Word of God

It was right that we should make merry and be glad, for your brother was dead and is alive again. 

-Luke 15:32

Those who deserve love the least need it the most.

Pakisabi na LangWhere stories live. Discover now