PNL 8 Close?

3.8K 205 7
                                    

Nakakabanas talaga kasi nang dahil sa mga kaklase kong luko-loko ay hindi tuloy ako nakapasok ngayon. Sigurado akong may nagplano. O si TJ ang may kasalanan? Ewan! Nagugulumihanan ako! Basta dapat magpahinga na ako para makapasok na ako bukas. Marami tuloy akong lessons na mamimiss kaya ang maaari ko lang gawin ay magself-study.


Nang dahil sa palakang iyan! Hay, ang palaka pa naman ang pinakaayaw kong mahawakan kasi nandidiri ako sa itsura niya! Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako!


Boring naman kasi rito sa bahay at wala akong ginagawa. Si Itay at Kuya Diamond ay nagtatrabaho sa bukid si Ate Star ayon nagtitinda sa palengke at si Inay naman ay nagtatrabaho. Sabi ko ay huwag na siyang maghalf-day kaso mapilit wala raw akong kasama kaya uuwi siya mamayang tanghalian.


Opo, may sakit po ako ngayon! Nilagnat nang dahil sa palaka! OA ba ako masyado? Pero gano'n talaga e sakitin ako lalo na pagdating sa palaka.


Wala akong magawa rito sa amin dahil hindi ako pwedeng gumawa ng gawaing bahay tanging nakahiga lang ako dito sa may papag namin.


At maaari ko lang gawin ay mahiga. Heto ako ngayon at ngangarap ng pagkataas-taas. Gusto niyo bang malaman kung ano ang iniisip ko? Okay heto na...


Una ay iniisip ko ang magiging buhay namin someday kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Mairaraos ko na sa hirap ang aking pamilya, mayroon na kaming magandang tahanan, may sasakyan na, hindi na magtatrabaho sina Ina't at Itay, gayon din sina kuya at ate at higit sa lahat ay matatagpuan ko na 'yung taong magmamahal sa akin ng lubos.


O 'di ba napakatayog ng aking mga pangarap? Nothing is impossible naman in this world e basta magtiyatiyaga at magsisikap ka hanggang sa maging successful ka.


Sumagi rin sa isip ko si TJ. Kung okay lang ba siya. Iniisip ba niya ako. May gusto rin kaya siya sa akin. Basta! Kasi ngayon ay inaamin ko na sa sarili ko na mahal ko na siya dahil confirm na. Bago matulog siya ang iniisip ko pati sa panaginip ay siya pa rin. Tapos 'yung kalabog ng puso kong napakabilis, 'yung gusto ko siyang makita araw-araw para bang hindi kumpleto 'yung araw ko kapag hindi ko siya nakikita sa buong maghapon. Basta naadik na ako sa kanya!


Ano ba kasing pakiramdam ito? Masyado na akong nababaliw sa kaniya tapos kapag lalapit naman siya ay para akong tuod sa isang tabi na hindi makapagsalita dahil sobrang gwapo niya. Para akong matutunaw kapag nakikita kong nakatingin siya sa akin. Tapos nahihiya talaga akong kausapin siya, ok na sa akin na nakikita ko siya.


Hindi ko namalayan ang oras at tanghali na pala at parating na si Inay para pakainin ako at paunumin ng gamot. Kaya ko namang tumayo kaso medyo nahihilo pa ako kaya kailangang may mag-alalay pa sa akin.


"Tok! Tok! Tok!"


Malamang si Inay na iyan kaso bakit pa siya kakatok? Nakakapagtaka naman, hindi naman na kumakatok si Inay kapag umuuwi e.


"Pasok po Inay!" pahayag ko.


Pagbukas ng pinto ay bigla akong nanigas sa kinahihigaan ko habang nakanganga dahil hindi ako makapaniwala na pupunta siya rito sa amin! So unexpected! Bakit siya nandito?


"Pasensya na Heart kung sinorpresa kita at halatang nagulat ka sa pagdating ko," sabi ni TJ habang kinakamot 'yung ulo.


"O-okay l-lang h-hehe! Bakit ka nga pala nandito? 'Di ba may pasok ka?" tanong ko habang nauutal pa.


"Nagpaalam ako sa mga guro natin na hindi ako papasok sa afternoon class at narito ako dahil alam kong hindi ka pa kumakain kaya papakainin kita," sabi niya sabay pakita ng dala niyang pagkain na lugaw.


"Hindi ka na dapat nag-abala pa hehe, uuwi naman si Inay e," saad ko.


"Hindi ko pala nasabi sa iyo na hindi na uuwi 'yung Inay mo dahil sinabi kong ako na lang 'yung mag-aalaga sa iyo kaya pumayag naman siya at heto ako sa harapan mo ngayon para asikasuhin ka," paliwanag niya.


"Naku TJ, dapat ay nasa school ka e at hindi rito sa amin at inaalagaan ako. Isa pa, hindi mo naman ako responsibilidad para mag-abala pa." 


"Anong hindi? 'Di ba ako 'yung may kasalanan kung bakit ka nagkasakit ngayon? Kung hindi ko sana inilagay 'yung palaka sa may table ay hindi ito tatalon sa iyo at hindi ka magkakasakit. Ibig sabihin kargo de konsensya kita! E paano kung mas malala pa 'yung nangyari sa iyo?" tanong niya.


"TJ huwag ka naman masyadong OA diyan, masyado mo akong pinapaligaya, sige na at pakainin mo na ako," turan ko.


"Okay, akala ko hindi kita mapapasaya e. Saan nga pala 'yung kitchen ninyo?" 


"Doon o!" turo ko.


At tinungo na nga niya ang kitchen namin at inayos na yung pagkain para pakainin ako.


Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa amin ngayon at inaalagaan ako. Masyado naman yata siyang concern sa akin? Hindi kaya---? Hay naku Heart huwag kang mag-assume.


Bumalik na siya at saka ako pinakain. Nagkaroon na naman kami ng bonding moments! Hindi ako makapaniwala na dadalawin ako at aalagaan ng taong hinahangaan ko, at mahal ko. Ganito pala 'yung joy na naidudulot ng pagmamahal 'no? Hindi ko maipaliwanag basta napakamisteryoso ng pag-ibig.


Pero maaari ko bang sabihin na close na kami? Mahirap kasing mag-assume at mag-pretend. Oo siguro kaibigan pero 'yung mas hihigit pa doong closeness ay hindi ko alam.


★★★★★★★★


Word of God

Whom He foreknew, He also predestined to be conformed to the image of His Son. 

-Romans 8:29

The road to Christlikeness will take you through the valley of suffering.

Copyright © risingservant 

Pakisabi na LangWhere stories live. Discover now