PNL 3 First Crush

6K 275 36
                                    

Hindi ko maipaliwanag kung ano nangyayari sa akin. Basta, ang alam ko ay para akong kinakabahan kaya parang sasabog na itong puso ko sa bilis ng pagtibok.


"Hello Miss, mukhang pagod na pagod ka a. Saan ka ba galing? Tingnan mo o, tumatagaktak na 'yung pawis mo sa mukha," bungad niya sabay turo sa aking mukha.


Oo nga, pawisan na ako. Kaya dali-dali kong kinuha 'yung panyo sa bulsa ko. Kaso, mukhang nawawala pa kaya no choice kung hindi kakamayin ko na lang.


"Hindi mo ba makita 'yung panyo mo? Heto o, gamitin mo muna 'yung sa akin," sabay abot ng panyo niya sa akin.


"No thanks, hahanapin ko na lang 'yung sa akin," pakipot ko. Akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko kaso pinigilan niya ako.


"Tutal, ayaw mo namang tanggapin, ako na lang magpupunas sa pawis mo," sabi niya.


Nagulat ako nang totohanin niya nga. Sinimulan niyang punasan ang aking noo pababa sa pisngi at inulit niya iyon sa kabila. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon. Hindi ba siya nasusuya sa mukha ko?


"O iyan fresh ka na ulit. By the way, sayo na itong panyo ko tutal may extra naman ako. At saka mukhang hindi mo yata makita 'yung panyo mo kaya isauli mo na lang sa akin iyan sa susunod na araw."


Wala naman akong choice kung hindi tanggapin iyon dahil may pawis ko na iyon. Tama siya, ibabalik ko na lang sa kaniya sa mga susunod na araw.


"Ako si Tj, ikaw? Ano ang pangalan mo?" tanong niya.


"A-a H-heart," tugon ko habang nakayuko.


"Nice meeting you Heart. Nice name," aniya sabay abot sa akin ng kaniyang kamay, para makipag-shake hands.


Inabot ko naman iyon at nag-shake hands kami. Nahiya naman ako nang kaunti dahil ang lambot ng kamay niya. Tapos 'yung akin ay napakagaspang dahil na rin sa paglalaba kaya binawi ko kaagad 'yung kamay ko.


"Sige makinig na tayo kay Ma'am kasi kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga kaklase natin nakakahiya," sambit ko at nakinig na sa aming guro.


"Okay."


After class ay nauna na siyang lumabas ng classroom na para bang nagmamadali tapos si Joy naman ay nauna na, kita na lang daw kami sa lobby dahil may pupuntahan pa raw siya. Malamang ang boyfriend niya iyon.


Pagkalabas ko ay hinarangan naman ako ng mga kaklase kong maaarte 'yung mga tumitili kanina tapos dinala nila ulit ako papasok sa loob ng classroom. Wala naman akong magawa dahil lima sila tapos isa lang ako kaya wala akong laban.


Kinaladkad nila ako papasok ng classroom at bigla akong inihagis, mabuti na lang at nandoon 'yung desk ng teacher namin kaya hindi ako nasubsob.


"Ikaw babae ka! Ang kati-kati mo talaga! Por que tumabi lang sa iyo si TJ ay nilandi mo na! Ang kapal talaga ng mukha mo!" sabi ng leader nila na dinuduro ako.

Pakisabi na LangWhere stories live. Discover now