PNL 14 Ano?

2.9K 167 9
                                    

He kissed me! Whaaa! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakarecover sa halik na iyon! Pagulong-gulong ako hanggang ngayon sa aking kama dahil hindi ko inakala na mahahalikan ako ng isang prinsipe na sa mga fairytale ko lang nababasa.


Akala ko rin ay madadala ako nito sa kumbento at magiging madre dahil sa itsura ko at inakala kong never kong maeexperience na matamo kahit isang gabi man lang ang pagiging prinsesa ko.


Ngayon, hindi ko na pala kailangang maging prinsesa dahil dumating na si prince charming ko. Assuming alert.


Smack kiss lang iyon pero halos mabaliw na ako sa kilig at tuwa paano pa kaya kung mas maigting pa roon? Mangarap daw ba habang gising.


Basta, this is the best day ever! Sana maulit muli.


Kinabukasan, maaga akong gumising para magsimba at nang ako'y makapagpasalamat sa Panginoon dahil wish granted. Mahalikan ko nga lang siya sa pisngi ay solve na e dahil sa sobrang bait ni Lord, sa lips pa talaga kaya solve na solve!


Pagkatapos ng misa ay minabuti kong umuwi kaagad. Sa aking paghihintay sa may sakayan ng jeep, isang matandang babae ang lumapit sa akin.


"Taga saan ka Ineng?" tanong nito na nasa bandang kaliwa ko. Sigro nasa 50+ na siya.


"A, diyan lang po Inang." Binagyan ko siya ng maganda at matamis kong ngiti.


"A, mukhang masayang-masaya ka a? In love?" biro ni Inang.


Hala, nakakahiya pala dahil masyado ko yatang naipapahalata ang aking nararamdaman.


"Tandaan mo Ineng, masarap magmahal lalo na kapag mahal ka rin ng taong mahal mo. Pero, kapag nasaktan ka, huwag mong isasara kaagad ang iyong puso para sa iba. Magmahal ka lang, iyon lang mabubuhay ka ng masaya kahit wala siya." Nagulat ako dahil nalingat lang ako sandali ay bigla na lang siyang nawala. Sumakay na kaya si Inang?


May dumaan ng jeep na patungo sa destinasyon ko kaya sumakay na ako.


Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon sa nais iparating sa akin ni Inang kanina. Hay basta, kung anu-ano tuloy na thoughts ang nabubuo sa isipan ko.


Kinabukasan, tinungo ko kaagad ang classroom namin nang nagkakandahikahos dahil late na akong nagising. Mabuti na lang at wala pa 'yung guro namin kundi patay ako.


Pagkaupo ko sa aking upuan ay napansin kong nakatingin sa akin si TJ. Pagbaling ko ng tingin sa kaniya, aba! Bigla ba naman akong kinindatan. Heaven ito guys!


Napangiti ako sa kaniyang ginawa kaya pinipigilan ko muna ang sarili ko dahil kapag nagkataon baka dito pa ako sa classroom makagawa ng eksena sa sobrang kilig na aking nararamdaman. Nagririgudon nga ang aking puso, para bang gusto nitong kumawala sa aking katawan.


After class, dumiretso ako sa may canteen para maglunch with Joy.


Gusto niya raw i-chika ko sa kaniya 'yung mga nangyari sa amin ni TJ noong Sabado. Aba, gusto pa e detailed! Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa tuwing iniisip ko iyon.


"Ano Heart? Masarap ba ang labi ni TJ?" tanong ni Joy sabay kagat sa hawak niyang fried chicken.


"Oo bes masarap! Ang lambot pa! Saka matamis! Sadyang hahanap-hanapin mo talaga!" ani ko na mas kasama pang padyak sa ibaba.


"Ang swerte mo bes kasi papabol na si TJ, yummy rin, at hot pa! Nasa kaniya na ang lahat!" saad ni Joy na wari mo'y pinagpapantasyahan ang binata.


"Excuse me, akin lang siya bes. Bawal mang-angkin ng pag-aari ng iba," pahayag ko.


"Pag-aari talaga bes? Sa 'yo talaga? Haha!" pangbubuska niya sa akin.


"Syempre naman! Ngayon ko lang naramdaman 'yung ganitong feeling e kaya pagbigyan mo na ako!" paliwanag ko at nagtawanan kaming dalawa.


"Heart! Heart!" sigaw ng kaklase ko na hapong-hapo sa pagtakbo makita lang ako.


"Bakit Ayis? Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko.


"'Yung tatay mo! Dinala sa hospital! Nag-collapse raw kanina habang nagsasaka sa bukid," pagpapaliwanag niya sabay tungga ng inumin ko.


"Ano?!" wika ko at napatayo na lamang akong bigla sa aking upuan.


"No! Hindi pwede!" sambit ko at nagtatakbo ako palabas ng school namin.


★★★★★★★★


Word of God

Repent... that your sins may be blotted out.

-Acts 3:19


Don't ignore the Lord's call. The free and permanent remedy offered by God for your spiritual defect will save your life.

For a new start, ask God for a new heart.

Copyright © risingservant

Pakisabi na LangWhere stories live. Discover now