GGSS ✔

9.3K 186 16
                                    

Cleo's POV

After ng lunch break ay pumunta na kami ni Klei sa room ng Filipino I dahil kami lang sa bekfriends ang classmates sa subject na 'to. TT_TT

"Hoy Cleo nakasimangot ka na diyan, nyare teh?" Tanong sakin ni Klei, kasalukuyan kasing nagtuturo na si Sir Soriano about rules chuchu and dahil nabore ako, ayan naisip ko tuloy si Randell, you know, 20 ways on how you'll kill an irritating person.

"Eh kese nemen teh parang close to impossible nang maging friends kami nung asungot na yun eh! Mas malakas pa yata ang sayad nun sa ex ko." Pag-rant ko habang nakatingin nang masama sa may part kung saan nakaupo si Randell, mula sa pagkakatingin nito kay Sir ay bigla naman itong napatingin din sakin at bago ko pa man bawiin ang tingin ko ay nginitian na ako nito at kumindat pa! The nerve!

"Ikaw naman kasi eh, wag mo na kasing pairalin yang pagka-mataray mo. Later na yan kapag madali nang matapos ang plano." -Klei

"Eeeeeehhh!! Sino naman kasi ang hindi maiirita sa lalakeng yan? Eh ikaw kaya paglinisin ng BUONG ROOM??!!" -Ako

"Ginoong Chen ano bang kaguluhan diyan at napapasigaw ka?" nagulat naman kami ni Klei sa nagsalita at biglang napatingin kay Sir, punyatera mukhang galit pa ata to so papalampasin ko muna ang pagtawag niya sakin ng ginoo. -______-

"Nothin' ay este wala naman po Sir, may dumaan lang pong daga." Ewww.. Medj nakakadiri man ang palusot ko ay ayos na yon, kesa naman mapagalitan diba? :3

"Ahhh okay, sige balik tayo sa panlimang rule----" nagsisimula na sana akong makinig kay Sir nang makita kong biglang itinaas ni asungot yung kamay niya habang nakatingin sakin at nakangisi, bigla tuloy akong kinabahan, syete ano bang binabalak nito?!

Tumango naman si Sir sa kanya na parang nagsasabing magsalita na ito na kanya naman talagang ginawa.

"Ah sir nagsisinungaling po si GINOONG Chen, napasigaw lang po siya dahil sa sobrang kilig sa akin." Punyatera ang hangiiiiiiiinnnnn!! Bigla namang nagsibulungan ang mga bubuyog este mga kaklase ko habang nakatingin sakin, may kinikilig, may taas-kilay-to-the-rooftop (inyo na siya like ew!) at meron namang pangisi-ngisi lang, speaking of Klei. -_____-

Nagsimulang mamula ang mga tenga ko sa inis, punyaterang lalake to ang kapal ng mukha niya! Hindi naman ako papatalo sa kanya kaya't tumayo rin ako, not minding Sir Soriano already, diyan muna siya hahahaha

"Excuse me?" Sambit ko sa kanya at nag-maldita pose.

"Dadaan ka?" pamimilosopo nito na ikinatawa pa ng buong klase, kahit si Klei aba ang ligaya rin ng hampaslupa!

"Arrrrrrrghhh!! Ang kapal ng apog mo Mister Foyer! May proof ka bang dahil sayo kaya ako napasigaw?" panghahamon ko sa kanya, kailangan kong makabawi huhuhu

"Eh sa nadakip kasi kita kaninang nakatunghay sakin and dahil naawa ako, nginitian kita at kinindatan, tapos bigla ka na lang lumihis ng tingin tapos ayun tumili ka na." he said matter-of-factly, as if he's really saying the effin' truth!

"AS IF! I'M NOT LOOKING AT YOU FOR PETE'S SAKE! ARGHH!!!" At napaupo na lang ulit ako sa upuan ko while clutching my head, ang laki niyang sakit ng ulo huhuhu Hindi siya kaya ng powers ko. TT_TT

Narinig ko lang itong tumawa at umupo na rin siya. Pagtingin ko kay Sir ay naga-iPad na pala ito, and mind you dinig na dinig pa ang pag-play ng theme song ng 'Dumb Ways To Die' sa gadget niya. Ala-ten years old lang si sir ampupu -_____-

Nang ma-sense niya yatang tahimik na ang klase'y in-off na nito ang iPad niya at saka tumingin samin.

"Oh tapos na ba ang LQ ninyo mga ginoo?" Nakangising asar samin ni Sir, abang matandang to 40+ na nang-aasar pa rin!

Kinilabutan ang peg ko sa sinabi ni Sir, AKO AT SI RANDELL MAY LQ? Yah gotta be kidding meh!

*KRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIINNNNGGGGG!!!*

YEEEEEEAAAAAAAHHH! This is the best timing ever! Saved by the bell talaga ang peg, and guess what? UWIAN NAAAAAAAAAAAAAAA!!!

Agad kong hinatak si Klei palabas, pero syempre bago yon ay nagpower taray muna ako kay Randell, leche siyang asungot siya!

Nginitian lang ako nito nang pagkatamis-tamis (ew!) at nag-pogi sign pa. Imagine nakakasuka ang GGSS (Gwapong-Gwapo Sa Sarili) niya!

Umakto pa akong nasusuka bago tuluyang lumabas ng classroom, si Klei naman ayun at tumatawa-tawa pa, parang nawala ang pagiging demure ng baklang to ah?! Sinamaan ko nga ng tingin nang manahimik.

Naglakad na kami papuntang next building kung nasaan ang dalawa pang bakla. Hayyyy.. Gusto ko nang umuwi kasi this has been a big day for me.

First, na-mistaken identity ko ang kambal ng ex ko at jinombag ko pa, Second, na dean's office kami sa first day of classes, Third ay pinaglinis ako ng isang GGSS ng buong detainee's office and Fourth, I have to seduce a person I loathed so much at this very moment.

Nang makapag-meet na kaming lahat ay agad naman na akong nagpaalam dahil nga pagod talaga ako, hindi naman na sila tumutol kaya't pumunta ako sa sakayan ng jeep at naghantay na. Oo nagko-commute na rin ako ngayon dahil mas true to life kasi siya and it is an essence of independence. Ang nakakasad nga lang ay di ko pa rin makakasabay sina Klei at Yhannie dahil out of the way sila.

Nang may napara na akong jeep ay agad akong sumakay sa may pinakaunahang part dun sa may katabi ng driver. Pagkaupo ay nagbayad muna ako ng pamasahe bago nagisip isip.

I think I made a big mistake kanina, I should've just let Randell get along with his games kasi parang hindi magandang strategy sa pakikipagkaibigan ang laging pakikipagbangayan dito. I'm really serious of my revenge and I will do anything just to accomplish it. Pero one side of me thought otherwise, parang it's telling me the same thing as what my friends said kaninang lunch break, na ang pakikipagbangayan sa kanya ang magdadala samin into a close friendship. Ay ewan! Kagulo!

"Hala nababaliw na si GINOONG Chen hahahaha" Napa-squeak naman ako nang mahina nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

0_______0

ANO BA ANG KASALANAN KO SAYO LORD?!

WHY IS HE HERE? KAHIT BA NAMAN DITO? TT_TT

--------------------------------------

Support BL stories! <3


Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon