Bitches ✔

9.7K 191 21
                                    

Cleo's POV

Two months had passed. Malapit na ang Intramurals. Ewan ko ba! Hanggang ngayon feeling ko hindi pa rin kami friends ng gunggong na si Randell. Bukod kasi sa mayabang, conceited, at GGSS siya (ANG SAMA KO HAHAHAHA) eh SUPER BIPOLAR ang hangal.

Minsan nga'y nagtataka na ako, baka meron siyang multiple personality disorser, gaya ni Adrian Dela Riva dun sa peyborit story ko sa wattyland entitled Way Back Into Love ni RogueMercado (Endorser jusko HAHAHA). Wag naman sana hayyyy.

Minsan kasi ang bait nito, yung tipong malumanay ang boses, gentleman na gentleman at ang sweet sweet makitungo sa akin, kaya lang minsan nama'y parang lagi itong galit, frustrated sa kahit maliliit na bagay at ang sungit sungit sakin. And that leaves me confused, hindi ko alam kung magkaibigan na ba kami or hindi, hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Chos! Umiral na naman kadramahan ko.

"Musta na beks ang misyon? Ala-tortoise pa rin ba? #jusko!" Sinamaan ko naman ng tingin si Kim na lamon nang lamon ng blueberry cheesecake, kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon having our lunch break. Sabay-sabay pa rin kami kahit minsa'y medj busy na. Mahirap rin kaya ang maging education student, lalo na't lahat kami'y major in English.

Medyo inggit nga ako dun kay Randell-sungit eh, parang chicken na chicken lang dito ang lessons samantalang ako kailangan talagang mag-aral. Okay lang, maganda pa rin naman ako.

"Oo nga gurlalesh naka-score ka na ba kay Fafa Randell?" Juskong Yhannie to nakisali pa, ito naman ang sinamaan ko ng tingin at nag-peace sign lang ito sabay kagat ng corn dog niya (Ay medj bastos hahaha)

"Cleo-beks dalawang buwan na ang nakakalipas di pa rin kayo friends? Jusko naman kaklase mo na nga siya sa lahat ng subjects di mo pa kinuha ang opportunity?" First time namang magsalita ng ganyan si Klei, halatang frustrated na siya sa pagtulong sakin, eh sa hindi pa nga kasi eh huhuhu TT_TT

"To be very honest guys, hindi ko talaga kasi ma-reach ang lalakeng yun. He was entirely different from his twin. Si Ken, predictable siya masyado, I can see right through his eyes, I know when he's sincere, I know when he's not. Pero itong si Randell, masyado siyang mysterious, nakaka-confuse din siya sobra." Parang hopeless kong sagot sa mga tanong nila't nilaro-laro ko ng tinidor yung natitirang spaghetti sa plato ko.

They gave me an understanding look then I smiled kasi alam kong pinapalakas lang nila ang loob ko, minsanan na rin nila akong pinilit na tigilan na lang ang misyon pero ako na ang tumututol, I'm Rupert Cleo Chen, and it's not my attitude to stop things that I've already started. After that, bumalik na kami sa pag-uusap ng nonsense things.

Tawanan, asaran, until suddenly, my eyes averted involuntarily to the last table at the right side of the cafeteria, meeting Randell's intense gaze. He's with his friends, tama nga ako't gaya ng kapatid niya ay friendly nga ito. Agad kong iniwas ang tingin dahil alam kong nasa bad Randell state siya, sigurado'y susungitan na naman ako niyan mamayang PE.

Ay shuta!! PE PALA NGAYON!! Ayan na naman yung Basketball na obvious namang wala akong alam, magigi na naman akong laughing stock ng buong klase, di ko pa naman kaklase ang ni isa sa mga bruha kaya't ala Forever Alone ako.

"Hoy beks! Tulaley ka na diyan? Nyare teh?" Nagtatakang tanong ni Yhannie habang nakatingin sila saking tatlo na para bang baliw ako, tsk tsk.

*KRINGGGGGGGGGGGGG!*

Pagkarinig ng bell ay agad akong nag-bye sa kanila without anwering their question, gaya nga ng sabi ko, wala ako sa kanilang kaklase pag PE kaya kailangan ko nang magsuot agad ng PE uniform. Well, the uniform sucks, mukha akong jeje sa kanto kasi masyadong malaki ang pinatahi ni mommy sa akin, feeling naman binata ang anak niya hayyyy

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon