Want ✔

8.2K 165 15
                                    

Cleo's POV

Sana nga lang ay kayanin ko kung anuman ang aking maririnig.

Kita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Randell kaya't parang kinutuban ako ng masama.

Magtatanong na sana ako kung bakit siya nagkakaganyan nang sa wakas ay sumagot na siya.

"Ahmmm... Ahhhh... Si Kuya Ken? Ayun okay naman siya. Nasa Grade 10 siya ulit ngayon eh." Kita ko ang lungkot sa mukha niya, and suddenly I'm left confused, how the hell did Kendall end up repeating Grade 10?!

"Bakit siya nasa Grade 10 ulit? We all know na magka-batch tayong lahat?" I know I sounded like a mother trying to know where her missing child is even if I made it a point not to sound like I care so much about Kendall. I mean, oo sinaktan niya ako, pero you can't blame me if I'm so much curious about what happened to him, especially when it's part of my mission list.

Something glowed in Randell's eyes but before I got hold of what it means, it's already gone.

We were silent, I mean he was silent dahil ang isip ko'y crowded pa rin till now, hanggang sa hindi ko na nga kinaya ang katahimikan, I think this is still not the right time to ask him, anyway,  hindi pa naman siguro talaga kami 'close' friends nitong si Randell para mamersonal akong tanong sa kanya.

"Nevermind Randell, ahmm can I ask a favor?" Pagbasag ko ng katahimikan, which made his face lighten up in relief, ewan ko lang ah pero kamukhang-kamukha niya talaga si Ken lalo na't ganyan na ganyan din ang mga emosyon nun.

Hayyyyy... Kendall again, shut your mind from him Rupert Cleo!

"Ano naman yun?" I'm glad he's back, nakangiti na naman ang kumag.

"Can I just call you Ram? Masyado kasing mahaba ang Randell eh, nakakaubos laway." I asked matter-of-factly.

Umakto naman itong parang nag-iisip habang nakatitig lang sakin at nakangiti. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa way niya ng pagtitig, para kasing nagpapakyut ito na parang hindi naman na jusko nakakalito!

Napayuko na lang ako para  maitago ko ang pamumula ng aking cheeks nang bigla namang may kamay na humawak sa baba ko at iniangat ang mukha  ko. I swear tatanggalin ko na sana yung kamay niya (dahil parang nakukuryente na naman ako) nang matigil ako dahil when our eyes met, I saw sparks fly in his eyes.

I don't know how long we've been looking at each other. I was just lost in his eyes. Parang nanunuot sa buong kalamnan ko ang titig niya. We are not that close but I still can feel the intensity of our gazes.

"Ehem.." Bigla akong nagbawi ng tingin at napatingin sa nagsalita.

OH MY GOD!

OH MY GOD!

OH MY GOD!

-----------------------------------------------------

KANDELL'S POV

Inis. Asar. Ayun na eh! Moment na namin to! Sino ba 'tong asungot na 'to?

"Jace?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Yoyo ko sa lalakeng kanina ay sumira sa 'sweet moment' namin. Nang tinignan ko naman ay sigurado akong mukha lang siyang paa ko, okay sorry, tuhod na lang pala. XD

Ngiting-ngiti pa talaga ang loko habang nakatitig sa love of my life ko. Sarap bigwasan!

"Hi Cleo!" at napatingin naman ito sakin na parang ngayon niya lang ako nakita. ".. and Randell.." pagtatapos nito sa pagbati niya. Tinignan ko lang siya (dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya, malay ko ba kung kaklase pala to ni Cleo o ng kambal ko) habang nakanganga pa rin si Cleo, masyado ba siyang nagagwapuhan sa lalakeng yan? Sus naman tuhod ko lang nga kamukha niyan eh!!

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon