27: BYUTIPUL IN MY EYES

5.1K 132 30
                                    

Chapter 27

Yhannie’s POV

Monday. First Day of Intramurals.

Sa oras na alas-sais ng umaga ay nandito na agad ako sa soccer field ng Saint Charles, alam ko kasing malapit nang dumating ang aking baby Karr para mag-practice. Varsity player siya ng Saint Charles Football Association at syempre ako ang ultimate fan niya. Nasabi ko na bang siya ang pinaka-hot na soccer player sa buong mundo? WAAAAHHH grabe iniisip ko palang siya kinikilig na ako. :”>

Nagdala rin ako ng face towel and Gatorade para maging isang certified caring girlfriend kay baby Karr. Chance ko na rin to para mapunasan siya, feeling his bulging muscles at syempre itatago ko pagkatapos ang towel sa tagong lugar para hindi malabhan, sayang ng pawis. I’m still considering if ipapa-frame ko eh.

Matatawag na ba akong stalker? Well, hindi naman siguro kasi para raw sa mga panget ang stalker at dahil nga pretty ako, I consider myself as an Admirer. Choosy pa kasi yung lalakeng yun eh!  Ako na nga ang nag-aalok sa kanya na maging girlfriend niya ang isa sa mga pinakanagagandahang dilag sa Saint Charles tapos nag-iinarte pa. Naku talaga kung di lang siya masyadong gwapo iniwan ko na siya. Charaught di ko kaya yun haha

Pagkatapos nga ng ilang sandali ng pag-iisip ng kung anu-anong kalandian eh nakita ko nang naglalakad papunta sa gitna ng field si baby Karr. Base sa pagkakakilala ko sa kanya eh ayaw nitong agad na kinukulit first thing in the morning kaya’t nagkasya na lamang ako sa panonood sa kanya. He’s really impressive in that sport, considering na kahit hindi siya masyadong magaling sa cooperation (tahimik kasi masyado tsk) eh siya pa rin ang nagdadala ng buong team. It’s no wonder na marami rin siyang ibang fans, kaya lang eh walang nakakalapit dahil sa sungit nito na tanging ako lang ang nakaka-endure. Minsan nga’y hindi ko maiwasang mag-hopia na baka mayroon na ring feelings ang lalakeng yun sakin eh dahil kung dati’y halos itulak ako nito palayo eh kinakausap na ako nito ngayon. Pero syempre kailangan ko muna ng matinding evidence bago ko masigurado. Kahit naman love na love ko siya ay takot pa rin naman akong masaktan, I still want to have a relationship that is true to both parties.

Patuloy lang ako sa panonood sa ginagawang practice ng baby Karr ko hanggang sa tuluyan nang dumagdag nang dumagdag ang soccer players na nagsidatingan at nagsimula na ring mag-ensayo. Aaminin kong marami ring gwapo sa team nila pero sadyang kay Karr lang talaga nakatuon ang buong atensyon ko. It was like something glues my eyes only at him.

“Hi.” Naulinigan kong sabi ng nasa likod ko pero hindi ko iyon pinansin dahil baka hindi naman ako ang kinakausap and isa pa sigurado akong mas magandang view si baby Karr kesa sa kung sino mang boses na yun. Boses na masyadong pamilyar pero nevermind.

“Ahm.. Hi Yhannie.” Agad akong napalingon sa likod nang marinig ko ang aking beautiful name.

Para akong naestatwa. Lahat ng magandang aura na nasa katawan ko ay biglang humupa dahil sa lalakeng tinitingnan ko ngayon. Now I’m regretting that I turned my back and looked at him. Him, the guy who became all my firsts, even my first heartbreak.

“Richie?” Naninigurado kong tanong but the venom in my voice is prominent. Ngumiti ito at biglang hinawakan ang dalawang kamay ko, suddenly enveloping them with a gentle kiss.

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon