Fitted na white t-shirt, black leather jacket, maroon jeans at hindi mawawala diyan ang timberland boots na kulay black na pinaka favorite ko sa lahat.
All right! Full pack na!
"Bye lolo" humalik ako sa pisngi niya.
Nagmamadali akong nagtungo sa pinto.
"Aze yung bilin ko sayo ah. Wag iinom ng marami at umuwi ka ng maaga!" Nilingon ko siya at sumaludo ako.
Iinom ako ng marami at uuwi ako ng Umaga. Woho! Hehehe
Sumakay ako sa T12 Massimo at tsaka ko sinuot ang helmet ko. Hindi naman porket babae ako ay hindi na ako pwede magmaneho ng ganitong klaseng motor.
Inistart ko na.
*VROOOOOM*
Ilang minuto lang ay nandito na ako sa bar. Pagkapasok ko palang woo! Amoy mandirigma na agad.
Halo-halong amoy ang naamoy ko. Usok ng sigarilyo, alak, pawis at sari-sari pa. O diba parang bahay kubo lang.
"Isang martini" sabi ko at inabutan niya ako.
"Wuy! Aze ang tagal mong dumating ah."
Siya si Yuri Sanchez kaibigan ko. 3 years ko na siyang kaibigan at dito ko siya nakilala sa bar. Kapag sa unang tingin mukha siyang mahinhin. Pero kapag nakilala mo siya, isa rin siyang dakilang kalog. At isa rin yan sa nagustuhan ko sakanya.
[Nandito yung picture ni Yuri Sanchez >>>]
Nginitian ko lang siya.
"Si lolo kasi eh" pagdadahilan ko. Nag-usap pa kasi kami ni Lolo. Kailangan ko daw umuwi dahil maaga ko daw mamemeet yung fiancee ko.
I sigh
Dahil good girl ako. Sabog akong makikipagmeet sa fiancee ko. Hahaha. Sana lang lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya na.
Kinalabit ako ni Yuri at tsaka siya bumulong.
"Si Jack oh" tinuro niya yung bandang kanan ko.
Si Jack Lewis. Siya ang kauna-unahan kong naging boyfriend, sakanya ko din natutunan kung paano lumaban. Sinaktan niya kasi ako. Alam niyo kung anong ginawa niya sa akin? Well, pinagpustahan lang naman nila ako ng mga tropa niya sa halagang dalawang libo. Dahil tanga-tanga pa ako noon ay sinagot ko siya agad at simula ng malaman ko pinagpustahan nila ako nakipaghiwalay ako. Ang tanga ko diba? Wala eh first time. Sa tuwing maaalala ko yung pangyayaring yun, natatawa nalang ako sa katangahan ko. Kung alam ko lang talaga na yun ang gagawin nila, sana binigyan ko nalang siya ng dalawang libo! Ang cheap niya shet!
[At ito ang picture ng Ex boyfriend ko >>>]
VOCÊ ESTÁ LENDO
My Pervert Fiance [BOOK 1]
Romance•∆COMPLETED: MAY 12, 2017∆• Highest Achievement: Rank #1 in KookU, Rank #2 in IuKook ❤️ •♥•♥•♥ What if lahat ng nakasanay mong gawin ay magbabago dahil lang sa isang TAO. Tao.. Kung nasan ka ay naroroon siya.. at ang taong tinutukoy dito ay ang FIA...